11:35PM

1.1K 51 6
                                    

????? ?????? Point Of View

Nakakapagod yung gala kanina. Pero mas nakakarelax kapag mag-isa lang naggala. Saya nga lang at may mga kasama ako sa bangka kanina habang iniikot namin ang underground river. Mas masaya sana kung ako lang mag-isa kahit wala yung magsasagwan kaya ko naman gawin iyon eh.

Matapos yung underground river ay bumalik na muli ako sa hotel na tinitigilan ko. Nahiga sa kama. On ang speaker habang nakaharap ako sa laptop ko. Games lang. Hindi namab kasi ako mahilig magfacebook o mag instagram. Ayoko kasi na nalalaman pa ng ibang tao ang mga ginagawa ko. Ayoko gayahin yung mga taong halos na ata ng ginagawa ay pinopost sa facebook.

May facebook naman din ako. Browse lang. Scroll lang sa cellphone ko. Si Kuya nga lang ang nakakachat ko. Bihira pa. Bukod sa facebook at online games at nawiwili din akong manuod ng nba at fairytale anime.

Hindi ako mahilig makihalubilo sa ibang tao. Hindi rin ako interesado sa buhay ng ibang tao. Ewan ko. Hindi ko lang talaga gusto.

Umorder lang ako ng pagkainat dito na ako sa hotel room ko kumain ng dinner. Hindi ko na kasi napansin ang oras. Napatagal yung panunuod ko ng anime sa laptop ko.

Lumabas ako ng room. Dumaan muna ako sa beer station at naupo ako sa buhanginan. Kaharap ko ngayon ang walang tigil na pag-alon ng napakalinis at kulay asul na parang nailaw na tubig. Nagrereflect kasi ang liwanag ng buwan dahilan para kumintab at magkulay asul ang mapipinong alon ng dagat.

Naaagaw ang atensyon ko ng isang grupo sa kaliwang bahagi ko. Hindi naman sila kaingayan pero dahil sa sobrang tahimik ng paligid ay halos marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ako nalingon dun. Hindi ko naman sila mga kakilala at wala akong balak makipagkilala sa kanila. Sa kanang bahagi ko naman ay ang isang grupong nakapaikot sa isang malaking apoy. Bonfire.

Tumayo ako at nagpunta ako sa bilihan ng pira-pirasong kahoy. Nagpaliyab din ako ng apoy sa harapan ko para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Siguro kung may makakakita sakin iisipin na malaki ang problema ko kasi nag-iisa akong nag-iinom habang nasa ganitong lugar.

Mahina kong narinig ang tunog ng cellphone ko. Agad ko iyong in-slide at binasa ang natanggap kong message.

Okay ba ang soul searching mo? O baka naman chix lang ang hanap mo? -Kuya L.

Haaaay. Gusto ko lang marelax kaya andito ako.

Kuya hindi ako interesado sa ibang tao. Kahit nga pagpapari hindi sumagi sa isipan ko eh. Pabalik na ako bukas sa Cavite. Kailangan ko ng maayos yung pagtransfer ko sa bagong school. Padala mo nalang sakin ang ibang documents ko.

Sagot ko sa kanya.

Mabilis lumipas ang ilang oras ng hindi ko napapansin. Naubos ko na rin pala ang beer na binili ko kanina. Hindi naman ako malalasing sa ganoong kaunti kaya makakabalik pa ako ng maayos sa room ko. Tinabunan ko ng buhangin ang pinagliyaban ng ginawa kong bonfire at dahan dahan na akong naglakad pabalik. Andito pa rin pala ang grupong nakakaagaw ng atensyon ko kanina. Dire diretso lang akong naglalakad. Aktong lalampas na ako sa kanila nung biglang nahagip ng dalawang mata ko ang dalawang magkalapat ang labi. Hawak hawak nung lalake ang pisngi ng isa pang.. Ewan ko pero mukha siyang babae at magkalapat ang dalawang labi nila. Pasimple kong idiniretso ang tingin ko at kaagad na akong bumalik sa hotel room ko.

Tumingin ako sa suot kong relo. 10pm.

Inilapag ko ang cellphone ko at nagshower na ako. Hindi kasi ako nakakatulog kapag hindi nagsashower sa gabi. Mabilis lang ako nakapagshower. Sinuot ko ang boxer short ko at kulay puting sando. Dumapa ako sa kama at nasa harapan ko muli ang laptop ko.

Youtube.

Youtube.

Youtube.

Nagplay ako ng mga music para marelax ang sarili ko at para makatulog na ako.

Tumingi ako sa wallclock ng room ko. 11:30pm.

Pinikit ko na ang dalawa kong mata. Pumaling ako sa kaliwa, pumaling ako sa kanan at tumihaya ako. Shit! Hindi ako makatulog.

Muli akong tumingin sa wallclock. 11:32pm.

Ha!? Dalawang minuto palang lumilipas!? Muli kong ipinikit ang dalawang mata ko. Sinubukan kong huwag mumulat at pilitin ang sarili ko na makatulog. Nag-iisip ako ng mga bagay na makakarelax sa isipan ko.

Bahagya kong idinilat ang dalawang mata ko. 11:35pm. Tangnaaaaaaa! Bakit ganito!!! Akala ko ang tagal ko ng nakatulog.

Baka bitin lang ako sa ininom ko kanina. Ganoon daw kasi iyon eh. Kapag bitin ka sa ininom mong alak eh hindi ka talaga makakatulog.

Lumabas ulit ako ng room ko at nagsimula ko na ulit tahakin ang papuntang beer station. Kahit ganitong oras ay may kaunti pa ring taong nasa labas. May mga nag-iinom, naglalaro ng bola at nakayuko habang nag-iisa. Napabalik tingin ako sa taong nakayuko. Pakiramdam ko kasi ay nahikbi siya dahil sa pag-angat ng mabilis ng balikat niya.

Nilampasan ko nalang siya. Ayoko makisali o makialam sa problema ng ibang tao.

Matapos kong makabili ulit ng beer ay naupo na ulit ako sa pinuwestuhan ko kanina at pinagpatuloy ko na muli ang pag-iinom ko.


Author: Sensya sa plot ng story.. Sana magustuhan niyo po. Salamat po sa patuloy na pagsuporta sa book ko. Thankyou po.
Pa-like at comment naman po. Salamat po.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon