Sorry Ien...

2K 101 29
                                    

Chrien Ross PoV

"Oah..." mahinang pagtawag ko sa pangalan niya. Nakapatong siya sakin. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hinihinga.

Ang bilis ng pintig ng puso ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dahan dahan lumalapit ang mukha ni Oah sa mukha ko.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na magkalapat ang mga labi namin. Malambot. Napakalambot. Marahang nilalaro ni Oah ang ilalim na bahagi ng labi ko dahilan para lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi kami nag-uusap ni Oah. Patuloy lang siya sa ginagawa niyang paghalik sakin. Hindi ko magawang pigilan siya dahil may parte sa isipan ko na gusto ko ang ginagawa ni Oah.

Unti-unting bumababa ang labi ni Oah. Mula sa labi ko papunta sa pisngi pababa sa leeg ko. Napapaangat ako ng ulo dahil sa sensasyong nararamdaman ko. Bumababa uli ang mga labi ni Oah hanggang sa balikat ko papunta sa dibdib ko.

"Oah...." mahinang pagtawag ko sa kanya. Hindi parin siya tumigil at mas lalo niyang pinagpabalik balik ang paghalik niya sa dibdib ko.

Muling umangat si Oah at magkatapat na muli ang mukha namin. Hinalikan niya ulit ako sa labi ko at nagpapaubaya na ako. Nararamdaman ko na hinuhubad ni Oah ang suot ko at ganoon din ang ginawa niya sa suot niya.

"Ien..." bigkas niya sa pangalan ko.
Akmang sisimulan na ni Oah ang gusto niyang mangyari nung biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong inabot sa mini table na katabi ng kama ko. Nanatiling nakapatong sakin si Oah.

"Hel-"

"Chrien si Christian nakikipag-away. Hindi namin maawat. Please punta ka dito. MJ to" dire-diretsong sabi ni MJ sakin.

"Hindi na ako makakapunt-"

"Please Chrien. Hindi namin kaya si Christian. Ikaw lang ang alam namin na makakaawat dito" muling putol niya sa sasabihin ko.

"Pre awat na! Hindi naman sinasadya eh! Awat na Christian!" narinig kong sigaw sa kabilang linya. Magsasalita pa sana ako nung biglang naputol na ang pagtawag sakin ni MJ.

Tumingin ako kay Oah.

"Oah.. Kailangan kong bumalik don.. May hindi lang inaasahan na nangyari" malumanay na sabi ko sa kanya. Pinipilit ko ang sarili ko na maging malumanay kahit na gusto ko ng magmadali papunta don. Kahit naman papaano ay importante narin sakin si Allyson.

Wala akong narinig na salita kay Oah. Humiga siya at tumayo naman ako at sinuot ko ang hinubad na suot ko ni Oah.

"Ien.." mahinang pagtawag niya sakin. Nilingon ko siya at hindi siya nakatingin sakin.

"Sorry Ien..." dugtong niya.

Nilapitan ko siya.

"Pasensya na rin Oah.. Kailangan kong bumalik don" sagot ko sa kanya.

"Kailangan ba talaga? Mas importante ba siya kaysa sakin?" tanong niya sakin. Ewan ko ba pero parang may kakaibang dulot sakin ang tanong niyang iyon.

"Oah mas importante ka... Syempre mas matagal na tayong magkaibigan.. Pero syempre may mga bagay na dapat ko rin bigyan ng pansin" mahabang sagot ko sa kanya. Nagiging honest lang ako sa sagot ko kay Oah.

"Sige na.. Babalik ako agad. Pahinga ka na ha.." sabi ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko. Medyo nakakaramdam pa ako ng pagkahilo dahil sa ininom kong alak kanina pero hindi na katulad ng kanina. Dahil siguro ito sa epekto ng ginawa namin ni Oah kanina.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong disisyon, pero ito ang gusto ko. Importante sakin si Oah. Ramdam ko iyon. Magbestfriend kami eh.

(Huwag niyo na po muna hanapin si Kuya Justin. Nawala po talaga siya ng medyo matagal dahil pareho lang po ng timeline ang Book 4 at Book 5. Ibig pong sabihin may revelation na nangyayari ngayon sa book 4)

Paano nga kaya kung natuloy ang dapat na nangyari samin ni Oah kanina? Magbestfriend pa kaya kami? May magbabago kaya? Sa totoo lang ayoko may magbago saming dalawa. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko. Wala na kasi ako mahahanap na katulad niya.

"Kuya Rey sa tabi nalang po" sabi ko sa nasakyan kong tricycle driver at kaagad na akong bumaba ng tricyclebat naglakad papasok sa gate nila MJ.

Hindi na ganoon kadami ang tao pero halatang may gulong nangyayari. Nakapalibot halos lahat sa isang parte. Nahagip ng mata ko si Ronje. Nilapitan ko siya.

"Ano ba nangyayari? Ano nangyayari kay Allyson?" tanong ko.

"Buti dumating ka Chrien. Kanina pa namin inaawat si Christian hindi ayaw magpaawat. Hindi namin malaman kung bakit naghahamon ng away. Kahit sino hinahamon" mahabang kwento niya sakin.

"Chrien ayun si Christian. Puntahan mo" -MJ.

"Hala! Baket ako! Dapat kanina niyo pa inawat. Kadami dami niyo!" pagalit kong sagot sa kanila.

"Ayaw na namin maulit yung nangyari dati. Pangatlong beses na itong nangyayari. Pati kami hinahamon ng away" pagpapaliwanag naman ni Joshua.

Hindi ko na sinagot pa ang mga sinasabi nila. Dahan dahan ako naglakad papalapit sa pinagkakaguluhan ng mga taong nandito.

"Ano bang problema mo Christian Allyson! Napakasiga mo talaga!" malakas na sigaw ko dahilan para lumingon siya sakin. Nakatingin siya sakin. Nanlilisik ang mata niya.

"Bakit nandito ka!?" galit na tanong niya sakin. May gana pang magtanong itong impaktong to!

"Bakit ka nakikipag-away! Bakit napakasiga mo! Bakit ganyan ka!" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Wala ka ng pakialam sa gusto kong gawin! Bakit ikaw ba pinakialaman ko nung umuwe ka kanina!" malakas na sabi niya sakin.

Malapit na maubos ang pasensya ko sa lalakeng ito. Nilapitan ko siya.

"Halika na uuwe na tayo! Hindi ka na nahiya sa mga ginagawa mo!" sabi ko sa kanya sabay hila sa kamay niya.

"Ayokong umuwe! Lakad ikaw ang umuwe baka naiinip na ang bestfriend mo!" talagang pinagkadiinan pa ang salitang bestfriend ko.

"Napipikon na ako Christian Allyson! Ayaw mo umuwe!? Sige. Wag kang uuwe at wag na wag mo akong kakausapin kahit kailan!" matapang na sagot ko sa kanya.

"MJ! Ihatid mo na ako pauwe" sigaw ko kay MJ.

"Subukan mo lang MJ. Babanatan kita!" sigaw naman ni Allyson.

"Huwag mong intindihin yang impaktong yan! Isusumbong ko kayo kay Kuya kapag hindi mo ako hinatid MJ" pananakot ko sa kanila.

"Sige Chrie-"

"Sige MJ. Subukan mo lang!" -Allyson.

"Okay. Kung hindi pwede. Osya - tara na Mj. Ipagpatuloy natin ang inuman. Huwag niyo intindihan yang impakto na yan. Maglalaseng tayo at don ako matutulog sa KWARTO NG BESTFRIEND KO!" pinagkadiinan ko talaga yon.

Napansin kong lumalapit sa lugar namin si Allyson. Takte. Baka nga totohanin yung sinabi niyang babanatan niya mga nandito. Nagtatapang tapangan lang naman ako kanina sa pagsagot ko sa kanya. Langya. Mapapasubok ata talaga ako.

"Halika na! Uuwe na tayo!" sabi niya sakin habang hawak hawak ang kamay ko.

"Akala ko ba ayaw mong umuwe!" giit ko.

"Uuwe na nga diba!!" pagalit niyang sagot sakin.

Author: Salamat po sa pagsubaybay.
Sensya po hindi ko maipaliwanag dito kung bakit nawala si Justin. Baka magkaroon kasi ng hint sa book 4 kapag pinaliwanag ko dito :) Maraming salamat po sa pagbabasa.

Pa-Shout out sa nagchat sakin ngayon CHARLES KURT DE JESUS. Hindi ko pa inoopen yung chat mo kasi nag-a-update ako. :)

Penge pong comments and votes :)
Thankie.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon