KissMe
Justin France PoV
"Justin!"
Tangna! Di mawala sa isip ko yun. Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Chrien para sunduin sa bahay nila Joseph. Alam kong tinawagan siya ni Joseph pero ramdam ko yung effort ni Chrien.
"Justinnnn!"
Alam kong laseng ako nun. Dami kong nainom. Pero nung naramdaman kong nasa kwarto na ako ni Chrien ay bigla nalang nawala ang tama sakin ng alak.
"Ano ba! Kanina pa kita tinatawag! Ano ba nangyayari sayo Justin!?" Sigaw sakin ni Kuya Paul.
"Hindi naman kita naririnig Kuya eh!" Sagot ko.
"Eh pano tulala ka diyan sa cellphone mo! Ano ba pinapanuod mo? Pornhub nanaman!" Malakas na sigaw ni Kuya.
"Mahiya ka nga Kuya! Di ako nanunuod nun! Gagaya mo pa ako ke Kuya Luis!" Pagtanggi ko. Nanunuod naman ako sa pornhub pero hindi naman palagi. Saka wala dun yung nakakabuhay ng dugo ko. Yown!
"Sasama ka ba!? Pupunta ako kina Kuya Den mo-"
"SASAMA AKO KUYA!!!!" Mabilis kong sagot kay Kuya kahit hindi pa tapos ang sinasabi niya.
Narinig ko pa ngang kausap ni Chrien si Kuya Den sa cellphone niya. Tinatanong niya kung ano ang dapat niyang gawin sa isang taong laseng. At syempre ako yun. Naiimagine ko nga itsura niya nung nalaman niya na ang dapat gawin.
Naramdaman kong unti unti niyang tinatanggal ang butones ng polo ko. Tangina! Kaiba yung pakiramdam ko. Yung tipong parang nakukuryenter ako sa bawat paggalaw ng kamay niya sa dibdib ko. Nararamdaman ko rin na nanginginig siya sa ginagawa niya sakin. Hanggang sa pati pantalon ko ay natanggal niya narin. Takte! Hindi ko makontrol si Junjun ko. Nag-iisip na ako ng ibang bagay para hindi maexcite si Junjun pero balewala. Lalo na nung dahan dahan na akong pinupunasan ni Chrien.
Ganun din kaya ang nararamdaman ni Kuya Paul kapag magkatabi sila ni Kuya Den?
Hanggang sa masuotan na ako ni Chrien ng sando. Pero nagtataka ako kasi hindi niya ako sinuotan mg short. Gusto kaya niya na nakabrief lang ako matulog? Katabi siya? Ready na kaya siya? Langya. Baka hindi mo kayanin Bunso. Baka masaktan ka. Ayoko masaktan ka. Baka mawalan ka ng malay.
Napanatag lang ako nung humiga na siya at nakatalikod siya sakin. Pero yung pakiramdam ko ganun parin. Naiimagine ko si Chrien. Takte! Ang bad! Hindi pwede yun! Tapos kusang kumilos ang kamay ko at ipinatong ko sa katawan niya. Yapos yapos ko si Chrien pero nakaawang ng kauntin ang katawan ko kasi... kasi ayokong maramdaman niya yung kanina pang excite na excite na nasa ibaba.
Hindi na ako nakatulog. Nawala yung epekto sakin ng alak. Mas malakas pa yung tama ko kay Chrien kesa sa alak.
"Wala ka bang balak bumaba Justin?" Untag sakin ni Kuya Paul.
Langya. Andito na pala kami kina Chrien. Hindi ko na namalayan - di kasi mawala sa isip ko yung nangyari. Makapag-inom kaya ulit ngayon para mamgyari ulit yun. Hahaha!
"Nei kumain na muna kayo ni Justin. Nagluto ako ng pork adobo" yaya ni Kuya Den samin.
"Ayos na ayos! Hindi pa naman ako kumain sa bahay" ngiting sagot ni Kuya Paul.
"Kuya Den nasan si Chrien?" Pasimpleng tanong ko habang naglalagay ako ng kanin sa plato.
"Nasa praktis. Pero pauwe na rin yun. Katatawag ko lang din sa kanya" sagot ni Kuya Den habang nilalagyan ng ulam si Kuya sa plato niya.
Sigurado akong magugulat si Bunso kapag nakita niya ako dito.
"Nei tara shot tayo ng kaunti. Tagal na akong di nakakainom eh" narinig kong sabi ni Kuya Den.
Mukhang inaayunan ako ng pagkakataon ah! Sashot ako at maglalasing lasingan ako mamaya! Yieeee! Alabyu Kuya Den!
"Huwag ka maglalaseng at baka tulugan mo ako mamaya ha! Nakakailang pass ka na!" Makahulugang bilin ni Kuya Paul.
Potek! May kung anong pumasok sa utak ko!
"Oh mukhang nandiyan na si Chrien. May nagbukas ng gate eh" -Kuya Den.
"Salubungin ko na. Sigurado akong masosorpresa yun!" Ngiting sabi ko at mabilis na akong naglakad papalabas ng pintuan.
Gugulatin ko si Bunso. Hahaha! Kaya dahan dahan kong pinihit ang pintuan at dahan dahan ko itong binuksan.
"Chrien sabi na nan-"
Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko. Shit! Bakit ganito? Bakit biglang parang nanikip ang dibdib ko? Bakit parang may tumutusok sa puso ko? Iba yung bilis ng tibok ng puso ko.
Bumungad sa harapan ko si Chrien at si Noah. Magkalapat ang kanilang labi. Tangina! Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Hindi na ako nagsalita. Bumalik nalang uli ako sa loob ng bahay at naupo ako dun sa likod. Hindi ko alam pero wala ako sa mood.
"Oh nasaan na si bunso?" Tanong sakin ni Kuya Paul habang bitbit ang alak.
"Nasa labas pa. Kausap pa ni Noah" tipid kong sagot.
"Gabriel ka din talaga Justin! Parehong pareho kayo nitong impaktong to kapag nagseselos!" Singit naman ni Kuya Den habang bitbit naman ang sisig. Kasunod nun ay ang pagtawa ng dalawa.
Selos? Bakit ako magseselos dun? E mas gwapo naman ako kesa kay Noah! Mas malaki katawan ko!
Hindi na ako sumagot pa sa mga sinabi nila Kuya. Tahimik nalang ako at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa cellphone ko. Maigi pa Mobile Legends! Buset!
Napansin kong pumasok na si Chrien sa loob. Hindi ako natingin sa kanya pero alam kong nakita na niya ako.
"Kumain ka na ba Chrien?" Tanong ni Kuya Den.
"Kumain na kami ni Noah. Magbihis lang ako Kuya" -Chrien.
Kumain!! Baka nagkiss kamo! Ganyan ba ang magbestfriend!
"Bakit ba nakasambakol ang mukha mo Justin? Para kang nalugi! Halika nga dito" puna ni Kuya Paul.
E paanong hindi ako maiinis eh ganon makikita ko! Nakakapag-init!
"Bunso halika dito. Bonding tayo. Eto isang bote oh" alok ni Kuya Paul.
"Hoy Paul Francisco Cruz Gabriel! Huwag mo ngang painumin yang kapatid ko! Baka mawili yan!" Pigil naman ni Kuya Den.
"Hayaan mo na. Minsan lang naman. Ikaw nga dati halos araw araw ka nag-iinom!" Pangbabara naman ni Kuya.
Kaya wala ng nagawa si Kuya Den. Nakaupo na ngayon dito si Chrien habang hawak ang cellphone niya.
"Chrien isang bote lang! Baka mamaya mawili ka! Tuktok ka sakin!" -Kuya Den.
"Oh eto sayo Justin oh! Alam ko naman gusto mong mag-inom" sabay abot sakin ni Kuya ng isang boteng redhorse. Hindi ako kumibo. Kinuha ko lang iyon at nilapag sa harapan ko.
"Justin bakit ba simangot na simangot ka? Kanina lang ang saya saya mo. Ano ba nakita mo sa labas?" Biglang tanong ni Kuya Den dahilan para mapatingin sakin si Chrien at biglang namula ang magkabilang pisngi.
Author: Maraming Salamat po sa mga Nag-greet kay Francisco kahapon. Nalaseng ako kagabi. Hahaha!
Salamat din po sa patuloy na pagbabasa.Penge pong comments and votes :)
BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb