Can I just have a hug?
Chrien Ross PoV
"Chrien"
Langya! Nararamdaman kong nasakit ang ulo ko. Halos wala akong tulog kagabi, ayy hindi pala ako nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung bakit.
"Chrien!"
Ayaw mawala sa isipan ko yung nangyari kagabi. NANGYARI!!? Takte! Hindi pala! Yung ginawa ko pala at yung nakita ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng first time makaranas ng ganoon? Kung itaas na bahagi lang ng katawan - pangalawang beses ko ng nakakita. Kasi naghuhubad naman sa harapan ko si Oah. Siguro kailangan testingin ko rin sa iba para malaman ko kung ganito talaga ang pakiramdam.
"Araaaaay!!" Sigaw kong nung biglang may lumanding na kamay sa ulo ko.
"Ikaw ba ee binge!!! O binge!? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo! Anong kasalanan sayo ng bandera? Bakit nakatitig ka diyan!!" Malakas na sigaw ni Riza.
"Wala! May iniisip lang! Pasira naman to oh!" Inis na sagot ko.
"Oh ayan kanina ka pa hinahanap ng hostong yan! Ituturo ko nga dapat sa vacant lot yan ee!" Sabay turo ni Riza kay Kevin na kaibigan ni Oah.
"Pinadala nga pala ni Noah. Hanggang mamayang gabi pa kasi ang praktis nila" malumanay na sabi niya.
"Salamat Kevin" sabi ko pagkakuha ko ng box na dala niya.
"Chrien ireto mo ako don sa lalakeng yon. Tiba tiba ako dun!" Sabi sakin ni Riza nung nasa loob na kami ng room.
"Tumigil ka nga! Kabata bata pa natin para sa ganoon. Mag-aral muna tayo! Puro ka kalokohan!" Suway ko sa kanya.
"Bata!! Baka ikaw! ISIP BATA!!" Pabalang niyang sagot.
Nagsimula ng magdiscuss ang teacher namin. Pero ako? Lutang. Yung parang wala akong naiintindihan sa sinasabi ni Maam Santillan. English. Ganoon din sa Values Education namin kay Maam Molina. Nakatingin lang ako sa bawat buka ng bibig ng mga teacher na nagsasalita sa unahan pero parang hindi ko naririnig ang boses nila. Parang kakaiba ako ngayon.
"Mukhang malalim ang iniisip mo Chrien ah" biglang upo sa tabi ko ni Jacob. Math na pala. Magkatabi kasi kami kapag math subject na.
"Hindi naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi" sagot ko sa kanya.
"Halata nga. Mapula kasi yung mata mo saka ang laki ng eyebags mo" diretsong sabi niya sabay turo sa mata ko.
Magkukwentuhan pa sana kami pero dumating na ang math teacher namin. Si Sir Padua. Katulad kanina wala pa rin akong naiintindihan. Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin pero alam ko na may kinalaman ito sa nangyari kagabi.
"Hindi mo ba babasahin yung message mo?" Biglang tanong sakin ni Jacob. Tiningnan ko ang cellphone ko na nakapatong sa bag ko na nakaharap sakin.
Bunso sunduin kita. Bawi ako sayo. Hindi mo ako pinabayaan kagabi eh.
Sender: Kuya Justin."Oh bakit bigla kang namula?" Tanong ulit ni Jacob.
"Ha? Wala. Masama lang pakiramdam ko. Puyat kasi" palusot ko at nireplyan ko na agad si Kuya Justin. Sinabi kong huwag na niya akong sunduin. Kaya ko naman umuwe mag-isa. Saka parang ayoko muna makita si Kuya Justin. Baka lalo lang magpabalik balik sa isipan ko yung nangyari.
"Bukas ha. 10am hanggang 3pm ang praktis natin. Ilang araw nalang play na natin kaya dapat mamemorize na natin yung mga lines natin" bilin ni Jacob.
"Chrien tara sabay na tayo palabas ng school" alok sakin ni Jacob.
"E kami? Hindi ba kami lalabas ng school? Stay in ba kami dito?" Singit ni Riza dahilan para magtawanan ang ibang kaklase namin.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb