Namiss kita...

802 49 12
                                    

Chrien Ross Point of View

"Baket ba lawlaw ang mata mo? Adik ka noh? Tumira ka noh?" paulit ulit na tanong sakin ni Rizza habang nandito kami sa cafeteria. Kaya sa sobrang kaingayan at paulit ulit niya napalabas tuloy kami ng room. Kung kailan last subject na napalabas pa kami.

"Tumira ka o ikaw ang tinira?" tatlong beses pang niyang inulit yung tanong na yan dahilan para masamid ako sa iniinom kong juice.

"Tumigil ka nga Rizza. Kaya tayo napapalabas eh kagulo gulo mo" suway ko sa kanya at tinuon ko nalang sa notebook ko ang atensyon ko. Kunwari nagbabasa ako para hindi niya mahalatang medyo namumula ang mukha ko. Kahit na anong gawin ko kasing paglimot sa nangyari samin ni Allyson ay hindi ko magawa. Paulit ulit na nagpipicture sa isipan ko.

"Oh bakit nasa labas kayo? Baka makita kayo ni Sir Den. Pababa na siya" biglang dating nila Mj.

"Pinalabas kami ng teacher namin kasi pagkaingay ingay netong si Chrien!" sisi sakin ni Rizza habang tinuturo turo pa ako.

"Hindi kami naniniwala Rizza. Ikaw pa!" singit naman ni Ronje at naupo na sa tapat namin.

"Eh di wag ka maniwala! Tangnamo!" sagot ni Rizza at nagtawanan na lahat sila.

"Baket parang wala kang tulog Chrien? Baket ganyan ang mata mo?" puna rin ni Mj sakin. Takte naman oh. Dapat hindi na muna talaga ako pumasok ngayon.

"Kase tinir-"
"Hindi kasi ako nakatulog nawili ako sa pinapanuod ko kagabi" putol ko sa dapat na sasabihin ni Rizza. Mukhang may kakaibang sasabihin nanaman tong babaeng to eh.

Lalo akong nakaramdam ng pag-iinit ng mukha ko nung naupo sa harapan ko si Allyson. Nakangiti siya saken at pakiramdam ko ay iniisip niya pa rin yung nangyari saming dalawa.

"Teka san ba kayo nagpunta nung umalis kayo netong si Christian?" walang muwang na tanong naman ni Joshua.

Potek! Ang dami daming pwedeng itanong bakit iyon pa? Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. Alangan naman sabihin kong dinala ako ni Allyson sa bahay nila at...at... Whaaaaaaaaa! Ano ba tong nangyayari sakin!

"Okay ka lang Chrien?" tanong sakin ni Ronje.
"Baket pailing iling ka diyan? Saka anong alangan naman na sabihin mo samin?" mukhang tangang dugtong ni Rizza.

"Sa bahay kami nagpunta. Dun na kami nagdinner saka madami kaming pinagusapan ni Ross, diba Ross?" sagot ni Allyson at nakangisi siya.

"Madaming pinag-usapan? O hindi nag-usap" makahulugang tanong ni Rizza dahilan para magtinginan samin lahat.

"Kayo! Mga iniisip nyo!" -Ako
"Oyyy ikaw lang nag-iisip non Chrien! Napaghahalata ka eh!" malakas sigaw ni Rizza. Napapatingin nga samin yung nasa kabilang table dahil sa ka-overactingan ni Rizza.

"Naitali mo na ba tol?" pang-asar na tanonh naman ni Mj kay Allyson. At ito namang si Allyson pangisi ngisi pa parang tuwang tuwa pa siya sa pinag-uusapan ng mga kaibigan niya. Hindi na nahiya. Baka kung ano pa isipin nila.

"Nakatali na sakin tol" mayabang na sagot ni Allyson.

"Kayo na talaga?" sabat paninigurado naman ni Ronje.

"Tumigil nga kayo! Sige na. Uuwe na ako. Madami pa akong gagawin" sabi ko at tumayo na ako.

"Oyyy Ross sabay tayong uuwe!" sabi naman ni Allyson. Hindi ko na nasagot ang sinabi niyang iyon dahil natuon ang atensyon ko sa lalakeng papalapit samin ngayon. Hindi ko na naintindihan pa ang mga sinasabi ng mga kasama ko dahil sa nasa harapan ko na si Kuya Justin.

"Hi bunso! Kanina pa kita inaantay sa labas. Sabi ni Kuya Den puntahan nalang daw kita dito sa loob" nakangiting bungad sakin ni Kuya Justin.

"Oh iyon naman pala eh. Mas madali talaga mahuli ang higad kapag nakatali" narinig kong sabi ni Rizza at narinig ko ring tumawa sila Mj.

"Kuya Justin..." tanging reaksyon ko dahil ang tagal naming hindi nagkita. Ang tagal na rin ng huling tawag niya sakin. Ang laki nga ng pinagbago ni Kuya Justin ngayon. Mas lalong tumangkad at parang katulad na ni Kuya Luis ang katawan niya.

"Mukhang tapos na rin naman ang klase mo... Tara na..." sabi naman ni Kuya Justin at hinila na niya ang kamay ko. Nakita kong tumayo si Allyson, napansin kong pinigilan siya ni Rizza. Hindi ko na narinig pa yung usapan nila dahil mabilis na kaming nakalabas ng gate ng school at sumakay sa sasakyan niya.

"Ang cute mo pa rin bunso. Ang liit mo pa rin" nakatawang asar niya sakin habang nagdadrive ng sasakyan.

"Namiss kita..." dugtong niya.

Wala akong maisip isagot at sabihin kay Kuya Justin. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng pagkailang dahil sa tagal na namin hindi nagkikita at nag-uusap. Namalayan ko nalang na nandito na kami sa Kingbee Bacao.

Matapos maipark ni Kuya Justin ang sasakyan ay bumaba na kami at sabay na kaming naglakad papasok sa loob.
Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi ko yung nakita ko nalang basta sa menu book. Wala talaga ako sa sarili ko. Kakaiba kasi yung nararamdaman ko.

"Naninibago ka ba sakin? Kanina ka pa tahimik" tanong niya.

"Hindi naman... Kumusta ka na nga pala Kuya Justin?" ngiting tanong ko. Pinilit kong maging normal ang kilos ko.

"Okay lang. Ganun pa rin. Hindi mo ba ako namiss?" diretsong tanong niya sakin. Wala nga siyang pakialam kahit naririnig ng waiter na naglalapag ng pagkain namin ang mga sinasabi niya sakin eh. Nginitian ko lang siya. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko.

"Nga pala Chrien, tuloy na yung concert ng shooting star band. Nasabi ko na rin kay Kuya Den na isasama kita kaya wala ka na dapat problemahin" sabi niya sakin habang inaayos niya ang pagkain ko na inilapag ng waiter.

"Kaso may pasok yung araw na yun Kuya Justin... Hindi kasi ak-"

"Walang pasok nun Chrien. Holiday yun" sagot niya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Unti unti na ulit nagiging normal ang gawi ko habang kausap ko si Kuya Justin. Nanibago lang siguro talaga ako. Ramdam ko rin naman na walang nagbago sa ugali ni Kuya Justin. Ganun pa rin. Dami dami pa rin niyanh kwento pero wala siyang nababanggit tungkol kina Kuya Paul at Kuya Luis.

Pasado alas otso na nung mapagpasyahan naming tumayo at lumabas ng Kingbee. Hindi ko na nga rin nasabi kay Kuya Den pero nabanggit naman ni Kuya Justin na alam na ni Kuya Den na kasama niya ako.

"Gusto mo muna bang dumaan sa park o diretso uwe na tayo?" tanong sakin niya sakin nung malapit na kami sa sasakyan niya.

"Ika-"

"Diretso uwe na tayo Ross. Gabi na" malamig at matigas na boses na narinig ko mula sa likuran ko.


Author: Salamat po sa pag-aantay :) Comments and Votes naman po :)

Shout po pala kina RYE MONTECARLO AIMAN A. ALI KARM2KARM BLAKE MOILAB22 GNDQ28 CAMINADE128 Thank you po sa pagsubaybay :) Salamat po talaga :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon