Kayo na ba?

1.4K 65 5
                                    

Chrien Ross Juco PoV

"Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong sakin ni Allyson habang binabaybay namin ang daan papuntang Airport.

Sa Palawan pala kami pupunta. Nalaman ko lang kaninang umaga pagkagising ko. Sa Kartini kami nagpalipas ng gabi. Wala nga akong natatandaan sa nangyari kagabi sa birthday party ng bestfriend ko eh. Napasobra yata ang pag-inom ko. Nung nalaman kong sa Palawan kami pupunta ay tumatanggi ako sa pagsama kay Allyson. Nakakatakot kaya sumakay ng eroplano at magpunta sa malayong lugar. Sabi kasi sa napapanuod kong balita ay may mga engkanto daw sa Palawan. Hindi na daw nakakabalik o nakakauwe ang mga napunta doon. Pero wala akong nagawa. Kaya no choice kundi sasama ako.

"Ako na bahalang magbitbit ng gamit natin. Hawakan mo itong ticket. Halika na" sabi niya habang naglalakad kami papunta sa Domestic lane.

Naglakad na kami papasok sa loob ng plane. Pinaupo ako ni Allyson sa window seat para daw makita ko ang magandang view mula sa taas. Ngayon ko lang napansin na kahit pala may pagkabastos itong si Allyson eh malambing din pala to.

Bigla ko tuloy naalala si Oah. Ewan ko ba pero kapag naiisip ko yung nakita ko silang magkasama ni Tinay nung gabi eh parang may tumutusok sa dibdib ko. Langya. Hindi ko alam kung bakit ganoon nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag. Kung iisipin ko naman na nagseselos ako, bakit naman ako magseselos eh bespren ko si Oah. Hindi ko nga maalala kung nakapagpaalam pa ako sa kanya kagabi eh.

"Tulala ka diyan. Wag ka matakot. Andito ako" diretsong sabi sakin ni Allyson at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Nagsimula ng magtake off ang eroplano. Biglang napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Allyson nung biglang umangat ang plane dahilan para biglang mapasandal ako.

"Its okay" nakangiting sabi niya sakin.

First time ko kasi sumakay sa eroplano. First ko din makakapunta sa malayong lugar. Lahat yata sakin first time. Kaya wala akong ideya sa mga ganitong bagay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hey, Ross. Nandito na tayo.. Tara" sabi sakin ni Allyson matapos niyang bahagyang tapikin ang pisngi ko. Nakatulog ako sa biyahe. Nabibingi kasi ako kanina habang nasa taas pa kami. Ganon pala yun. Kala ko nga may puputok sa tainga ko e.

Kinuha ni Allyson ang gamit namin na nakalagay sa itaas. Kinuha niya ang bitbit kong bag at pinauna niya ako sa paglalakad. Dire-diretso lang kami hanggang sa makalabas kami.

"Wow..." buka ng bibig ko nung tumambad sakin ang napakaganda at parang paraisong lugar. Hindi ko maidescribe ang nasa paligid ko dahil sa sobrang ganda.

"Christian!" narinig kong sigaw dahilan para lingunin agad namin ni Allyson iyon.

"Hi Chrien. Namiss kita" malawak na pagkakangiti ni Mj nung makalapit samin ni Allyson.

"Gusto mong imiss ko yang mukha mo Mj!" nakasimangot na bara sa kanya ni Allyson.

Nalaman ko na nauna na pala ang buong tropa ni Allyson dito. Kami nalang pala ang inaantay nila simula pa kahapon.

"Bakit pa bigla bigla nalang nag-iba ang sked mo Christian? May emergency ba sa bahay niyo? Umuwe ba si Tita?" dire-diretsong tanong ni Mj.

"Sumama ang pakiramdam ko. Saka wag ka na ngang maraming tanong Mj. Aayusin muna namin ang gamit namin ni Chrien" sagot ni Allyson.

Ibig sabihin sadyang pina-adjust niya ang flight namin para matapos namin ang birthday celebration ni Oah.

"Huwag mo ng isipin yun. Ayos lang yun. Halika na para makapagpalit ka na ng damit" puna niya sakin nung napansin niyang natigilan ako nung narinig ko ang usapan nila ni Mj.

Pumasok kami sa isang hotel. Takenote. Napakagandang hotel.

Nilapag ni Allyson ang mga gamit namin pagkapasok namin sa loob ng isang room. Nilibot ko ang mata ko.
Ang ganda.

"Ross magpalit ka na ng damit. Suotin mo itong jersey ko. Mas bagay sayo yan pero unahin mo munang isuot itong longsleeve tapos itong jersey para hindi ka mangitim" mahabang paliwanag ni Allyson.

"May dala akong jers-"

"Bilisan mo. Kakain pa tayo nila Mj" putol sakin ni Allyson.

Nagsisimula nanaman tong damuhong ito sa kabullyhan ah! Kakapag-init nanaman. Ayoko lang masira itong araw na kaya ayoko siyang patulan.

Matapos iyon ay bumaba na kami at pinuntahan namin sila Mj.

"Hi Chrien! Tabi tayo matulog mamaya" ngising bati sakin ni Ronje.

"Ang kyut mo ngayon Ronje! Bagay sayo yang suot mo" bati ko naman sa kanya.

"Halika na kayo! Kanina pa ako nagugutom" biglang singit ni Allyson.

Kumain kami sa isang restorant dito sa resort. Ang sarap nga eh. Lalo na yung ginataang tahong at inihaw na tilapya. Ang dami ko nakain. Lalo na tong kasama ko. Ang lakas kumain.

"Tara na! Sulitin natin ang bakasyon!" masayang sigaw ni Mj.

Nagrent kami ng bangka.

Nagsimula na naming libutin ang buong paligid. Ang ganda. Crystal blue ang kulay ng tubig at kitang kita ang ilalim nito.

"Wowwww! Gondooooo!" manghang puri ni Ronje.

"Maganda ba?" nakangiting tanong sakin ni Allyson habang nakapatong ang kanang kamay niya sa balikat ko.

Tumango ako at nginitian ko siya.

"Salamat Allyson..." mahinang sabi ko sa kanya at matapos nun ay ngumiti siya at iniwas niya ang tingin niya sakin.

Ilang oras din ang nagugol namin sa paglibot. At nung makabalik kami ay napagpasyahan ng buong kasama namin na mag-inom para daw masaya ang pagtigil namin dito.

Haaay naku. Inom nanaman. Napapadalas na ata pag-iinom ko.

"Ito ang tunay na bakasyon!! Ang WALWALAN!!" Sigaw ni Joshua.

"YOWNNNNNNN!" Segunda ni Mj.

Nagsimula na si Joshua magpaikot ng tagay kasabay nun ay ang kwentuhan nila. Hinugot ko ang cellphone ko nung naramdaman kong nagvibrate yon.

Cnama k dw ni Christian. Hindi mo man lang sinabi sakin Ien. Mag-usap tyo pgkauwe mo. Mrami akong gs2ng sabihin syo. Mgiingat k jan. Miss n kta Ien.

Mahabang message sakin ni Oah. Nakalimutan ko nga palang sabihin sa kanya na kasama ako ni Allyson. Nawala na sa isip ko.

"Oh tulala ka nanaman diyan?" puna sakin ni Allyson.

"May problema ba?" dugtong niya.

"Wala.." tipid kong sagot.

Hindi kasi mawala sa isip ko si Oah. Pakiramdam ko kasi at ramdam ko rin na parang nawawala na ang communication ni Oah. Alam ko rin na kagagawan ko yun. Iniisip ko kasi baka makaapekto ako sa kanilang dalawa ni Tinay.

"Kung masama pakiramdam mo sabihin mo agad sakin para babalik na tayo sa hotel.." sabi ulit ni Allyson sabay patong niya ng jacket sakin.

"Okay lang ako Allyson.. O ayan shot mo na" ngiting sagot ko sa kanya kasunod nun ay ang pagturo ko sa basong inaabot ni Ronje.

Ininom niya agad yun at ibinalik ang baso.

"Chrien oh" -Joshua.

"Oyy Ross hinay hinay sa tagay. Baka mamaya malasing ka nanaman.." bilin sakin ni Allyson.

"Ako pa! Yakang yaka ko yan!" mayabang na sagot ko.

"Yan din ang sinabi mo sakin kahapon tapos ano nangyari? Lasing ka! Umayos ka ha" sagot niya.

"Teka nga.. Makasingit nga muna sanyong dalawa" putol ni Joshua sa sagutan namin ni Allyson.

Kay Joshua lahat napunta ang atensyon namin.

"Kayo na ba?" seryosong tanong ni Joshua.

Author: Hi! Penge pong comments and likes. Nakakaganang mag-update kapag may nababasa akong comments at kapag may naglalikes. Maraming salamat po! :)

Follow niyo po ako sa fb: Bubei Yebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon