Pa-Shout-Out po kay Gaiyl Rushworth :) Salamat po sa pag-order ng book 1-4. Nagpadala na agad ng bayad. :) Message po kita kapag ready na po yung book. Maraming salamat po talaga.
Add niyo po siya sa FB. :) Mabait po at masarap kausap yan :)
Sensya na po late sa pag-update. Napakarami ko lang po talaga ginagawa. Katatapos lang po ng graduation namin. Attend pa po ako ng seminar. Godbless po.
Chrien Ross PoV
"Happy Birthday Mj!" bati ko kay Mj. Inabot nila Allyson ang mga regalo nila kay Mj.
"Totoo ba yun Chrien?" -Rizza.
"Totoong ano?" takang tanong ko.
"Totoong dati kang aparador?" sagot na patanong ni Rizza.
"Bengol! Kung totoong kayo na ni Christian! Nuknukan ka talaga ng tanga!" pasinghal niyang dugtong.
"De noh! Saka wala pa sa isip ko mga ganyan noh! Dami dami natin ginagawang assignment eh!" sagot ko.
"Ayy wala na talaga. Malaki na talaga sayad mo" pailing iling na reaksyon ni Rizza.
"Chrien shot mo na oh!" -Jovert.
Inabot ko iyon at agad kong ininom.
"Hindi ka pwede makipagsabayan ng inom Chrien Ross! Baka mamaya malaseng ka!" sita sakin ni Allyson.
"Ikaw naman Tol napakaprotective mo naman kay Chrien. Kaya lalong nagiging isip bata eh" singit naman ni Joshua.
"Oo nga! Hindi magiging mature yan kapag palaging binebeybi" gatong naman ni Mj.
"Aba! Sino ba may sabing baby pa ako!? De!! Isabay niyo ako sa siyat!" putol ko sa usapan nila. Para kasing mga timang kung magkwentuhan. Parang wala ako dito ah!
"Hala!!" malakas na sigaw ni Rizza.
Sabay sabay kaming napalingon sa kanya.
"Bakit!!?" halos sabay sabay naming tanong sa kanya.
"May aso!!!!" takot na sagot ni Rizza habang nakaturo sa asong lumabas ng pintuan nila Mj.
"Sabi ng Ate ko kapag daw may aso kagatin mo daw yung dila mo para hindi ka kagatin ng aso" sabi ni Joshua.
"Masaket yun!" sagot ni Rizza.
"Mj!!!!!!!" muling sigaw niya habang papalapit na yung aso nila Mj.
"Kagatin mo utong ko dali!!! Ayoko sa dila!!Ayan na ang aso!!!" malakas na sabi ulit ni Rizza na naging dahilan ng malalakas na tawanan naming lahat.
"Puro ka talaga kalokohan Rizza!" sabi ni Mj habang tawa ng tawa.
"Ayoko nga na dila ang kagatin! Masaket yun! Mas masarap sa utong!" malumanay na sabi ni Rizza nung kinuha na ng katulong nila Mj yung alaga nilang aso.
"Nga pala Chrien, bakit absent si Sir Den kanina?"tanong sakin ni Joshua.
Hala! Sabi ko na nga ba eh. Magtatanong sila kung bakit absent si Kuya Den. Sasabihin ko ba ang totoo? Kaso baka naman isipin ni Kuya Den pinapakialaman ko ang (BookIV).
"May importante lang ginawa at mga gagawin si Kuya Den. Saka ayaw niyo nun ligtas kayo sa nakakawindang na recitation niya" simpleng sagot ko sa kanila.
"Sabagay. Nakakatakot magparecitation si Sir Den. Nakalabog palagi ang dibdib ko lalo kapag may toyo yun" -MJ.
"Mas malakas ang toyo netong si Chrien! Nagtest kami tungkol sa Skeletal system tapos ang mga sinagot eh pupa, medulla at iba iba pang parte ng ibang parte ng katawan. Tangna! Nakakalito!" singit ni Rizza.
"Eh kesa naman sayo! Skeletal ang test natin pero ang drawing mo reproductive system! Perfect ang sagot sa parts ng reproductive pero hindi naman iyon ang test kaya zero ka parin!" sagot ko naman kay Rizza.
"Huwag mo nga akong pinapahiya! Saka wala silang pakialam kase iyon ang favorite system ko" muli niyang sagot at ininom na ang tagay.
"Puro talaga kayo kalokohan. Oh eto fries oh" sabay lapag ni Mj.
Medyo may amats na ako. Nakakaramdam na ako ng pag-init ng katawan ko eh. Yung parang pinagpapawisan ako kahit hindi naman mainit ang panahon. Ramdam ko narin na namumula ang leeg at pisngi ko.
"Pwede maghubad?" diretsong tanong ko dahilan para mapatigil lahat sila sa ginagawa nila.
"Ha?" -Joshua.
"Bakit??" -Ronje.
"OO!!" Mj."Araaaay! Nagbibiro lang naman eh!" sabi ni Mj matapos siyang batukan ni Allyson.
"Ang init kasi.." sagot ko.
"Halika. May sando ako sa sasakyan. Dun ka narin magbihis" sabi ni Allyson at kinuha ang kamay ko at naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Inabot niya sakin ang isang kulay sky blue na sando.
"Ooooops! Wag kang titingin!" sabi ko sa kanya nung aktong maghuhubad na ako. Tumalikod siya at napakamot nalang sa ulo.
"Ang laki naman neto Allyson!" reklamo ko nung naisuot ko na ang sando niya.
"Puro ka reklamo. Halika at bumalik na tayo don" sagot niya.
"Bakit may kissmark ka Chrien? Ang bilis niyo ah!" sabay turo ni Rizza sa leeg ko.
"Bengol! Namumula talaga ako kapag nag-iinom. Eto nga oh tingnan niyo ang dibdib ko" sabi ko at aktong iaangat ko na ang sandong suot ko nung pinigilan ako ni Allyson.
"Kapag ikaw hindi nagpakaayos, uuwe na tayo" diretsong sabi niya.
"Ako rin kamo Chrien namumula dibdib ko kapag nag-iinom oh kahit tingnan niyo pa" singit naman ni Rizza at aaktong aangatin din niya ang suot niya damit nung pinigilan siya ni MJ.
"Oh baket? Ayaw niyo makita? Willing ako" sabi ni Rizza.
"Loko! Siyat na nga!" pag-iiba ni Joshua ng usapan.
Pinag-uusapan nila Allyson ang Prom night nila. Di ako masyado nakikinig. Di naman kasi kami kasali don eh. Kaya ang ginagawa ko eh naglalaro nalang ako ng Mobile Legends sa cp ni Allyson. Ang taas na nga ng level eh. At dahil sa medyo may tama na ako ng alak ay palagi akong nai-slain ng kalaban. Rank Game pa naman ang pinili ko. Kaya ayun kapag natatalo nababa ang ranggo.
"Ah.. Excuse po Sir Mj. May naghahanap po kay Chrien.." biglang dating ng katulong nila MJ.
"Baby talaga. Sinusundo ka ni Sir Den" kantyaw sakin ni Ronje.
"Pinapasok ko na po Sir" dugtong ng katulong nila.
"Ien, halika na. Uuwe na tayo"
"Oah..."
Author: Salamat po sa pagsubaybay.
Penge pong comments and votes :) maraming thankyou talaga :)BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb