Parang nakita na kita?

2K 98 27
                                    

Chrien Ross PoV

"Dennnnnnnnn! Dennnnnnnnn!" sabay sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan na boses.

"Mukhang alam ko na kung sino yang balahurang iyan" narinig kong sabi ni Kuya Allen.

"Walanghiya kang Elyen ka! Akala ko ba sa Villa Buenaflor tayo!!? Kanina pa akong umaga don!" malakas na sigaw ni Ate Sheryl habang may dalang maleta.

"Ha!? Diba nagtext ako sayo, sabi ko Villa Excelance na tayo. Nag Okay ka pa nga diba?" sagot ni Kuya Den habang nakakuyabit kay Kuya Paul.

"Malay ko bang iyon ang ibig mong sabihin! Akala ko 4438 yung nagtext at sinasabi yung points ko!" singhal ni Ate Sheryl.

"Eh paano kanina ko pa sinasabi sayo, ayaw mong maniwala sakin! Pati yung guard don inaway mo pa!" singit naman ni Kuya Kerby habang may bitbit na dahon ng saging.

"May sinasabi ka!? Baka ihampas ko sayo tong bitbit ko!" sagot naman ni Ate Sheryl.

"Eh teka nga Sheryl, bakit ba may dala kang maleta?" takang tanong ni Kuya.

"Dala ko yung mga Test paper ng mga estudyante ko. Hindi ko kasi nacheckan. Pero huwag ka mag-alala, nakagawa na ako ng grades nila kahit wala pa silang record na test sakin. Ako pa!" nakangisi niyang sagot kay Kuya.

"Eh ikaw naman Kery, bakit may dala kang dahon ng saging?" tanong naman ni Kuya Paul.

"Eto kasing si Sheryl, gusto daw niya na magPiknik kaming dalawa dito sa dahon ng saging!" inis na sagit ni Kerby dahilan para magtawanan silang magkakaibigan.

Kahit kailan talaga nakakatuwa si Ate Sheryl. Ang saya siguro ng mga estudyante niya dahil siya ang teacher.

"Hi Chrien, Happy Birthday! May regalo ako sayo mamaya. Matutuwa ka sigurado!"-Te Sheryl.

"Hoy Sheryl huwag mong reregaluhan ng kalokohan yang si Chrien. Alam ko na nasa isip mo!" -Kuya Den.

"Tumigil ka nga diyan! Wala tayo sa classroom kaya huwag kang manang!" sagot niya.

"Teacher din siya?" mahinang tanong ng katabi kong si Allyson.

"Oo. Bestfriend ni Kuya Den yan. Huwag ka maingay baka ikaw naman ang mapagtripan niyan. Sabi ni Kuya may sayad daw si Ate Sheryl" mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Kaya ikaw Chrien huwag kang tutul-wow! Ang pogi mo naman! Virgin ka pa?" malaswang sabi ni Ate Sheryl sabay lipat tingin sa katabi kong si Allyson.

"Sheryl tumigil ka! Estudyan-"

"Tumigil ka din reyna ng kalibugan!" putol niya sa sinasabi ni Kuya Den.

"Alam mo may naalala ako sa pormahan mo. Astig ka tapos mukha kang gangster!" dugtong ni Ate Sheryl habang nakatingin kay Allyson.

"Para kang si Pau-"

"Chrieeeeeeen! Chrieeeeeen! Baklaaaaaaaaaa!" malakas na sigaw na narinig ulit namin dahilan para doon naman mapunta ang atensyon namin.

"Hala! Sino naman yon?" takang reaksyon ni MJ.

"Chrieeeeeeeeen!!!!! Sumagot ka! Kapag wala ka pa dito susunugin ko itong resort na ito! Pagod na pagod na ako!!!!"

"Chrie-maryosep! Buti naman at nandito ka! Kanina pa akong umaga sa Villa Buenaflor! Diba sabi mo don na ako dumiretso! Nakikain na ako sa ibang nag-outing don!" mahabang kwento ni Rizza.

"Nagtext ako sayo Rizza. Sabi ko sayo na nagbago tayo ng venue" sagot ko.

"San ka nagtext?"

"Dun sa number mo syempre! Dun sa 09179636****"

"Baliw! Eh hindi naman saken yun ee! Sa kapitbahay namin yon! Nakikitext lang ako araw araw don!" singhal niya sakin.

"Parang nakita na kita" sabi ni Ate Sheryl patukoy kay Rizza.

"Ikaw din po parang nakita na kita" sagot naman ni Rizza.

"TAMAAAAA!"
"Tama!!" halos sabay nilang sabi.

"Ikaw po yung nakipag-away sa guard kanina dahil may pinapahanap po kayo tapos sabi nung guard wala daw po tapos sabi niyo hindi pwedeng wala" -Rizza.

"Ikaw naman yung nakikain dun sa mga bagong dating at nakipagkwentuhan ka. Narinig ko pa nga sabi mo ang sarap nung menudo at nagtake out ka diba?" sabi naman ni Ate Sheryl.

"Opo Ate! Eto nga oh, dinamihan ko na talaga" sagot naman ni Rizza sabay angat ng isang plastik na menudo dahilan para magtawanan ang mga kasama namin.

"Haaay naku. Halika na nga kayo at kumain na tayo. Kanina pa nakahanda ang pagkain sa lamesa" putol ni Kuya Den sa usapan ni Ate Sheryl at Rizza.

Nagsimula na kaming kumain.

Alimasag.
Hipon.
Pritong tilapya.
Halaan.
Tinolang Tahong.
Inihaw na baboy.
At iba pang kinakain sa tuwing may outing.

Napansin kong pinaghihimay ni Kuya Den ng alimasag si Kuya Paul. Palagi naman kasing ganoon yang dalawang yan. Hindi daw kasi marunong maghimay si Kuya Paul.

Magkatabi kami ni Allyson. Sila MJ naman at sila Joshua ang magkakatabi. Si Ate Sheryl, Kuya Kerby, Rizza at sila Kuya Allen naman ang magkakatabi sa kabilang side ng lamesa.

"Sir ang sweet niyo naman ni Kuya Paul" pansin ni MJ.

"Naku totoy. Kung alam mo lang ang kwento ng dalawang yan. Nabulabog ang pwerta ko sa dalawang yan!" -Ate Sheryl.

"Bunganga mo!" saway ni Kuya Kerby dahil sa patuloy na tawanan ng mga kasama namin.

"Eh baket ba? Matatanda na mga yan! Eto ngang si Den eh bata pa nung nag-anuha-"

"Sheryl!!!!" pigil ni Kuya.

"Ano yun Mam Sheryl?" interesadong tanong ni Ronje.

"Wala.. Teka nga Chrien, patikimin mo naman ng hipon mo yang si Christian. Kanina pa nakatitig sa hipon mo eh" pansin ni Ate Sheryl.

"Ako din Baby Chrien patikim ng hipon mo" nakangiting sabi ni MJ.

"Hoy Mj tumigil ka. Kumain ka nalang diyan" suway ni Allyson.

"Ipaghimay mo ako Chrien Ross para matikman ko yang hipon" matikas na utos sakin ni Allyson habang nakatingin sakin.

"Chrien Ross?"
"Ross?"
"Chrien Ross???" sabay sabay na reaksyon nila Kuya Den at Kuya Allen.

"Mukhang may naamoy akong kakaiba ah.." nakangising sabi ni Ate Sheryl.

"Osya osya.. Pagpatuloy niyo na ang pagkain niyo. Para masimulan na natin itong... Dyaraaaaaaan!" sabay angat ng alak" -Kuya Allen.

"Yownnnnnnn!" Mj.
"Alaman na!!!" -Jovert.

"Wait wait.. Bago tayo magsimula mag-inom, may gusto lang akong kumpirmahin" basag ni Ate Sheryl sa katahimikan.

Napunta lahat ang atensyon namin kay Ate Sheryl.

"Chrien boyfriend mo ba itong si Christian?" diretsong tanong ni Ate Sheryl.

"Po??" tanging reaksyon ko. Boyfriend!? Hala!

"Kapag hindi ka sumagot ng maayos ipagkakalat kong boyfriend mo siya" pananakot ni Ate Sheryl sakin.

"Ate Sheryl.. Nagk-"

"Hi!! Sensya na ngayon lang ako nakarating. Ito kasing kasama ko nagpaantay pa" tukoy sa kanyang kasama.

"Kuya Justin..." -Ako.

"Jerome??" -Kuya Den.

Author: Salamat po sa pag-aantay ng update. Salamat din po sa pagbabasa. Penge pong comments and votes.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon