Allyson...

861 52 19
                                    

Christian Allyson Point of View

"Mahina pala ako ah!" huling salitang narinig ko mula sa kanya at iginiya na niya ako papunta sa sasakyan niya.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya nung hawak hawak niya ang kamay ko at ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan niya.

"Hindi ka marunong makinig sakin Chrien Ross! Iuuwe na kita!" sigaw ko sa kanya at sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan ko.

"Napakayabang mo! Ihatid mo ako pauwe samin!" sigaw niya sakin.

"Tumigil ka! Ako masusunod dahil ako ang nagdadrive!" sagot ko sa kanya.

"Ang yabang mo! Si Oah hindi ginagawa sakin to!" muli niyang sabi dahilan para magpanting ang tainga ko.

"Pinagmamalaki mo sakin yang Noah mo!? Huwag mo akong ikumpara sa kanya! Tumahimik ka nga kung yung lalakeng yun lang sasabihin mo!" pangbabara ko sa kanya.

Hindi na siya kumibo. Wala na akong narinig na kahit na anong salita galing sa kanya. Hanggang sa makarating kami dito sa bahay namin.

"Iuwe mo ako!" giit niya sakin nung naipark ko na ang sasakyan ko.

Hindi ko siya inintindi. Matapos kong i-park ang sasakyan ko ay hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya paakyat sa kwarto ko.

"Good evening po sir" bati samin ng kasambahay namin.

"Kuya walang iistorbo sa kwarto. Pakilock na ang mga gate" bilin ko at hinila ko na ulit ang kamay ni Ross paitaas.

"Bitawan mo ako!" sigaw niya sakin nung makapasok na kami sa kwarto ko. Binitawan ko ang kamay niya. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto ko.

"Hindi ka na makakauwe ng ganitong oras. Wala ng sasakyan at napakadilim sa daan" pananakot ko sa kanya.

"Napakaya-"

Hindi ko na inantay na makapagsalita pa siya. Kaagad ko siyang nilapitan at mabilis kong pinagdikit ang labi naming dalawa. Nung una pumapalag siya pero di rin nagtagal ay tumutugon na siya sa bawat pagbaling ng labi ko sa labi niya.

Dahan dahan ko siyang iginiya papalapit sa kama ko. Inihiga ko siya habang magkadampi ang labi naming dalawa. Nakapaibabaw ako sa kanya ngayon. Iniawang ko ang labi ko sa labi niya at pinuntirya ko ang leeg niya. Patuloy kong idinadampi ang labi ko sa leeg niya. Dahan dahan kong hinubad ang suot niyang damit hanggang sa mapunta sa kanyang dibdib ang labi ko.

"Allyson...."

Mahinang pagbigkas niya sa pangalan ko na nakapagbigay sakin ng kakaibang sensasyon. Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang tiyan, tagiliran, pusod at muli kong ibinalik sa kanyang leeg papunta sa kanyang napakalambot na labi.

Habang patuloy ko siyang hinahalikan at dahan dahan kong tinatanggal ang pang ibaba niyang suot. Ganun din ang ginawa ko sa sarili ko.

"Ross..." bigkas ko sa pangalan niya.

Pinuwesto ko ang sarili ko habang nakapaibabaw sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Magkahalong tama ng alak at nararamdaman ko na para kay Ross ang ginagawa ko ngayon. Nagsimula na akong gumalaw. Batid na batid ko sa itsura ni Ross ang nararamdaman niya.

"Allyson..." muli niyang bigkas sa pangalan ko. Kitang kita ko sa mukha niya na nasasaktan siya pero nilamon na ako ng nararamdaman ko para sa kanya.

Niyakap ko siya at pinagdampi ko ang labi naming dalawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Hanggang ang kirot na nararamdaman niya ay napalitan ng bahagyang pagtawag niya sa pangalan ko.

Ilang minuto pa ang lumipas hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naramdaman ko nalang na lumabas na ang init sa katawan ko. Nanatili akong nakayakap kay Ross.

"Mahal na mahal kita..." sabi ko sa kanya at muli kong pinaglapat ang labi naming dalawa.

Hinayaan ko kami sa ganitong posisyon. Kapwa kami walang suot at tanging kumot lang ang nakatakip saming katawan. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya hanggang sa unti unti ng kinain ng dilim ang paligid ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
Naalimpungatan ako na nakayakap sakin si Ross. Tinitigan ko ang mukha niya at nagpicture sakin ang nangyari kagabi. Wala akong pinagsisisihan dahil gusto ko at ginawa ko lang yung nararamdaman ko.

Bahagyang namulat ang dalawang mata niya. Tumitig siya sakin. Matagal. Hanggang sa nag-sink in sa utak niya ang sitwasyon namin ngayon. Itinaas niya ang kumot na nagkukubli sa katawan naming dalawa. Dalawang beses niyang ginawa iyon at dalawang beses din siyang tumingin sakin.

"Allyson.." patakang tanong niya sakin at nakuha ko naman kung anong nais niyang itanong sakin. Tumango ako. Nagtaklubong siya. Kitang kita sa mukha niya ang hiyang nararamdaman niya.

"Oyy! Wala ka ng dapat ikahiya sakin Ross... Nakuha ko na" nakangising sabi ko sa kanya.

Mabilis niyang isinuot ang pang ibaba niya at damit niya.

"Oh bakit parang natataranta ka?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsasalita. Naupo lang siya at halata kong nahihirapan siya sa pag-upo.

"Sir nakaready na po ang breakfast..." narinig kong sabi nung katulong namin. Dali dali na akong nagbihis at hinila ko na ang kamay ni Ross paibaba. Dahan dahan ko lang siyang inalalayan. Alam ko at ramdam ko kasing medyo nahihirapan siya.

Walang kibo si Ross. Sabay kaming kumain ng almusal. Hindi ko rin alam kung paano ko babasagin ang katahimikang bumabalot samin dahil kapag natingin ako sa kanya ay kusang nagpipicture sa isipan ko yung mga nangyari kagabi samin.

"Etong towel at damit... Magshower ka na..." sabi ko sa kanya. Sinunod naman niya ako at nagtungo na siya sa banyo. Ewan ko ba habang nasa banyo siya ay may kung anong pumapasok sa isipan ko dahilan para mag-init nanaman ako buong katawan ko.

Itinuon ko nalang sa iba ang atensyon ko. Matapos kong magshower din ay nag-ayos na ako ng sarili ko.

"Hatid na kita" sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sakin. Halata pa nga sa kanya ang pagkahiyang nararamdaman niya. Hindi siguro mawala sa isipan niya ang nangyari samin kagabi.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay nila. Sabay kaming bumaba ng sasakyan ko. Sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Ross... Yung nangyari nga pala kagab-"

"Hindi mo ako basta pwedeng iwan... Panagutan mo ako... Panagutan mo ang puri ko..." diretsong sabi niya dahilan para mapangiti ako.

"Handa ako sa lahat ng bagay Ross..." seryosong sagot ko sa kanya at inilapit ko ang katawan ko s kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Author: Comments and likes po masaya na ako. Salamat po sa patuloy na pagbabasa :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon