Love takes time.
Chrien Ross PoV
"Oh mukhang may iniisip kang kautugan diyan ah!" biglang sulpot ni Rizza sa harapan ko.
Napansin ata ni Rizza na hindi ako masyadong nagsasalita simula pa kaninang first subject. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mga sinabi sakin ni Kuya Justin nung isang araw. Sa totoo lang hindi nga ako nakakatulog masyado. Sinabi niyang mahal niya ako. Hindi nga ako nakapagsalita non eh. Wala akong maisip na pwedeng kong isagot sa sinabi niya dahil naman yun patanong.
"Hoyyyy! Bago mo iimagine ang mga hubad na lalake eh bumalik na tayo sa room! Nandon na si Sir Crocodile!" sigaw sakin ni Rizza dahilan para mapabalik ulit ako sa katinuan.
"Sabe sayo eh! Ayun na tuloy si Sir Crocodile! Nagpaparecitation na!!" galit na sabi sakin ni Rizza.
"Eh ano gagawin natin?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Beh ano pa! Halika na!" sabay hila niya sa kanang kamay ko.
"teka teka saan tayo pupunta!?" pigil ko sa kanya.
"Saan pa! E di sa canteen! Kita mong nagpaparecitation na eh papasok pa tayo! Eh alam mo namang libog na libog sakin yan kaya tinatawag palagi ang pangalan ko!" Mabilis niyang sagot at haltak muli sa kamay ko.
Kaya eto na uli kami sa canteen. Nakaupo at ito namang si Rizza ay panay ang bulong sakin at tinuturo ng tinuturo ang mga Senior Highschool na dumadaan sa harapan namin.
"Tingnan mo yun Chrien bakat na bakat oh!" sabi ni Rizza sabay turo sa ibabang bahagi nung lalakeng dumaan dahilan para mapatingin saming dalawa.
"Huwag ka ngang maingay! Pinagtitinginan tuloy tayo!" suway ko sa kanya.
"Yun nga gusto ko eh. Tumingin sila saken tapos didilaan ko sila" Sagot niya sabay hagikgik ng tawa.
"Alam mo ba Chrien may nasagap akong tsismis na meron daw siga na gwapo dun sa Grade 12" kwento ni Rizza sabay kuha sa kinakain kong clover.
"Eh ano naman kung meron?" Tanong ko.
"Beh wala! Sinasabe ko lang sayo! Ano ba pinaglalaban mo!?" Inis na sagot niya.
Ilang oras amg lumipas ay natapos ang klase namin. Kahit nasa canteen lang kami nag-ubos ng oras. Hindi na kasi kami nakapasok dahil sa kalokohan ni Rizza. Kung anu ano ginawa at kung anu ano sinasabe. Kinausap na yata niya lahat ng taong naglalabas pasok sa canteen. Binabati niya pa ng welcome to Thailand ang bawat nakakasalubong namin.
"Pano? Uwe na ako Chrien. Sigurado akong mumurahin ako ng nanay ko kase alam kanina pang tanghali niya ako inaantay" Paalam sakin ni Rizza at halatang kating kati na ang paa habang nasa gate kami.
"Bakit? Diba alam naman na may pasok tayo?" takang tanong ko.
"Inutusan niya kase ako bumili ng bigas kaninang umaga. Eh nailagay ko dito sa bag ko. Kaya eto yung bigas namin nadala ko pala" sagot niya at mabilis na sumakay ng trycicle.
Haaay naku! Magkaroon ba naman ako ng ganitong klaseng kaibigan.
Nagsimula na akong maglakad lakad papuntang Bayan. Gusto ko muna kasi mag-isip isip muna. Hindi kasi ako makapag-isip ng maayos kanina dahil kay Rizza. Wala akong sundo ngayon. May retreat sila Oah. Tatlong araw. Sinabi din niyang susubukan niyang itago ang cellphone niya para matawagan niya ako. Hindi naman niya dapat gawin yun eh. Baka dahil pa dun eh masuspended siya.
Beeeeeeeep!!!!!
"Tabiiiiii!!!!!!" Malakas na narinig ko sa harapan ko at aktong itutunghay ko na ang ulo ko nung biglang may yumapos sa katawan ko at ipinaling ang katawan ko sa kabilang parte ng kinatatayuan ko dahilan para magpagulong gulong kaming dalawa sa gilid ng kalsada. Matapos nun ay bigla akong makarinig ng malakas na tunog at hiyawan ng mga tao.
Hindi ako makabangon. Sapo sapo ng taong nakayakap sakin ang ulo ko. Ilang segundo pa ang lumipas nung dahan dahan siyang gumalaw. Tinanggal niya ang pagkakayapos niya sakin at inalalayan niya ako para makatayo ako.
Hindi agad ako makapagsalita nung nakatayo na ako nung nakita ko kung ano ang nangyari. Bumangga ang isang sasakyan sa malaking poste at wasak na wasak iyon. Dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko sa lalakeng nasa gilid ko.
"Sala...mat..." mautal kong sabi sa kanya.
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo!" Pabalang niyang sabi sakin sabay pagpag ng suot niyang damit at bigla nalang umalis.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig pa nga ang tuhod ko eh. Buti nalang at mabilis yung lalakeng yun kundi... kundi durog durog na ang katawan ko ngayon.
Hindi ako tumuloy sa bayan. Umuwe na ako ng bahay. Sa sobrang pag-iisip ko kanina muntik na tuloy ak mabangga.
"Chrien bakit parang namumutla ka?" Puna sakin ni Kuya habang kaharap ang kanyang tablet.
"Wala Kuya. Medyo masama lang pakiramdam ko. Ang saket sa ulo ng math eh" pagdadahilan ko. Ayoko na kasi ikwento pa ang nangyari baka mag-alala pa sakin si Kuya. Overacting pa naman to.
9pm.
Hindi ako makatulog kaya eto kaharap ko ang laptop ko. Facebook lang.
11pm.
Paikot-ikot ako sa higaan.
2am.
Nakapikit ako pero gising na gising ang diwa ko.
5:30am.
Nakaupo ako sa gilid ng kama ko at inaantay ko nalang mag alais para makapagsimula na akong mag-ayos. Ewan ko ba. Hindi talaga ako dalawin ng antok. Kahit anong gawin kong posisyon eh ayaw parin.
"Kuya pasok na ako" paalam ko.
"ingat ka Chrien. May aksidente daw kahapon dun sa malapit sa bayan. Huwag kang tatanga tanga sa paglalakad! Gala ka pa naman ng gala!" bilin sakin ni Kuya.
Bumilis tuloy ulit ang tibok ng puso ko. Naalala ko nanaman tuloy amg nangyari kahapon.
Mabilis akong nakarating sa school. Medyo napaaga pa nga ako eh. Kaunti palang ang nakikita ko dito sa loob. Nakaupo ngayon sa bench na malapit sa garden. Pahangin lang habang binabasa ko ang librong binigay sakin ni Kuya. (I am number four)
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nung biglang may taong humablot sa binabasa kong libro at mabilis akong hinila papunta sa loob ng garden.
"Teka Kuya! Sino ka ba?" Tanong ko habang pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi siya nasagot at patuloy parin siya sa paghila sakin.
"Kuya bitawan mo ako. Nasasaktan ako!!!" malakas na sigaw ko sa kanya. Bahagya niyang niluwagan ang pagkakakapit niya sa kamay ko at humarap siya sakin.
Hindi agad ako nakapagsalita nung mamukaan ko siya.
"Ikaw..." mahinang reaksyon ko.
"Oo. Ako nga. Tandaan mo malaki ang utang na loob mo sakin" Diretsong sabi niya sakin.
Author: Pasensya po ulit at ngayon lang po uli nakapag-update. Salamat po sa patuloy na pagbabasa at pagsubaybay.
Penge pong comments and votes. :)BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb