30

2.8K 125 16
                                    


Chrien Ross PoV

"Napakaaga naman sumundo ng boyfriend mo Chrien! Ready'ng ready pa sa bakbakan, nakashort na!" Puna ni Riza nung nakita si Oah habang nakasakay sa motor at nasa tapat ng Main Building.

"Tangnaka! Bestfriend ko yan! May laro ng basketball ngayon yan at kailangan niya ako bilang alalay. Di mabubuhay mag-isa yan ee" paliwanag ko sa kanya.

"Look oh! Daming nagpapakyut na girlalu. Kapapanget naman! Mga mukhang bangus na bilasa!" Sabay turo ni Riza sa mga babaeng nasa paligid ni Oah. Ngayon lang ata nakakita ng lalake tong mga to.

"Excuse me. Magkano huling bulong? Tumabi tabi nga kayo at baka malambat ko kayo!" Mataray na sita ni Riza sa mga babaeng naghaya.

"4pm ang tapos ng klase mo tapos ngayon ka palang bababa? 4:30 na ah!" Reklamo ni Oah.

"Cleaner kasi kami. Diba sinabi ko naman sayo na Row 3 kapag wednesday ang cleaner" paliwanag ko.

"Diba may janitor naman kayo? Bakit kayo ang pinaglilinis?" Tanong niya.

"Ayy ang taray Chrien. Yayamanin" -Riza.

"Wag mo nga itulad sa private school ito. Dito estudyante ang naglilinis. Wala kaming pambayad sa janitor" pabalang kong sagot.

"Osya tara na! Magwa-warm up pa ako. Isuot mo na itong helmet" kasunod nun ay pagkuha niya sa bag ko at sabay pagpatong niya ng helmet sa ulo ko.

"Hindi mo ako in-inform Chrien na hindi pala ako kasali dito! Sige alis na ako. Bubulong pa ako sa mga isda!" Narinig kong paalam ni Riza at kaagad ng naglakad papalayo samin.

"Chrien! Chrien!" Narinig naming sigaw dahilan para maitigil ni Oah ang pag-andar ng motor niya.

"Jacob?" -Ako.

"Ikaw nga pala ang second reporter. Si Riza yung una. Ako na bahala sa huli. Eto na yung summary ng topic natin. Okay na lahat yan. Forward ko nalang sa email mo yung 15 items na ibibigay nating quiz sa mga classmates natin" mahabang paliwanag ni Jacob.

"Ayy thankyou Jacob. Sige check ko nalang email ko mamaya. Salamat uli" nakangiti kong sabi sa kanya. Ang swerte ko naman. Di na ako nahirapan sa report namin. Tapos na agad. Kung ganito ba lagi makakapartner ko sa reporting e di palaging mataas ang grades ko.

"Nga pala, agahan daw natin bukas sa Filipino. May activity daw tayo at magbubunutan tayo para sa stageplay na gagawin natin" muling paalala niya.

Napansin kong medyo iba nanaman ang aura ng impaktong bestfriend ko. Miya't miya kasing nirerebolusyon ang silinyador ng motor niya.

"Sige Jacob. Salamat. Una na kami. May laro pa kasi ng basketball ang tong bestfriend ko. Ingat ka pag-uwe" paalam ko sa kanya.

"Ingat ka rin" sagot niya.

Pinagpatuloy na ni Oah ang pagpapaandar ng motor niya. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa open court na paglalaruan nila. InterBarangay. Sa porma naman ni Oah talagang pangbasketball ang dating. Kahit grade 7 palang at matangkad na. Hanggang balikat nga lang niya ako eh. Dati magkasinglaki lang kami. Tumutungga yata ito ng growee.

"Dala mo ba yung minibag? Saka yung supporter mo sa tuhod?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung gamit niya.

"Eto oh isuot mo" -Oah.

"Bakit ko isusuot to? Eh gagamitin mo to sa laro. Itutupi ko muna para hindi magusot" tukoy ko sa jersey niya.

"Noah warm up na tayo! 5mins before the game" sabi mung kakampi niya. Di ko nga matandaan pangalan nung lalakeng yun eh.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon