"Paul, Den, Sheryl, Kerby at Jerome kayo ang magkakasama sa bangka" sabi ni Allen.
"Haaay... Sabe nga ni Nico Robin sa Onepiece History repeats itself" walang modong singit ni Sheryl.
"Tumigil ka nga diyan! Wala nanaman preno yang bibig mo!" suway ni Kerby.
"Baket ano yun Maam She? May history din ba dito?" takang tanong ni MJ habang nakaupo kasama sila Chrien.
"Madami! Mamaya ikukwento ko sanyo yung tungkol sa malignong mahilig mamangka" seryosong sagot ni Sheryl.
"Ako, si Brille, Rizza, MJ, Ronje, Joshie, at Jovert naman sa pangalawang bangka" sunod na sabi ni Allen.
"at sa huling bangka naman ay si Justin, Chrien at si Christian" huling sabi ni Allen.
"Hala! Baket tatlo lang kami sa bangka?" reaksyon ng kapatid ko.
"Tatlo? So ibig sabihin hindi niyo isasama si Manong sagwan?" singit ni Rizza dahilan para magtawanan nanaman ang lahat.
"Siguraduhin niyong wala na kayong maiiwan. Check your things" pagpapaalala ulit ni Allen.
Matapos masiguradong maayos na ay nagsimula na naming tahakin ang papunta sa isla. Maganda ang panahon. Maaraw at sinabi naman sa balita na magiging maayos ang panahon itong linggong ito.
"Teka Jerome gusto mo dun ka sa tabi ni Manong?" biglang sabi ni Sheryl patukoy kay manong na nagsasagwan.
"Ha? Baket She?" tanong ko sa kanya.
"Eh paano siya lang ang walang kapartner. Baket ba hindi ka nagsama ng chikabebe mo? Malamig sa gabe don! Sigurado ako ngalay yang kamay mo kapag mag-isa ka lang!" mahabang sagot ni Sheryl.
Muli nanaman bumalik sa isipan ko yung paghalik na ginawa sakin ni Jerome. Ayokong isipin na normal lang yon dahil mali iyon. Malapit na ang union party namin ni Francisco at pagkatapos ng araw na iyon ay maituturing na kasal na kami. Magsasama na kami sa iisang bahay at bubuo na kami ng sarili naming buhay at pamilya. Tiningnan ko si Jerome. Nakatingin lang siya sa dagat habang patuloy ang pagsagwan ni manong sa bangka.
"Ayos lang Sheryl. Mas malungkot kung may iba akong kasama" diretsong sagot ni Jerome na hindi man lang natingin kay Sheryl.
Ilang sandali lang ay dumaong na ang bangka sa isla. Halos walang pinagbago bukod sa mas lalong gumanda ang tanawin dahil sa buhay na buhay na kulay berdeng puno at lagaslas ng alon mula sa dagat. Sariwang hangin at amoy na amoy ang amoy kagubatan.
Inilapag ni Francisco ang mga gamit namin sa table na in-assemble ni Kerby. Tumulong kaming lahat sa pag-aayos ng mga bagay na gagamitin namin. Nagtayo ng tent, nag-assemble ng maliliit na table at iba pang mga gagamitin namin.
"Magpalit ka muna ng sando Francisco. Pawis na pawis ka na" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ng towel ang katawan niya. Inabot ko sa kanya ang sando. Naghubad siya sa harapan ko.
"Hoy! Napakaaga pa para magjugjugan kayo!" puna ni Sheryl.
"Abnormal!" sagot ko sa kanya.
Kinuha ko ang damit na hinubad ni Francisco at isinampay ko iyon sa gilid ng tent namin. Naiwan kami nila Sheryl dito sa camp site para mag-ayos ng mga lulutuin namin. Ang mga lalake naman ang nangunguha ng mga sanga at mapagpasyahan nilang maghanap ng buko.
"Den.. Wala ka bang napapansin kay Jerome?" biglang tanong sakin ni Sheryl habang naghihiwa kami ng sibuyas at bawang.
"Akala ko ako lang nakakapansin. Gusto ko nga siyang tanungin kung ano ang problema niya kaso hindi naman ako makatiyempo" sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb