Sorry...

709 49 9
                                    

Chrien Ross Point of View

"Talaga bang nauuso ang mga tulaley?" Untag ni Rizza sakin at kinakaway pa sa mukha ko ang kamay niya.

"Hoy! Kinakausap kita!!" napakalakas na sigaw ni Rizza dahilan para matuon sa kanya ang atensyon ko.

"Tumahimik ka nga!" suway ko sa kanya nung napansin kong nagtinginan ang mga taong nakakasabay at nakakasalubong namin palabas ng gate.

"Kaninang umaga pa kita kinakausap ngayong alas kwatro ng hapon ka lang sumagot! Niloloko mo ata ako!" sagot niya at overacting pa dahil sa kanyang pagkakamaywang.

"Puyat lang. Dami ko kasi nireview kagabi tapos hindi pala tuloy quiz natin kanina" pagpapalusot ko sa kanya.

"Puro ka dahi-oh ayan na uli magpapagulo ng buhay mo! Sige na uuwe na ako. Nagugulo bulbonika ko sayo!" huling sabi ni Rizza at nagtatakbo na pasakay ng jeep.

"Tara na. Nandun na sila Kuya Den. Tayo nalang ang inaantay" sabi ni Kuya Justin. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya at iginiya niya ako papasok. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Wala naman din kasi akong alam na pwede kong ikwento sa kanya.

"Buti pinayagan ka ng boyfriend mo?" basag ni Kuya Justin sa katahimikang bumabalot saming dalawa.

Flashback

"Gusto mo ba munang dumaan sa park o diretso uwe na tayo? Tanong sakin ni Kuya Justin.

"Ika-"

"Diretso uwe na tayo Ross. Gabi na" malamig at matigas na boses na narinig ko mula sa likuran ko.

Nilingon ko iyon. Wala naman kasing ibang natawag sakin ng Ross.

"Allyson..."

"Halika na. Ihahatid na kita pauwe" dugtong niya habang diretsong lang siyang nakatingin sakin. Kakaiba ang mata niya. Kakaiba ang boses niya.
Hindi ako makasagot. Hindi ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Christian ako na maghahatid kay Chrien sa bahay. Pinagpa-"

"Boyfriend niya ako. Kaya ako ang dapat na maghatid sa kanya sa bahay nila" putol ni Allyson sa sinasabi ni Kuya Justin.

Nilapitan ako ni Allyson. Hinawakan niya ang kamay ko.

Nilingon ko si Kuya Justin. Wala kasi akong masabi. Wala akong maisip na sabihin dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ingat kayo pag-uwe bunso. Nextweek ang lakad natin nila Kuya Paul at Kuya Den" huling narinig ko kay Kuya Justin.

Kapwa kami tahimik habang tinatahak ni Allyson ang daan pauwe samin. Kanina pa siya hindi nagsasalita. Nakatuon lang dalawang mata niya sa kalsada.

"Basta basta ka nalang nasama sa iba. Hindi mo man lang inisip na kasama mo ako kanina" diretsong sabi niya matapos niyang itigil ang sasakyan niya sa tapat ng eskinita namin.

"Kilala mo naman si Kuya Justin eh. Kapatid siya ni Kuya Paul na boyfriend ni Kuya Den" sagot ko sa kanya.

"Yun na nga e. Kilala ko. Kaya alam ko rin na iba ang pakay niya. Bata ka lang Ross pero hindi ka manhid para hindi maramdaman na gusto ka ni Justin"

"Ayoko na ulit mangyari yung dati. Ayokong bigyan pa ng pagkakataon ang ibang tao para makuha ka sakin" dugtong niya pero sa pagkakataon na ito ay bahagyang malumanay na ang boses niya.

Hindi ko maintindihan din ang sarili ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Ganito rin kaya naramdaman ni Kuya Den dati? Yung hindi alam ang gagawin. Yung hindi alam ang sasabihin at yung hindi alam ang nararamdaman.

"Sorry..." tanging nasabi ko sa kanya.

"Alam ko wala akong karapatang pigilan ka sa mga bagay na gusto mong gawin... pero sana alam mo ang limitasyon mo. Boyfriend mo ako Ross. Normal sakin ang mag-alala sayo"

Wala ako maisip na isagot sa mga sinasabi ni Allyson. Nabablangko ang isipan ko pero alam ko sa sarili ko na naiintindihan ko ang lahat ng sinasabi niya. Ramdam na ramdam ko rin na mahal na mahal niya ako.

Mahal ko si Allyson pero hindi ko masabing mahal na mahal. Kasi hindi ko naman alam ang pinagkaiba ng pakiramdam ng dalawang yun.

Hinawakan ni Allyson ang kamay ko.

"Mahal na mahal kita Ross" malumanay na sabi niya.

End of Flashback

"Tara na Kuya Justin" yaya ko sa kanya nung naiparada na niya ang sasakyan niya sa gilig ng resort. Sinadya ko rin talagang hindi sagutin ang tanong niya. Ayoko rin pag-usapan namin yun. Sigurado kasi mabablangko nanaman ako.

Kinuha ni Kuya Justin ang dala kong bag at sabay na kaming lumapit sa cottage.

"Hi Chrien! Kala ko hindi ka makakasunod eh" bati sakin ni Kuya Luis.

"Chrien yung sa allergy mo dala mo ba?" -Kuya Den.

"Ay.. Kuya nakali-"

"Nakabili na ako kanina bago pa kita sunduin bunso" singit ni Kuya Justin at kinuha sa bulsa niya ang anti allergy at ipinakita samin.

"Diskarteng Gabriel talaga!" narinig kong sabi ni Kuya Luis kay Kuya Justin.

Inayos ko na muna ang mga gamit ko at sabay na kaming kumain ni Kuya Justin.

Kahit ganitong oras ay maraming tao. May mga bonfire pa nga akong nakikita at may mga nakapalibot dun.

"Tara bunso panuorin natin yun oh" sabay turo ni Kuya Justin sa mga babaeng may hawak na tali na may apoy.

Umupo kami ni Kuya Justin kasama sila Kuya Luis sa harapan ng mga babaeng may hawak na taling may apoy. Sa gilid naman nun ay nakapwesto ang mga lalakeng nasa harapan ng mga tambol at iba lang instrumento.

Nagsimula ng pumalo sa bawat tambol ang mha lalake at sumabay na doon sa paggalaw ang mga babae. Habang panay ang tugtog ay panay din ang pagsayaw ng mga babae habang pinapaikot ang hawak hawak nilang taling may apoy.

"Ang galing bunso oh.." manghang sabi ni Kuya Justin. Unti unti ko rin naramdaman ang kamay ni Kuya Justin sa balikat ko.

"Kuya Justin kuha lang ako ng tubig" paalam ko at mabilis na akong tumayo. Hindi ko na nga inantay na sumagot pa siya.

Bigla bigla nalang kasing pumapasok sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Allyson. Kaya hanggat maari ako na ang naiwas sa mga bagay na pwede nanaman niyang ikagalit o ikalungkot. Ramdam ko rin kasi yung lungkot sa kanya nung nga oras na iyon. Saka tama naman niya. Boyfriend ko siya.

Baka nga ganito talaga ang pakiramdam ng isang relasyon.

Mahal ko si Allyson. Ramdam ko yun. At mahal na mahal naman ako ni Allyson.

"Chrien iniiwasan mo ba ako?" biglang sulpot ni Kuya Justin.

Author: Thankyou po sa pag-aantay :) Comment and votes naman po :) Salamat :)

H

i Arman_28 salamat po sa pagsubaybay :) Godbless po :

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon