Chapter Twenty-Seven

127 8 6
                                    

Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Kaice agad akong nag atubiling puntahan ito.

Ngunit tila ba para akong naistatwa sa aking kinatatayuan. Nang makita ko ang kaniyang kalagayan.

Nakahiga ito sa isang puting kama. Habang samot saring mga swero ang nakatakid dito.

Dahan dahan akong lumapit dito habang hindi ko namamalayan na may mumunting luha na pala ang tumatakas sa aking mga mata.

Ngayon alam ko na ang mga sagot sa tanong na nais kong malaman nang umalis ako.

Ngunit hindi ko inaasahan na masasaksihan nya kami ni ate Zia sa ganoong sitwasyon.

Kaya agad ko itong sinundan upang magpaliwanag. Ngunit ganun nalang ang pagkadismaya ko ng hindi ko na ito na abutan pa. Ka minabuti ko nalamang na hintayin ito sa harap ng kanyang silid nag babakasakaling maubatn ko ito.

Ngunit nang maaninag ko ito sa may di kalayuan. Ganun na lamang ang galit na aking naramdaman ng makita kong may kasama ito. Habang buhat buhat nang lalaking iyon.

Tila ba bumalik nanaman sakin ang galit na naramdaman ko nung gabing nahuli ko ito.

Aalis na sana ako ngunit mas lalo pa akong nawalan ng pag-asa ng marinig ko ang tinuran nito.

'Mahal na mahal kita. Pero bakit di mo ako kayang mahalin? Ano bang meron sa kanya na wala sakin huh!' Mga salitang syang nag paguho ng mundo ko.

Hindi ko maiwasang haplusin ang maamo nitong mukha. Tila ba para itong alon na mapayapang humahampas sa dalampasigan.

Ngunit sa kabila nun mababakas mo ang lungkot sa mga mukha nito.

Bakit ganun kahit anong pilit ko sa sarili ko na balewalain ito. Hindi ko magawa! Lalo na ng malaman ko ang lahat lahat. Ang katotohanan na nais kong mismong marinig sa kanya.

*flashback...*

'GRAYZON!!!' Malakas na kalabog at sunod sunod na sigaw ng lalaki sa labas.

'LUMABAS KA DYAN HAYUP KA!' Malutong na mura nito.

Galit kong binuksan ang pintuan at naiinis na sinagot ito.

'Ano bang problema mo Austin?' Galit na turan ko dito.

Ngunit imblis na sagutin ako nito. Isang napakalakas na suntok ang sumalubong sa aking mukha.

At buong tapang at lakas ako nitong kwinelyuhan.

'How dare you? Alam mo bang nag aagaw buhay ngayon si Kaice dahil sayo. Dahil sa kamanhidan mo!' Malakas na sigaw nito.

'Ano bang pinuputok ng butsi mo huh!' Galit kong turan dito. Habang galit parin itong nakahawak sa suot kong polo.

'IKAW! IKAW! ANG PROBLEMA KO DAHIL SA PAGMAMAHAL NIYA SAYO! NGAYON NAG AAGAW BUHAY SIYA!' Tila ba unti-unting nawala ang mga tapang ko at hindi makapaniwalang tanungin ito.

'M-mahal n-niya ako!' Pautal utal kong tanong dito.

'It's for you to find out bustard!' Sabay bitiw nito sakin. At umalis na sa harapan ko.

*end of flashback..

Habang naaalala ko ang nangyari kagabi halos liparin ko na ang hospital mapuntahan ko lamang ito.

Ngunit hindi naging madali para sakin. Dahil tila ba para akong nilukob ng hiya para sa kanya.

Hawak-hawak ko ang kamay nito. Nang biglang gumalaw ang kaniyang mga daliri na syang nagsilbi ng aking pagkagulat.

Unti unti nitong minulat ang kanyang mga mata hanggang sa dumako ang mga mata nito sa akin.

Halos maluha ako sa paraan ng pagtitig nito. Ngunit ganun nalang ang gulat ko ng bigla itong magsalita.

At ang mas masakit pa dun hindi ako ang kailangan nito.

'Austin?' impit na sabi nito habang nakatingin sa akin.



Love Between Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon