Haggang ngayon pakiramdam ko parin talaga may mali sa mga nangyayari. Hindi ko alam kong ano itong naiisip ko pero kasi, nang tanungin ako ni Jaize kung bakit ko siya mahal. Bakit hindi ko siya masagot. Eh! Ang napakasimpleng tanong na dati naman ay kahit hindi niya tanungin ay palagi ko itong nararamdaman.
Posible kayang katulad ng pagkakaroon ko ng Amnesia kasamang nakalimot ang puso ko?
Bumalik nanaman sa kaniyang isipan ang kani-kanina lang nilang conversation ni Jaize.
'Bakit mo ko mahal Kaice?' Seryosong turan nito. Na ikinasanhi ng pagkagulat ko.
'Wala!' Turan ko dahil iyon ang totoo hindi ko alam kung epekto lang to ng aksidente o wala na talaga.
'Huh!' Naguguluhang turan ng lalaki.
'Kasi ang pagmamahal ko sayo ay walang katumbas' Nakangiting turan ko nalamang kahit papano'y sinabi ko nalamang dahil paka nga nakalimot lang pati ang puso ko.
'Ikaw talaga kababae mong tao ang corny mo!' Sabi nito.
'Bakit ayaw mo ba?' Tanong ko.
'Gusto kasi you are my corn of mylife.' Sabi nito.
'Alam mo wala sa linya eh!' Maktol ko.
'Kasi ang pag-ibig mo ang komonekta at bumuo nito. I love you Rey.' Mababakas ang sensiridad sa boses nito.
Bakit ganun kahit gusto kong tugunan ang salitang sinabi niya hindi ko magawa dahil pakirdam ko. Tila ba parang binaluktot ang aking mga dila at pinipigil na maglabas ito ng mahal din kita.
'Jaize I'm sorry pero hindi ko pa kayang sabihin sayo kasi---
'Naiintindihan ko Kaice maghihintay ako.' Ngiting turan nito bago ako halikan sa aking noo. Respeto ng kaniyang paggalang.
Na sana ay hindi niya nalang ginawa dahil mas lalo lamang itong nakadagdag sa aking mga pagdududa sa nararamdaman ko para sa kaniya.'Jaize may minahal ba ako bukod sayo? Nung sabi mong nagkahiwalay tayo?' Hindi ko alam kung bakit lumabas sa mga bibig ko ang tanong na iyon.
Ngunit agad na nagiwas at naging seryoso ang mga titig nito.
Tiningnan ko nalamang ito sa mata na tila ba parang malungkot ito animo'y may tinatago.
'B-bakit mo naman na tanong yan? Ikaw ba meron?' Balik nito.
'Kalimutan mo nalang!' Sabi ko dahil halatang iniiwas niya ako sa tanong ko.
Sana maka alaala na ako para hindi na ako nahihirapang alamin ang isang bagay na hindi ko alam kong totoo ba.
O mga limot kong ala-ala na sinasabi nila....💔💔💔...
'Anak how are you?' Tanong ni Mom sa kabilang linya. Nag vivideo call kasi kami from California.
'Ayos naman po Ma!' Nakangiti kong turan.
'Iniinom mo ba ang mga gamot mo?' Tanong nito.
Sasagot sana ako ng magsalita naman ang kanina pang sawang naka-akbay sakin.
'Naku Tita alagang-alaga ko ata tong anak niyo.' Mayabang na turan nito.
'Aba dapat lang kundi ipapasalvage ka namin Mr. Monterde!' Biro ng ama sa binata.
'Dad!' Saway ko kahit alam kong biro ito.
'By the way you look good together.' Dag-dag asar pa nito.
'Syempre sir meant to be.' Sabay halik nito sa aking bun-bunan habang naka-akbay ito.
Hindi ko alam pero medyo nakaramdam naman ako ng pagkakailang, sa inasta nito.
'S-sorry.' Mahinang bulong nito ng maramdaman niyang medyo hindi na ako komportable.
'Ahm Mom/Dad i think inaantok nako matutulog na po ako?' Paalam ko sa aking mga magulang.
'Ok Princess sweet dream pray before you sleep' and by that they hang up the call.
'Halika na yakag' sakin ni Jaize papasok sa kuwarto namin.
Nung una nagtataka ako kung bakit magkasama kami sa iisang kuwarto samantalang hindi panaman kami kasal. Pero ang sabi saakin ng mga magulang ko naikasal kami ni Jaize. Marahil ay isa iyon sa nawala kong ala-ala. Kaya nahihirapan man ako sa ganitong set-up ay pumayag narin ako.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa kuwarto ay agad na kinuha ni Jaize ang kaniyang unan at kumot at pumunta na sa kaniyang puwesto.
Oo sa sofa natutulog si Jaize na ipinagpasalamat ko. Nung una kasi, wala akong sinabi na kahit anong salita pero dahil malakas ang pakiramdam nito ay siya na ang nagpresinta na doon na siya matutulog na laking pasasalamat ko.
'Ahm Jaize matanong ko lang kailan tayo kinasal? Puwede mo ba akong kuwentuhan kong gaano tayo kasaya ng araw na iyon?' Sabi ko dito.
'You are the most beautiful bride i've ever seen. And were not happy were inlove nung magpakasal tayo. At kinasal tayo nung birthday mo kasi yun yung gusto mong date. Why did you ask out of the blue?' Tanong nito.
'Hanggang ngayon kasi hindi ko parin lubos maiisip na ikinasal ako sa lalaking dati ko pa mahal.' Tawang sabi ko dito. Habang hinihila na ako ng antok.
'Kung alam mo lang na hindi ka talaga kasal sakin at hindi ako ang mahal mo!' hindi ko na naintindihan ang sinasabi nito dahil nilamon na ako ng antok.
'Good night Rey-Rey.' Huling rinig ko bago ako tuluyang kainin ng antok.
BINABASA MO ANG
Love Between Distance (Completed)
Acak#488 in random It's been 10 year's. And until now im still holding to a promise that might be broken or in other. might be unsureable. Ang tagal narin pala pero still wala na akong balita sakanya. Sometimes I'm asking myself. Is he still waiting f...