Masaya lang akong nakayapos kay Grayzon ngayon hindi ko inaakala na mangyayari ito ngayon sa amin.
'Kung panaginip to? Sana hindi nako magising.' Sabi ko dito sa gitna ng yakap ko.
'Me too Kaice.' Sabi nito habang ginawaran nito ng isang halik ang aking bunbunan.
'Gray kanino mo nalaman ang lahat?' Takang tanong ko dito.
Dahil hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung paano at saan niya nakuha ang katotohanan na iyon.
'Kay Helery.' Mahinang sabi nito.
'S-Si Helery?' nag aalalangang tanong ko.
'Oo nagulat na lang ako ng aminin niya sakin ang lahat--- at ang sabi niya pa. Hindi niya daw kayang ipagkait sa atin ang kalayaan. At pinpasabi niya rin na patawad sa lahat ng nagawa niya.' Sabi nito.
Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko sa tinuran nito. Kahit noon panaman eh alam kung kahit na Alam kung bato siya sa labas pero inside Shes Fragile.
At naniniwala rin akong may rason kung bakit siya nagkakaganun. At kung ano man yun napatawad ko na siya sa lahat.
'Kaice thank you.' Singit nito.
'Para saan?' Takang tanong ko saka ibinaling ang tingin ko sa mukha nitong seryosong nakatingin sakin.
'Sa lahat ng sakit na, na idinulot ko sayo. At sa pagsuko without knowing na mas nagsusuffer ka pala.' Malungkot na turan nito.
Habang ako heto nakikinig lang sa kanya. Habang pinagmamasdan ang kanyang malulungkot na mga mata.
'Sa totoo lang nagagalit ako sasarili ko kasi wala ako nung mga panahon na kailangan mo ko. Nung mga panahon na wala kang maalala at kaylangan moko. Nakakagalit na ang bilis kong mapaikot ng hindi man lang nagtitiwala sayo. Sorry' at tuluyan na itong naiyak.
'Shhh... Wala kang kasalanan Gray. Tama na, na ipinaglaban mo ako ngayon. Sapat na sakin na for the first time nagawa morin akong ipaglaban.' Masaya kung turan dito. Ngunit imbles na matuwa ito ay lalo lamang itong naiyak. Habang mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
'K-Kaice p-paano k-ko nagawang s-saktan ka ng ganun?' Garalgal at halos pumiyok na turan nito marahil dala ng kanyang pag-iyak.
Naawa ako para dito. Dahil alam kung sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyari.
'Gray lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari at kung ano man ang nangyari noon. Mananatili nalang iyon sa nakaraan. Let's forward and built a new memory together? Yung wala nang sakit, na yung hindi na natin kaylangang magkasakitan dalawa. Let be united and let the past built our future to be strong enough.' Mahaba at halos naiiyak kong alok dito.
'Oo Kaice hindi na kita pakakawalan pa. Your Mine Darling.' Seryosong turan nito. Dahilan para mahampas ko ito sa kanyang braso.
'Ouch why?' Takang tanong nito.
'Darling ka diyan ang pangit!' Inis na turan ko kahit na sa tuwing tatawagin niya ko noon, ay ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo.
'What wrong with that?' Takang tanong nito.
'Anong what wrong with tha----
Naputol ang dapat kung sasabihin nang mabilis nitong ginawaran ng isang napaka tamis at punong puno ng pagmamahal na halik ang aking mga labi.
Nanigas nalang ako sa aking kinahihigaan. At tanging gulat lamang ang makikita mong rumehistro sa aking mga mukha. Habang ito'y patuloy lamang na ginagalaw ang kanyang mga labi.
Di katagalan ay sinabayan ko narin ang bawat galaw ng cirko ng pag-ibig.
At napapikit nalamang ako at marahang pumatak ang luhang simbolo ng pagmamahal ko sa kanya.Mahal na mahal ko na nga talaga ang lalaking ito. Siya lang ang tanging nakakagawa ng isang nakakabaliw na bagay na ito.
....💘💘💘....
Kinabukasan maaga akong nagising at halos hindi mawala ang nakakapunit na ngiti sa aking labi. Hindi ko aakalain na nagawa namin ang bagay na iyon kagabi.
'A-aray!' Impit na reklamo ko ng bigla akong matalsikan ng butil ng mantika.
Pinagpatuloy ko nalamang ang aking pagluluto. At ng maluto ito'y napagdesisyunan ko nang ayusin ang karmada nito, at mabilis na tumalima sa kanyang kuwarto.
Lumapit ako sa tabi nito at agad kong hinaplos ang kanyang makikinis at napakaguwapong mukha.
Ang mga mata nitong kampanteng nakapikit, ilong na matangos, mukha nitong payapang natutulog animo'y isa itong angel. At ang kanyang mga labi.... Halos malunok ko ang aking laway ng kumibot ang mapupula nitong labi. At muli nanamang bumalik saking ala-ala ang nangyari kagabi.
Unti-unting nagmulat ang mga mata nito at mabilis kung iniiwas ang aking mga mata patungo sa ibang dereksyon.
'W-wala akong ginagawa huh!' Hindi ko alam kung bakit ako nadulas na sabihin iyon gayong wala naman itong sinasabi.
'Look at me Kaice?' Sabi nito habang hindi nawawala ang mapaglarong ngiti nito.
'Oh!' Sabi ko.
'Halika lapit ka may ibubulong ako sayo.' Sabi nito.
Lumapit ako dito na sana hindi ko na ginawa dahil ngayon ay ako na ang nasa ilalim nito at siya na ang nasa ibabaw ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ang ganong kabilis na bagay. Isa lang ang ramdam ko ngayon nahihirapan akong huminga dahil sa kilig. Love can suffocate nga naman.
'Gray!' Banta ko dito.
Ngunit imbes na tumigil ito ay unti-unti niya pang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. At dahang dahang dinampi ang kanyang labi sa aking noo, papunta sa aking ilong at ang panghuli ay ang aking labi at bago niya pa ito mailapat ay mabilis ko na itong naitulak. Dahilan para malag-lag ito sa kama.
'Ouch!' Sigaw nito. Mabilis naman akong nataranta at agarang pinuntahan ito.
'Gray ayos ka lang ba?---- sorry ikaw naman kasi eh--' at pinalo ko pa ito sa braso.
'A-aray!' Impit nito.
'Ay sorry!' At natataranta ko itong niyakap hindi ko alam. Ngunit yun nalang ang naiisip kung paraan para makabawi sa kanyang pagkakalaglag.
'Joke!' Natatawang turan nito. Habang hawak hawak pa ang kanyang tiyan sa kakatawa.
'Ganun huh!' Pikon kung turan. At sumugod ako dito at agad itong ginawaran ng kiliti.
Halos ilang minuto rin kaming nasa ganoong harutan bago namin mapag disisyunang kainin ang niluto kong almusal na nasa labas.
Nakaupo lang kami ngayon sa sala habang nanonood ng isang palabas na Love me tommorow.
'Sana hindi na ito matapos.' Singit nito sa gitna nang panonood namin.
'Hindi sana kasi kahit anong mangyari. You'll love me tommorow at ang bukas ay walang katapusan kaya internity mo na akong mamahalin walang hanggang katapusan.' Masigla kung sabi dito.
Bago ako nito niyakap.
'Till internity Kaice pangako.' Bago ko naramdaman na may pumatak na luha sa likod na tumagos sa damit ko. Marahil ay umiyak ito. 'I love you gray' bago ako tumugon sa yakap nito.
BINABASA MO ANG
Love Between Distance (Completed)
De Todo#488 in random It's been 10 year's. And until now im still holding to a promise that might be broken or in other. might be unsureable. Ang tagal narin pala pero still wala na akong balita sakanya. Sometimes I'm asking myself. Is he still waiting f...