Chapter Forty-Six

92 9 3
                                    

Maaga akong nagising nang magsimulang dumapo sa aking mga mukha ang katamtamang sinag ng liwanag.

Panibagong umaga, umagang pakiramdam ko'y napakahirap harapin. Dahil sa aking kalagayan gustong gusto ko ng makaalala at malaman ang tunay na nangyari pero. Ano mang pilit kong alamin sa huli at sa huli ako parin ang dehado.

Patuloy lang ako sa pagmasid ng magandang kapaligiran at mga puno ng manggang natatanaw ko sa may di kalayuan ng may biglang.
Yumakap sa aking likuran.

'Good Morning Rey-Rey ko.' Malambing na turan nito sabay halik nito sa akong bunbunan.

'Good morning.' Ganting bati ko nalamang.

'Halika na nakapagluto na si manang sa baba mag-almusal na tayo?' Malambing parin na turan nito.

'Sige maghihilamos at magpapalit lang ako ng damit susunod narin ako.' Sabi ko dito.

'Ok.' At saka ito pumasada pababa ng hagdan.

'So how your sleep?' Basag nito sa katahimikan.

'Ayos lang, oo nga pala Jaize pwede mo ba akong dalhin sa bayan kasi burong buro nako sa haciendang ito?' Pakiusap na tanong ko dito.

'Rey alam mo naman diba kakagaling mo lang sa hospital tapos eexpose mo agad ang sarili mo sa labas. Eh hindi ka pa nga fully recover.' Medyo may inis na turan nito.

'Jaize ilang buwan na akong naririto hindi pa ba sapat yun?' Naiinis ko ring balik dito.

'You dont understand Rey. I'm just saying na, mas ok kung dito kalang sa bahay not until you fully recover.' Medyo mahinahon na naturan nito.

'Ok I'm sorry.' Malungkot na turan ko rin dito.

'Sige na tapusin mo na yang pagkain mo. At sumunod ka sakin sa taas iinom ka ng mga gamot mo.' Sabi nalamang nito bago ako iwan sa hapag.

Ramdam ko na nagpipigil lang siya ng kaniyang galit at ramdam ko iyon. Kaya wala akong nagawa kundi sang ayunan nalamang labag man sa aking loob. At hindi ko man maintindihan kong bakit para akong presong nakakakulong sa haciendang ito.

Mas lalo lang akong nagdududa sa bawat kilos na ipinapakita at inaasal nila. Ano ba talagang meron sa nakaraan ko at ganoon nalamang sila ka strikto at alerto sa bawat gusto ko at sa bawat katanungan ko.

....💘💘💘.....

'Ayos na ba iyang pakiramdam mo huh? Gray?' Tanong nito sa binata.

'Ahhh.. My head is aching Helery.' Sagot naman nito.

'Saan dito ba?' Tanong nito habang hinihilot ang dalawang magkabilang sulok ng sintido.

'Yan yan. Dito pa oh!' Sabay nguso nito animo'y may nais ipahiwatig.

Malakas na sampal naman ang dumapi sa pagmumukha nito.

'Ouch! Ano yun!' Reklamo nito.

'Alam mo ikaw niloloko mo ko eh. Sumunod ka na sa labas naghanda ako ng paboritong mong almusal.' Sabi nito.

'Oo nga pala kamusta naman yung naging party niyo kagabi?' Tanong nito sa binatang kaharap.

'Ayos lang naman kaya lang uwing uwi na ko. May naiwan kasi ako eh! Eh hindi panaman ako mabubuhay ng wala yun.' Seryosong turan nito sa babaeng kaharap.

'Stk. Di sana itinawag mo nalamang sakin at ipinadala ko sana kay Clive.' Nag-aalalang turan nito.

Impit namang napatawa ang binata sa harap ng dalaga dahil sa inasal nito.

'B-bakit?' Takang tanong nito.

'Yung naiwan ko kasi yung puso ko ko! Ikaw kasi binihag mo eh.' Banat nito.

Inis man ang dalaga ay hindi nito maiwasang hindi mapangiti.

'Ang corny mo nakakain kalang ng paborito mong fried rice bumabanat ka na. Kumain ka nanga lang diyan.' Natatawang sabi naman nito.

'Thank you huh!' Biglang singit nito.

'Para saan?' Tanong nito.

'Dito sa kabila nang mga pagkukulang ko sayo noon nagawa mo parin akong mahalin and your helping me to makarecover.' Sabi nito.

'Hindi ka panaman na kakarecover. I can feel it Gray.' Malungkot na sabi ng dalaga.

'I wont lie but i guess hindi na katulad ng dati. Medyo nabawasan na yung sakit and it is because of you Helery.' Sabi ulit nito.

'I love you Gray.' Sabi ng dalaga.

Ngunit titig nalamang ang naging tugon nito.

'A-ayos lang. Alam ko namang hindi ka pa ready maghihintay ako Gray.' Pilit na ngiti nitong turan.

'Thank you😊.' Sabi nalamang nito.




Love Between Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon