Chapter Forty-Three

84 7 1
                                    


'What are you doing here?' Galit na turan nito sa kakapasok lang na dalaga.

'Gray.' Tawag nito sa binata.

'Get out!' Balewalang turan nito.

'I SAID GET OUT!' Halos mag-eco ang sigaw nito sa kabuuan ng kuwarto.

'I'm not here to fight--

'Are you numb that i dont want your present here?' Sarkastikong tanong nito.

'Gray i have something, very important to you.' Iwas nalamang nito sa nais ipariting ng binata.

'You dont have the right to call me in that name! Sa pagkakatanda ko, taong mahal ko lang ang tumatawag sakin ng ganoon and your not her!' Galit at tiim bagang bitaw nito sa dalaga.

Masakit mang marinig ang tinuran ng binata, ngunit hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili. Dahil totoo naman. Hindi na nga naman siya ang babaeng mahal nito. Dahil matagal na siyang ibinaon sa limot ng binata mag mula ng saktan niya ito.

'I know! Hanggang ngayon galit ka parin sa ginawa kong pag-iwan sayo noon. And I'm sorry for that, pero sana makatulong ako sayo. Binigay sakin to ni Jaize sulat galing kay Kaice. And if you think it all a lie. Puntahan mo siya sa address na nakalagay sa sulat. Good bye.' Bago nito tuluyang nilisan ang opisina ng binata.

Gulong gulo man, pero natatanga nalamang niyang tinitigan ang puting sobreng inabot sa kaniya ni Helery.

Mag-iisang oras na, ngunit hindi parin mapalagay si Grayzon kung dapat ba niyang basahin ang nilalaman nito.

Ngunit taliwas naman sa sinasabi ng puso at isip niya.

Napagdisisyunan niyang bukasan ang sobre. Naisip nalamang niya na kung hindi niya aalamin ang nakatala doon ay hindi niya malalaman kung ano nga bang dahilan ng pagkawala nito.

Dear Grayzon,

Patawarin mo ako kung hindi ako nakasipot sa ating kasal. Patawarin mo rin ako kung hindi ko nasabi sayo ang totoo. Alam kong sa sabihin ko labis mo itong daramdamin o paka ay tuluyan mo na akong kamuhian. Patawad Gray minahal naman kita eh pero hindi katulad ng pagmamahal na meron ako kay Jaize, patawad. Hindi naman kasi biro ang halos sampung taon na minahal ko siya kumpara sa maikling panahon ni inibig kita. Sorry pero natatandaan mo ba nung gabi bago tayo ikasal alam kong ramdam mo na nagduda na ako sa nararamdaman ko sayo. Kaya naman ng dumating si Jaize. Doon ko na pagtantong mahal ko parin pala siya at siya lang ang nais kong makasama. Patawad pero kalimutan mo nalamang ako salamat sa lahat.

Nagmamahal,
Rey-Rey

Galit at naluluhang napahagulhol nalamang siya sa kinauupuan. At buong lakas na ginayumos ang puting papel kung saan nakatala ang liham ng babaeng minamahal.

Hindi niya lubos maisip na si Kaice ang susulat ng liham na ito. Hindi niya inaasahan na magagawa sa kaniya ito ng dalaga.

Galit man ay pinipilit na paniwalain ni Grayzon ang sarili na isa lamang itong panaginip o kaya naman ay kasinungalingan.

Love Between Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon