'Hon gusto ko ng cofee kaya lang tinatamad na akong lumabas eh.' Maarteng turan nito.
'Sige iuutos ko nalang kay Mia.' Sabi nito.
'Kaice saan ka pupunta?' Tanong nito ng mapansin niyang papalabas ako ng opisina.
'Mag-kakape.' Sabi ko.
'Eh hon tutal pupunta narin naman pala si Ms. Domingo sa coffee shop. Bat di mo pa ipasabay. Staka kawawa naman si Mia o marami pang ginagawa yun.' Nakakairitang sabi nito. Aba itong babaeng ito gagawin pa akong katulong.
Letche lang hay naku. Kaya mo yan Kaice. Bulong ko sa aking sarili.
'Eto ang pera Ms. Domingo.' Abot nito.
'Wag na libre ko na para naman magising yang Fiance mo na hindi ako utusan dito.' Galit kong sabi bago lumabas ng opisina.
Ewan pero napakainit ng dugo ko sa babaeng iyon. Paano banaman wala nang ginawa kundi ang makipaglandian sa binata. And worst sa harapan ko pa. Parang halos araw araw tuloy akong nakakakita ng mga PDA.
Nang makabili ako ng kape. Agad akong dumaretso sa opisina nito at tanging si Helery nalang ang nadatnan ko roon.
'Eto na yung kape mo MA'AM.' Diniinan ko pa ang pagkakasabi ko ng ma'am.
'Salamat pero ayoko kasi ng libre eh. Paka magkaroon pa ako ng utang na loob sayo.' Mataray na sabi nito.
Pero bago pa ako tarayan ng todo nito tumalikod na agad ako. Para lumabas ng opisinang iyon.
'At saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos magsalita.' Ngunit tinuloy tuloy ko lang ang lakad ko ng hindi man lang ito nililingon.
'WAG KANG BASTOS!' Galit na sigaw nito bago niya ako hablutin sa kamay at paharapin sa kanya.
'Ano bang problema mo!' Galit na sabi ko dito.
'Problema ko yang ugali mo. Ayoko sa lahat kapag nagsasalita ako maliban sa tinatarayan ako bastos pang tinatalikuran ako.' Galit na sabi nito.
'Bakit sino ba ang nagsimula akala mo ba hindi ko alam huh! Na sa halos tatlong araw na nakasama kita sa Islang ito hindi ko napapansin yang mga sungay mong pagkahaba haba.' Sabi ko.
'Ahh ganun huh! Ok ipapakita ko ulit kung gaano ako kademonyo pag dating sayo.' At binuhos niya sa kaniyang damit ang kapeng binigay ko.
Halos gulat na napatulala nalang ako dito. Bago ito humagol-gol ng iyak at tinatawag si Grayzon.
'WHAT IS HAPPENING HERE?' Galit na sabi ni Grayzon.
'Gray look at my dress. Sabi ko lang naman sa kaniya ayoko nung flavor na binili niya. Tapos bigla nalang siyang nagalit sakin at tinapon ang coffee nato sa dress ko.' Naiiyak iyak pa nitong sabi.
Ako naman nag babaga na sa galit sa kasinungalingan ng babeng ito.
Napaka best actress dinaig pa niya ang plastic na pakalat kalat sa basurahan. Sa plastic nang mukha nito ngayon.
Akmang magsasalita ako ng bigla namang. Dumaing ito sa sakit.
'Ouch Gray pakiramdam ko nalapnos ata ang balat ko.' Iyak nito at biglang nawalan ng malay.
Bago pa ito tuluyang malaglag ay nasalo na ito ni Grayzon.
At ingat na ingat nito itong binuhat na parang bagong kasal.
Bago sila tuluyang makalabas ng opisina kitang kita ko pa ang maliit na ngisi nito bago ito maglaho ng tanaw sa pintuan.
Galit na galit akong napaupo sa sahig dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Love Between Distance (Completed)
Rastgele#488 in random It's been 10 year's. And until now im still holding to a promise that might be broken or in other. might be unsureable. Ang tagal narin pala pero still wala na akong balita sakanya. Sometimes I'm asking myself. Is he still waiting f...