Chapter Thirty-One

108 10 4
                                    

'Kaice naguguluhan ako. Anong sinasabi mo?' Naguguluhang turan nito.

'M-mahal kita Gray.' Mahinang turan ko ngunit sapat na para marinig niya iyon.

'K-kaice?' Hindi makapaniwalang sambit nito.

'I-i know Gray. Gusto ko lang ipaalam sayo. Wag ka mag-alala aalisin ko siya. Kahit alam kong ilang beses ko nang sinubukan. But still I'm failed to do. Kasi laging ikaw parin. Kaya pls. Lang Gray lubayan mo na ako. Kasi nakakapagod nang mahulog ng mahulog sa taong hindi ako kayang saluhin.' Naiiyak kong turan dito.

'Ka---' magsasalita pa sana ito ngunit agad ko na itong pinutol.

'Congratulation nga pala. Best wishes sainyo nang Fiance mo.' Masaya kong turan dito.

'Kaice you miss--' hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin nito at mabilis kong tinakpan ang tenga ko.

'Austin pls. I need you?' Impit na bulong ko.

'Kaice.' Sabi nito. Mabilis ko itong niyakap. Hindi iniindang nasa likod ko si Gray.

'Ilayo mo ko dito pls.' Desperadong bulong ko dito.

At mabilis ako nitong hinila.

'Kaice kailan mo balak sabihin sa kaniya?' Tanong nito.

'Ang alin?' Tanong ko dito.

'Na nakakakita kana.' Mabilis na sagot naman nito.

'Ano ka ba Austin paka may makarinig sayo.' Kinakabahang turan ko dito.

'Pero wala ka bang balak na ipaalam ito sa kanila?' Seryosong tanong nito.

'Hindi pa sa ngayon Austin.' Wala sa sariling turan ko dito.

'Pero hindi ka ba nakokonsensiya kay Katleen? Kaibigan mo siya hindi lang basta kaibigan. Parang kapatid mo na. At kay Grayzon, wala ka ba talagang balak man lang na ipaalam ito sakaniya. Nang hindi niya na sinisisi ang sarili niya?' Panenermong tanong nito.

'Hindi ko alam Austin. Nahihirapan na rin ako. Sana nung una palang itinama ko na ang kasinungalingang ito. Akala ko kasi....'

'Mamahalin ka niya o kaya magkakaroon ng himala at ikaw na ang pakakasalan niya! Kung bulag ka ganun ba?' Pagtutuloy nito.

Oo halos mag-dadalawang buwan na mag-mula ng magbalik ang paningin ko.

Pero nagawa kong umakto na parang bulag. Na ultimong sarili kong utak at pagkatao pinaniniwala kong bulag ako. Kahit ang totoo ay niloloko ko na ang mga tao sa paligid ko.

Napakasama ko. Ngunit hindi niyo ako masisi dahil ginawa ko lang naman to.

Dahil magmula ng mangyari sakin to. Pakiramdam ko may pag-asang mahalin din ako ng isang katulad niya.

Call me pathetic or crazy bitch. Pero im desperate to be love.

Pero hindi eh. Inuusig ako ng konsensya ko! And maybe this is the right time para itama na ang lahat. Kelangan ko lang muna ng magandang tiyempo. At sana hindi pa huli ang lahat.

'Ang desperada ko noh? Pero wag kang mag-alala. Narealized ko na kahit ano pang gawin ko. Mamatay man ako! Hindi parin natin maipipilit o mababago na magagawa niya akong mahalin.' Malungkot na turan ko dito.

'Andito lang ako. So kailan mo sasabihin sa kanila na nagpapangagap ka lang na bulag at matagal ka ng nakakakita?'

'Ang kulit katat---' naputol ang sasabihin ko ng biglang may magsalita sa likuran ko. At mabilis na nilukob ng kaba at halo halong emosyon ang naramdaman ko ng marinig ko ang itunuran nito.

''SO ALL THIS TIME KAICE NILOLOKO MO LANG KAMI! WHAT A GREAT ACTRESS YOU ARE. BAGAY NGA SAYO ANG TRABAHO MO. DAHIL NAPANIWALA MO KAMING LAHAT! What a bitch you are!' Galit na turan nito.

'Gray' huling sambit ng utak ko.







Love Between Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon