'Gray andito kana.' Masayang bati ko dito na mabilis kung tinakbo ang kanyang kinaroroon at niyakap ito nang mahigpit.
'Masyado mo naman ata akong namiss mahal ko?' Natatawang lintaya nito habang gumanti din ito ng isang mahigpit na yakap.
Naputol ang yakapan namin ni Grayzon ng biglang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. At agad na ibinaling ang tingin dito.
'R-Rey' tawag nito.
Mabilis na kumalas ang pagkakayakap ko kay Grayzon at ang kaninang sayang nararamdaman ko'y mabilis na napalitan ng Galit.
'Anong ginagawa mo dito?' Malamig na tanong ko dito.
'Rey puwede ba tayong mag-usap?' Kinakabahang tanong nito.
'Ayoko! Gray paalisin mo na ang lalaking yan.' Galit na turan ko bago ako magsimulang tumalikod at maglakad papasok sa loob.
Bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ay nakaramdam ako ng mabilis na pagyakap nito animo'y pinipigilan akong umalis.
'Pls R-Rey let me explain.' Pagmamakaawa nito.
'Bitawan moko!' Galit kong turan habang pilit na inaalis ang pagkakayakap nito.
'P-Pls' garalgal na turan nito.
'Ano ba! I SAID LET ME GO!' At pilit na pagpupumiglas ang ginagawa ko dito.
'Pakiusap Jaize--- Habang hindi pa sukdulan ang galit ko sayo umalis ka na.' Mahinahon kung turan dito.
Naramdaman ko nalamang na unti-unti itong kumalas sa pagkakayakap sakin, at yun ang kinuha kong pagkakataon para mabilis na maka takbo paitaas.
Mabilis kung tinungo ang aming kuwarto at napadausdos nalamang ako sa likod ng pinto.
Akala ko kaya ko na. Akala ko kaya ko na syang patawarin sa lahat ng sakit na idinulot niya. Akala ko kaya ko na siyang harapin pero hanggang akala lang pala. Dahil hanggang ngayon nangingibabaw parin ang galit dito sa dib-dib ko.
'Kaice.' Tawag nito sa kabilang pintuan.
Ngunit imbles na sagutin ito ay nagpatuloy lamang ako sa pagiyak.
'Pls. Darling buksan mo to. I'm damn much worried!' Galit at nag-aalalang turan nito.
Hindi ko alam ngunit naramdaman ko nalamang na biglang bumukas ang pinto at ngayon ay nasa harap ko na ito.
'Gray ikaw ba ang nagdala sa kanya dito?' May diin kong tanong.
'Kaic---
'Bakit mo ginawa yun Gray alam mo naman diba!' Naiinis kung turan dito.
'Kaice hindi maganda na sa lahat ng pagkakataon ay hahayaan mong kainin ka ng galit kesa ang magpatawad.' Pagpapaliwanag nito.
'Gray hindi ko kaya at hindi ko alam kung pano?' Naiiyak kong tanong dito.
'Kaice hayaan molang siyang ipaliwanag ang sarili niya. At alam kung hindi ganoon kabilis magpatawad pero darating ang araw. Alam kung kaya mo na. I trust you Kaice.' Sabi nito.
'Gray tulungan moko?' Naiiyak kung turan.
'Kaya nga dinala ko siya dito dahil gusto kong tulungan ka! Haharapin natin to nang magkasama. Hindi ako papayag na ikaw lang mag-isa gagawa nito. Kasabay mo ko ikaw at ako. Magkaagapay tayo.' Lakas loob na pangako nito.
'Kaice nasa baba pa siya. Alam kung kaya mo.' Sabi nito.
Tanging tango nalamang ang naging tugon ko dito.
'Gray?' Nag-aalangang tanong ko dito.
'Kaice sige na dito lang ako i promise i wont....' Pangako nito.
'J-Jaize.' Tawag ko dito.
Tumingin muna to kay Gray at tanging tango lang ang naging tugon ng binata dito.
At ng makuha ang tangong yun mabilis itong tumakbo at yumakap sakin.
'Salamat Rey' turan nito.
'Jaize.' Medyo ilang kong turan na agad naman nitong naramdaman.
'Sorry' turan nito bago kinalas ang pagkakayakap sakin.
'I give you the time to explain Jaize.' Turan ko.
'Rey aaminin ko nagawa ko lamang ang lahat ng iyon dahil sa pagkagusto ko saiyo. Oo sinet-up ko kayo ni Gray at ginamit ko si Helery para sa mga plano ko. Pero Rey wala sa plano na ipihamak kita at magkaroon ka ng Amnesia. God know's na pinagsisihan kong nangyari iyon sa iyo---
'Pero nagawa mo paring pagsamantalahan ang kahinaan ko!' Galit na sumbat ko dito.
'Rey hindi ko ginustong paniwalain ka lukohin ka at pagsamantalahan ang pagkakataong wala kang maalala. Akala ko kasi kapag ginawa ko yun--
'Mamahalin kita! Ganun ba? But sorry to say Jaize it will never happen.' Putol ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon.
'Alam ko Rey! Pero gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Rey alam kong napakalaking kasalanan at napaka impossibleng mapatawad mo ko. At Rey hihintayin kong dumating ang araw nayun.' Naiiyak na turan nito.
At aalis na sana ito ngunit napatigil ko ito sa aking sinabi.'Hindi naman ako bato para maging matigas sayo. Your still my bestfriend Jaize at gustuhin ko mang magpanggap at iparamdam sayong galit ako. Hindi ko kaya hinuhukom parin ako ng konsensya ko. Dahil Jaize magsinungaling man ako pero hindi ang puso ko. Minahal kita hindi bilang kaibigan o dahil napilitan lang ako na mahalin ka? Yun nga lang hindi katulad ng pagmamahal na meron ako para kay Gray. I'm sorry.' Malungkot kong turan dito.
'Sapat na saking marinig na minahal mo ko hindi bilang kaibigan. Ang mahalaga naramdaman at naranasan koring mahalin ng babaeng mahal ko. Good bye Rey.' At tuluyan ng nagsipatakan ang mga luha ko ng yumakap ito sakin. Habang idinidikta niya ang mga salitang iyon.
Nandirito kami ngayon sa sala at masayang nagkakainan. Nakatitig lang ako sa dalawang magkapatid na masayang nag kukwentuhan. Akala ko sila ang mahihirapang magkaayos pero ano na ngayon.
Halos hindi mo aakalain na sa kabila ng mga ngiti ay may nakatagong pighati sa nakaraan.
'So Bro what's your plan after this?' Tanong dito ni Grayzon.
'Ewan pero gusto kong puntahan si Helery na kasalukuyang nagpapagaling sa America. Gusto kung subukang mahalin siya.' Sabi nito.
Alam narin namin ang nangyari dito. At hindi man ito humingi ng tawad personaly at kahit sa video lang ay masaya na ako atlis nagkaayos narin kami ng aking kaibigan.
'Tama yan kasi si Helery lagi ang gumagawa ng paraan para mahalin ka.' Biglang singit ko.
'Hay naku Rey kung alam mo lang kung gaano kasungit ang babaeng yun pero mamahalin ko.' Tawa nito.
'Oh sige na i think i have to go. Bye Bro Bye Rey.' At bumeso na ito bago tuluyang umalis.
Ang sarap pala sa pakiramdam na wala ka nang iniisip na ang tanging proproblemahin mo nalang sa ngayon ay yung haharapin niyong simpleng problema at natural na dinadaanan ng tao.
BINABASA MO ANG
Love Between Distance (Completed)
Random#488 in random It's been 10 year's. And until now im still holding to a promise that might be broken or in other. might be unsureable. Ang tagal narin pala pero still wala na akong balita sakanya. Sometimes I'm asking myself. Is he still waiting f...