Chapter Fifty-Eight

111 13 12
                                    

'Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Ms. Domingo.' Galit na turan nito.

'Wala akong ginagawang masama Mr. Libiran hindi ko na kasalanan kung sadyang napakagaling na artista ng Fiance mo para magpanggap!' Galit na ganti ko dito.

Galit na galit na tumitig ito saakin bago hawakan ng napakahigpit ang palapulsuhan ko.

'A-ano ba bitawan moko nasasaktan ako.' Nahihirapan kong sabi.

'Si Helery ba talaga ang magaling magpanggap o IKAW?' galit na sabi nito.

'Anong ako wag mong ibalik sakin ang salitang binitiwan ko Libiran dahil alam kong alam mo na wala akong kasalanan sayo?'

'Walang kasalanan eh diba nga iniwan mo ako sa mismong araw ng kasal natin para lang sa lalaki mo!' Galit na sabi nito na siyang nakayanig ng buong systema ko.

'K-kasal-- n-natin--' halos hindi ko na mabigkas pa ng maayos ang mga salitang dapat na itatanong ko ng biglang manakit ang sintido ko pero pinilit kong magpanggap na walang kumikirot doon.

'See-- ikaw ang napaka galing na artista. Paano mo nagagawang pakisamahan ako knowing na napakalaki ng kasalan mo sakin?' Galit pa na sabi nito.

'Alam mo! Kung gaano kasakit huh Kaice kung gaano kasakit na maghintay sa taong pakakasalan mo? Yung nagmumukha kang tanga sa harap ng maraming tao!------ Mahal na mahal kita Kaice pero anong ginawa mo. Iniwan mokong halos mabaliw sa kakaisip kung nasan ka? Kung ayos kaba? kung kumakain kaba? Kung ano nang nangyari sayo?' Halos hindi ko na magawang makasagot dito pero malinaw na napapakinggan ko ang mga sumbat nito. Pilit kong nilalabanan ang lahat ng sakit. Para magawa kong mapakinggan ang mga sinasabi nito.

Aaminin ko masakit, masakit na malaman ang katotoohanan na hindi monaman alam na nasasaktan mo na pala ang isang tao dahil lang sa may amnesia ka.

Sorry Gray bago ko makita ang nakakasilaw na mga imaheng unti-unting nagkakaroon ng mukha.

A

t ang taong yun ay si Gray ang lalaking pinakamamahal ko.

....💘💘💘.....

Halos mataranta ako ng makita ko si Kaice na halos namumutla habang nakatingin ito sa mga mata ko at patuloy na lumuluha.

Hindi ko alam pero sa kabila nang awang nararamdaman ko. Patuloy kong pinapasok sa isip ko na nagpapanggap lang siya para maawa ako. Pero ganun nalamang ang gulat ko ng mawalan ito ng malay.

Agad ko itong dinala sa may pinaka malapit na clinic. Dahil wala namang malapit na hospital dito.

Halos manlambot akong pinagmamasdan ito.

'Bakit ganun Kaice gustuhin ko mang magalit sayo. Pero pinangungunahan ako ng takot na paka masaktan kita. Kaice hindi ko alam pero dapat galit ako sayo. Pero sa tuwing gagawin ko pinangungunahan ako nang pagmamahal ko.' Mahinang turan ko habang pinagmamasdan ang dalagang payapang nakapikit sa clinic bed.

'As soon as she wake up paki sabi nalang sa kanya na magpahinga muna siya baga simulan ang trabaho.' Sabi kosa nurse.

'Sir hindi niyo na po ba iintayin ang doctor? Para malaman ang lagay niya?' Tanong nito.

'Hindi na! Wala rin naman akong pakealam sakanya.' Cold kong turan kahit deep inside dinudurpgang puso ko.

'O-ok sir.'  Mahinang sabi nito.

At tuluyan na akong lumabas ng opisina.

Love Between Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon