Chapter Forty-Four

95 10 1
                                    

Halos manlumo si Grayzon sa nakikita niya.

Ngayon mismo sa tapat ng bahay na sinasabi sa Address na nakatala sa sobre.

Hindi siya maaring magkamali si Kaice nga ang babaeng nakikita niyang, masayang nakikipagtawanan sa lalaking kasama nito.

Halos masiraan siya ng bait sa nasasaksihan. Parang gusto niyang lumapit sa dalawa at komprontahin ito. Pero tila ba para siyang naestatwa sa kinatatayuan lalo na ng marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.

'Bakit mo ko mahal Kaice?' Seryosong turan ng lalaki.

'Wala!' Turan nito.

'Huh!' Naguguluhang turan ng lalaki.

Tanga man ay umaasa si Gray na ang isasagot nito ay 'wala kasi meron ng nag mamay-ari ng puso ko at hindi ikaw yun!' Ngunit ng banggitin nito ang kasunod, ay tila para siyang tinamaan ng napakalas na kidlat na kulang nalang ay buhusan siya ng malamig na tubig para magising siya sa katotohanan na. GINAMIT LANG SIYA NI KAICE.

'Kasi ang pagmamahal ko sayo ay walang katumbas' Nakangiting turan nito.

'Ikaw talaga kababae mong tao ang corny mo!' Sabi nito.

'Bakit ayaw mo ba?' Tanong nito.

'Gusto kasi you are my corn of mylife.' Sabi nito.

'Alam mo wala sa linya eh!' Maktol pa nito.

'Kasi ang pag-ibig mo ang komonekta at bumuo nito. I love you Rey.' Mababakas ang sensiridad sa boses nito.

Hindi na nakayanan pa ni Gray ang nasasaksihan. Pakiramdam niya harap harapan siyang pinagtataksilan ng babaeng pinagkatiwalaan niyang aayos sa pusong winasak ni Helery pero mukhang mas malala pa ito sa nangyari ilang taon na ang nakakaraan.

'G-gray!' Tawag ng babae sa kaniyang likuran.

.....💔💔💔.....

'Ganun mo talaga siya kamahal noh?' Turan nito sa binata na ngayon ay halos magpakalunod na sa alak.

'Alam mo ngayon lang kita nakitang umiyak ng ganyan. Kahit nung iwan kita never kang umiyak. Kaya masasabi kong mahal mo talaga siya.' Mapait na turan nito.

Napalingon naman ang binata dito. Marahil ay ramdam niya ang hinanakit sa tono ng pananalita nito.

'Bakit mo nga ba ako iniwan Helery?' Isang katanungan na matagal niya ng gustong-gustong itanong sa taong kaharap niya.

'It is because your always busy on everything, na dumating sa point na nakakalimutan mo ng may girlfriend ka! Na may taong kailangan ka sa panahong wala siyang makapitan. At babaeng nagmamahal at nagpapakatangang iniintay ka!' Naiiyak na turan nito.

'Sa simpleng dahilan Hele---

'It's not simple Gray. Sa tingin mo kung simplemg dahilan yun hihiwalayan ba kita?' Makahulugang tanong nito.

'Then why?' Bigla nalamang iyon ang lumabsa sa bibig niya.

'Mom died a week ago, bago ako makipaghiwalay sayo.' Malungkot na turan nito.

Nagulat naman ang binata sa tinuran nito at tanging kunot noo nalamang ang naging sagot dito.

'Alam mo ba nung mga panahon na kailangan kita...... Wala ka! yung mga panahon na gusto ko nang sumunod sa kaniya kasi wala nang silbi, para mabuhay pa. I tried to commit suicide but then Jaize been thier all the times. Siya ang naging kasangga ko ng mga panahon na nawalan ka ng oras sakin. Until one day i realize na wala nang silbi ang isang relasyon kung napaglilimutan na. At yun yung time na nakipag hiwalay ako sayo.' Pagsasalay-say nito.

'Bakit ganyan kayo. Para sainyo napakadaling ipag-palit kami sa iba.' Sa kabila ng pinagdaanan at awang nadama niya sa sinalay-say ni Helery ay ito pa ang na-isagot niya.

'You know what Gray never kong minahal si Jaize. Pumayag lang akong makipag-relasyon sa kaniya kasi alam kong pinahanap mo ako. At sa tingin ko kapag ginawa ko yun titigilan mo na ako. Dahil hindi mo ako masisi kung napagod nato.' Turo nito sa puso.

'Kung ganun bakit ka pumayag na mag-pakasal sa kaniya?' Takang tanong nito.

'Sabi niya kasi kapag dumating yung araw na hindi na siya balikan ni Kaice which is Rey-Rey. Magpapakasal kami at susubukang mahalin ang isat-isa. But failed to happen dahil iniwan ka ni Kaice at sumama sa lalaking tunay niyang minamahal.' Sabi nito.

Tila ba! Bumalik nanaman ang lahat ng sakit na kani-kanina lang ay halos. Hindi niya makayang i-absorb.

'Gray hanggang ngayon ikaw parin! Walang nagbago. Sorry kung nasaktan man kita.' Naiiyak na sabi nito.

'Sshh... Wala kang kasalanan pero i'm sorry Helery maaring niluko nga ako ni Kaice pero hindi mo maiaalis sakin na nakatatak na siya sa puso ko.' Lungkot na turan nito.

'I know but atleast let me erase those mark and replace a new one. And im willing to be that one.' Seryosong turan nito.

Love Between Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon