Chapter Forty-Six

95 10 0
                                    

'Ms. Domingo ayos lang po ba kayo?' Tanong sakin ni Manong na driver ko.

'I-m fine Manong Kanor.' Simpleng sabi ko dito bago ko pasimpleng pinahid ang mga luhang tumulo sa pisngi ko kanina.

'Sabi niyo po Ma'am eh.' Sabi nalamang nito.

Bakit ba napakainit ng dugo sakin ng lalaking iyon. Wala naman akong ginagawa sa kanya.

Sa tanan ng buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganun. And worst sa hindi ko pa kaano-ano.

'Ms. Domingo Your late. Nakaalis na si Mrs. Munch.' Nagbabagang tingin sakin nito.

Bago ako tuluyang lampasan nito. Dahil sa sobrang inis ko dito. Dumaretso na ako sa may condo unit ko.

'Hello?' Irita kong sagot dito.

'Ahm. Ma'am si Ana po ito sa Libiran Corp. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na nagkaroon daw po si Mrs. Munch ng emergency kaya. Cancel na po ang meeting niyo mamayang 12:30' mahabang sabi nito.

Hindi ko na ito sinagot pa at agad kong inis na pinatay ang tawag.

Kung ganun alam nato ng lalaking yun at pinagmukha niya lang akong tanga. Magiisang linggo palang ako pero pakiramdam ko sa halos araw araw na ginawa ng diyos. Lagi akong nasa impyerno.

'Bweni-bwesit mo mo talaga akong lalaki ka!' Inis na sabi ko.

.....💘💘💘.....

Ngayong araw nato ang alis namin papunta sa may Isla.

At matagal tagal koring pagtitiisan ang ugali ng lalaking iyon.

Halos magiisang oras na itong late at pitig na pitig na ang mga puwet at binti ko sa mahabang pagkakaupo.

Talagang ginagalit mo ako Mr. Libiran pagbibigyan kita ngayon. Pero sa oras na malaman kong ikaw ang may mas kasalanan. Mas grabe ang gagawin ko sayo.

'I'm sorry Captain I'm late.' Hinging paumanhin nito sa piloto. Bago tumingin sakin. Magsosorry din ba to.

'Ms. Domingo bat nandiyan ka doon ka sa unahan uupo sa tabi ko si Helery.' Sabi nito.

Nagdadabog na umalis ako sa puwesto ko at lumipat sa unahan talagang nang bwe-bwesit itong lalaking ito.

'Hon maganda ba sa Islang iyon?' Tanong nito sa binata.

'Oo naman kasing ganda ng soon to be wife ko!' Sweet na turan nito.

Ako naman dito sa unahan halos masuka suka na sa mga kacornihang naririnig ko.

'Nakita mo yan Helery kapag mag-asawa na tayo sayo ko ipapangalan ang resort na iyan.' Sabi pa nito. And so i dont care isip isip ko.

'Sinabi morin ba sa kanya yan?' Malungkot na tanong nito.

'Oo pero kalimutan mo na ang taong matagal ko nang ibinaon sa limot.' Ramdam mo ang galit at hinanakit sa boses nito.

'Pero mahal mo parin siya hindi ba?' Tanong pa nito.

'Mahal? Nagkakamali ka dahil ang nararamdaman ko nalang sa kanya ngayon ay walang iba kundi galit!' Malakas pang sabi nito.

Bakit pakiramdam ko sa bawat pag-uusap at mga salita nito ay tumatagos sa pagkatao ko. Bakit pakirdam ko ako ang babaeng pinatatamaan nito.

Ako ba iyon o imahinasyon lang nang malilikot kong isip. O paka naman nasanay lang ako na laging ako ang pinagiinitan nya kaya. Pakiramdam ko iisa lang kami ng babaeng kinamumuhian mo.

Love Between Distance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon