Chapter One

76 0 1
                                        

THREE YEARS AGO***

Nagpapalipas ako ngayon ng oras sa may 7-11. Mayamaya na siguro ako babalik ng dorm. Dahil medyo late na, wala ng masyadong customers.

Sumisipsip ako sa fruit juice ko nang may tumabi sa aking guy na kumakain ng ice cream. Napatingin ako sa kanya at bigla kong nasabi yung unang thought na lumabas sa utak ko pagkakita ko sa kanya...

"Ang cute nya..."

Ang cute kase talaga niya. (ㅇㅅㅇ❀)

Isipin mo, isang gwapong guy tapos parang bata kung kumain ng ice cream. Ang kyooot!

Kaso, bigla siyang lumingon sakin at kumunot ang noo.  Hala! Narinig niya ba yung sinabi ko???  I hate my big noisy mouth. =____=

Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Jusme. Wala na kong lusot.

Nginitian ko na lang siya. Pagkatapos ay agad-agad akong tumayo at lumabas ng 7-11. Spell NAKAKAHIYA. Epic fail ka, Sam! >_____<

Oh well.  Hindi naman niya ko kilala.

At sana, hindi ko na siya makitang muli.

THE NEXT DAY**

"What? Nakipagbreak ka na sa hottie guy na yon?" -Sam

Kausap ko ngayon si Faye. Kaloka 'tong babaeng to. Di ko na mabilang kung ilang lalake na dumaan sa buhay niya.

Ngayon nga kaka-break lang nila nung guy na 2 days ago lang niya naging boyfriend. Ni hindi ko man lang nga nakilala o nalaman yung pangalan! =_______=

"Yah. Di ko na siya trip kaya nakipag-break na ko. At least, naging honest ako sa kanya. Kesa naman sa pinaasa ko lang siya." -Faye

Nakita ko lang sila ni Faye na kumakain-ng-sundae-habang naglalakad-pa-sa-park nung isang araw. Tapos ngayon break na?

"Yung totoo friend, di ka ba naniniwala sa true love?"

Pinsan, na tinuturing kong kapatid na bestfriend, ko rin yang si Faye. Di nga lang ako nagmana ng kahabaan-ng-hair-genes na meron siya.

Certified NBSB ako. Unlike Faye na akala mo eh paramihan ng naging boyfriend ang basehan, gusto ko yung First, siya na rin yung Last.

"Naniniwala. Eh sa di pa dumadating. Magagawa ko? Saka pwede ba, lovelife ko to. Asikasuhin mo lovelife mo."

"Haynako. Wala kaya ako nun! Faye naman eh. Magseryoso ka na nga. Mamaya niyan dumating na pala si Mr. Right mo tapos nasayang mo lang yung chance kasi takot kang mainlove."

"Whatever. Makapagpayo ka kala mo nagkaboyfriend ka na."

Tss. Binabara pa ko. Tigas talaga ng ulo neto. =______=

"Bahala ka. Balang araw wag mo kong sisisihin. Basta binalaan na kita."

Tumango-tango lang siya sakin. Haynako, sa ilang taon na rin naming pagsasama ganyan talaga siya. Feeling ko naman, someday, titino din yan pag tinamaan na siya ng pana ni Kupido. Sabi nga nila "Love is Magical".

Basta ako naniniwala ako sa true love... at happy endings... And one day, those things will come to my life.

Nag-ring phone ni Faye. Naputol pagde-day dream ko.

"Yeah. Wala akong klase ngayon... Oo. Kasama ko si Sam. Sure. We'll be there." -Faye while talking to someone over the phone

"Sino yun?" I asked her when she ended the call.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon