♪All I want for Christmas is you♪
-Tugtog sa radyo ng taxi
"Dito na lang po," kinuha ko na yung paper bags na naglalaman ng mga regalong pinamili ko. Then, inabot ko na yung bayad kay manong taxi driver.
Naguumpisa ng umulan kaya mabilis akong tumakbo papunta sa gate nina Marie.
I composed myself and breathe deeply. I must smile and be happy. This is a CHRISTMAS PARTY with my dearest friends.
Dapat masaya, Sam.
Nag-retouch muna ako sa labas ng gate. Nakakahiya naman kasi kung magmumukha akong malungkot. I dont want to make them worry.
I applied a little powder and lipstick; a few spray of perfume and there you go, Sam. Smile, smile, smile!
Pinindot ko na yung doorbell.
A few seconds later, binuksan na rin ni Marie yung gate at tinulungan nila ako ni Lulu sa pagpasok ng mga bitbit ko.
Inside the house, Nina is setting-up the videoke while Faye and Victoria are in the kitchen.
Awww, I missed this. I missed my friends. Ngayong nalulungkot ako, seeing them and being with them, fills my heart with warmth. Somehow, nakakalimutan ko yung lungkot.
Nilapitan at niyakap ko sila isa isa. Di naman nila nahalata na may something unusual with my gesture. Akala siguro nila greeting ko lang yun sa pagdating ko. Little did they know, that hug is also a way of saying "I need strength."
Kainan. Bigayan ng regalo. Videoke. Inuman. Ganyan lang kami mag-celebrate ng mga okasyon.
Yung food namin kami nagluluto. Mas tipid kase. Saka masarap naman magluto sina Faye at Victoria. :)
Pagkatapos kumain…
"I'm so full! Ansarap talag magluto nitong dalawa. Now, bigayan na ng regalo." -Marie
Nakaupo na kami ngayon sa may sala at nakaharap sa may TV set para after neto videoke time na!
"Girl, dapat ako unang bigyan ng regalo! Na-haggard ang beauty ko sa pagluluto noh." -Victoria
"Friend, meron ka nun? San banda?" -Faye
Sasagot na sana si Victoria. Buti inawat na sila ni Nina. Haynako. Etong dalawang to talaga. Buti sa kusina nagkakasundo sila.
"Sige na. Si Vic na unang tatanggap at dahil late si Sam siya unang magbibigay." -Lulu
Okay. Sabi ko nga late ako.
-Binilhan ko si Vic ng pink t-shirt.
-Kay Faye, BB Cream.
Nagreklamo pa si Victoria. Dapat raw BB Cream na lang rin sa kanya. Kaloka. Binigyan ko rin siya ng magazine na 1D ang nasa cover. Na-sense ko na kasing magrereklamo siya pag t-shirt lang.
"Papa Harryyyy!" -Vic
Napailing na lang kami. Haynako. Si Vic talaga.
-Kay Lulu, yung recently released album ng Callalily.
Yes. Just like her bestfriend, mahilig din siya sa OPM. Celebrity crush niya si Kean Cipriano.
-I gave Marie a planner, bilang Ms. Organizer siya ng tropa.
-And a novel book of Paulo Coelho for Nina, dahil sa quote na binigay niya kanina sa park.
Everyone's happy with their gifts. Syempre naman sa tagal ko na rin silang kasama, alam ko na ang magpapasaya sa kanila.