Ending: Part One

11 0 0
                                        

San pa ba nagtatapos ang lahat ng story/movie/tv drama? Lalo na pag "Made in the Philippines" ang kwento…

Hindi ba, sa KASAL?

Pero, ang abnormal ata talaga ng love story ko.

Pano ba naman, may kasal nga sa ending…

HINDI NAMAN AKO ANG IKAKASAL!

(Caps lock, Bold)

Hindi talaga AKO.

Pang-asar na tadhana. Kahit kelan. =_______=

Out of nowhere, nakatanggap na lang ako ng wedding invitation mula kina Josh at Faye.

Sabi ko nga wag muna. Na baka naman pwedeng ipostpone muna.

Wala pa kaya si Alex! Di pa siya nakakabalik! Sino namang magiging partner ko sa entourage?

Haynako. AYOKO TALAGA! >______<

Kaso, yung dalawa, excited.

Si Josh, ayaw na raw niyang mawala muli si Faye sa kanya kaya itatali na niya. Pakakasalan na niya.

Si Faye naman, gustong maging June bride. Kesyo swerte raw yun at eto talaga ang month of weddings.

Anak ng minions. Marami rin namang nagpapakasal ng December ah?

O kaya pagbalik ni Alex, kahit magpakasal sila agad-agad! Basta dapat andito na si Aleeex. T_____T

Pero, may magagawa pa ba ko?

Naka-set na ang lahat: date, venue, reception, guests, pati honeymoon.

Bilang pagwewelga, di ko tinanggap yung alok nilang maging bridesmaid ako. As much as I wanted to, dahil pareho ko silang bestfriends, AYOKO TALAGANG IKASAL SILA NG WALA PA SI ALEX.

Andaya naman kasiiii. =______=

Kaya ngayon, andun silang lahat sa Sto. Domingo Church habang ako, andito sa QC Circle at nagtuturo ng mga bata.

Nakakadepress tuloy tong araw na to. Gusto ko rin naman talagang pumunta sa wedding nina Josh at Faye eh.

I checked the time on my phone. In less than an hour, mag-uumpisa na ang kasal.

Sumilip kaya ako?

Haynako. Ang gulo mo talaga, Sam! >______<

I decided to dimiss my class. Okay lang naman sa mga bata kasi binilhan ko sila ng tig-iisang coloring book na pagkakaabalahan nila.

I saw the excitement in their eyes. Kids can be happy with simple things.

Simpleng coloring book lang yun pero masigla nila yung binuklat at pinakita sa mga kaibigan at kapatid nilang nag-aantay sa sa kanila matapos ang klase.

Buntong hininga.

Siguro nga dapat itigil ko na tong pag-iinarte ko at umattend na ko ng kasal ng bestfriends ko.

Cause, I'm part of their happiness… of their celebration… kaya dapat maging masaya rin ako para sa kanila. KAYA DAPAT ANDUN AKO.

Finally, natauhan ka rin Sam.

Matapos maligpit yung ginamit kong teaching materials, kinuha ko na yung bike ko.

Malapit lang dito sa Circle yung condo ni Faye, kung san ako nakikitira ngayon, kaya bina-bike ko na lang.

Feeling ko naman, ngayong mag-asawa na sila ni Josh, aalis na yun sa condo. Syempre si Rich Kid bibili ng sarili nilang bahay.

Habang nasa bisikleta… biglang may gumulong na bola ng soccer sa dinadaanan ko. Medyo distracted ako kaya di ko yun napansin agad.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon