Chapter Twenty-three

53 0 0
                                    

Ilang pulgada lang ang pagitan namin sa isa't-isa... Pareho kaming nakatingin sa malayong karagatan... Napapawi ng malamig na hangin ang init ng panahon.

Tumingin ako sa mukha niyang nadadampian pa ng liwanag ng papalubog na araw. Napakapayapa ng mukha niya.

Buntong hininga.

I just wish he was… Alex. Unfortunately, he is not.

Haynako, Sam. You're staring at a guy but you see him as someone else?!

"Josh?"

He met my gaze upon calling his name.

"Yes?"

"Naisip ko lang… bakit di na lang tayo?" I asked him.

Nabigla ako nung tumawa siya. JUSME! TINAWANAN NIYA LANG AKO?? Ouch. Self-esteem drained. =______=

"Bakit?? Panget ba ko?" nafu-frustrate kong tanong sa kanya.

"You really have that ability of making me laugh. It's been quite a long time since I laugh that hard," Josh told me as he wink.

Nung nakamove-on the siya sa pagtawa, seryoso siyang tumingin sakin.

"Sam, don't be desperate. We both know whose name is written on your heart…

Josh pointed at my heart.

…and it will always be him."

Woah. O____O

San niya nakuha yung mga salitang yun?? Tss. Kilalang-kilala niya talaga ako. Tagos sa kaloob-looban ko yung sinabi niya.

Well, what he said was right. Si Alex pa rin talaga.

"Oo na. Talo na naman ako sayo. Haynako. Kumain na nga tayo!" I grumbled.

* * *

Nasa MOA na naman kami ngayon. Anlayo-layo neto eh. Andami namang malls sa QC. Ewan ko ba dito kay Josh, gustong-gusto niya raw kasi yung dagat. Favorite niyang tumambay sa may seaside ng MOA.

May bahay nga raw sila sa Batangas. Kung wala lang daw sana siyang trabaho, pumunta na siya dun.

Pumasok ako sa isang mamahaling resto na specialty ang Italian cuisine. Nagke-crave ako sa pasta eh. Tutal si Josh naman ang magbabayad. Haha!

Habang inaantay yung order namin, may napansin akong couple sa kalapit naming table.

Napatingin ako dun sa guy na nakaharap sa side ko. Parang siya yung gwapong guy na nag-gitara sa may event center nung isang beses. Dun sa surprise ni Teddy Bear Guy kay Coffee Jelly Weirdo Girl. Yung naka-"I'M TAKEN" na t-shirt.

Baka yung girlfriend niya yung ka-date niya ngayon.  Di ko nga lang makita yung mukha ng girl kasi nakatalikod sa side namin.

They're really sweet. Hinahawakan pa ni I'm-Taken-Guy yung kamay nung girl na nasa ibabaw ng lamesa. Ang saya-saya rin ng pag-uusap nila. I can hear their giggles from our table.

Napatingin tuloy ako kay Josh na parang nag-i-sketch ng something. Naisip ko lang, di ba may girlfriend din tong isang to?

"Tss. Andaya mo talaga," I mumbled.

He looked at me with a puzzled look.

"Why?"

"Di mo pa rin ako pinapakilala dun sa girlfriend mo. Samantalang ako, kinukwento ko naman sayo lahat."

Yes. Nakwento ko na sa kanya kanina yung mga nangyari after the concert, yung sa bday ni Marie, yung sa mall, at yung sa pastry shop. I'm thankful that he's there to listen and share a few comforting words. Andaya lang talaga na siya, walang binabanggit sakin tungkol dun sa gf nya. Damot. =_____=

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon