Chapter Twelve Point Two

58 0 0
                                    

Author's Note: Trip kong putulin. Haha.

* * *

After we kissed, I held his face. It was him. It was really him.

Niyakap ko siya.

"Na--namiss kita… Sorry na," I managed to say despite my tears.

"Hush now. Pinapatawad na kita," sagot niya sakin matapos akong halikan sa noo.

"I love you so much that I can't bear to see you crying... I love you so much that I'm willing to understand your imperfections."

O/////O

Jusme. Mas lalo naman akong naiiyak sa mga sinasabi niya ngayon.

Mahal niya talaga 'ko.

"I've forgiven you the moment we're talking on the phone and you're saying sorry because you can't come. Samantha, I know that you're not a sports fan and I wont force you to become one."

I looked at him. Sinubukan kong aninagin siya sa kabila ng kawalan ng liwanag.

Baka mamaya imaginary Alex lang to or whoever. I wanted to be sure.

"Talaga?" tanong ko sa kanya.

"Na-badshot lang talaga kami kay Coach nitong mga nakaraang araw kaya di kita na-contact o napupuntahan. We're sort of grounded sa kanya. Ikaw kasi eh. Kung pumunta ka sana sa laro ko, napanalo ko sana yun," he explained.

"Oo na po. Alam ko namang may kasalanan talaga ako. Sorry, Alex. Magpapakabait na talaga ako. Promise!"

"Be sure you will or else you'll experience my punishment once again."

Namula naman ako sa sinabi niya. Ano ba naman kasing klaseng punishment yun? Pauso neto. Buti na lang rin pala madilim. Di nakikita netong lalaking to na nagba-blush ako.

"But seriously Sam, why didn't you close the door properly?" naiinis niyang tanong.

Aba. Pagkatapos akong pakiligin sesermonan na  ko? Oh well. Mali naman talaga ako at concerned lang siya sakin.

Naglakad ako papunta sa may switch at binuksan na ang ilaw.

"Sorry, Alex. I was pre-occupied. Wala ako sa wisyo kasi akala ko nagtatampo ka talaga sakin," paliwanag ko sakanya.

Naupo ako sa may sofa. Tumabi siya sakin at hinawakan yung kamay ko. Yung puso ko parang tatalon na naman palabas ng katawan ko.

"Sira ka talaga. Halos ilang araw pa lang akong nawawala ganyan na agad nangyayari sayo."

Nakatungo lang ako. I can't look at him. Nahihiya ako sa mga kapalpakan ko. =______=

"Remember the Sam that I've known? Yung matapang na tinatarayan at iniirapan lang ako? Yung binababaan ako ng telopono at di nirereplyan texts ko?"

He gave out a little chuckle. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Talaga? Ganun ba ko kataray sayo noon?"

"Oo. But now, I'm not saying na tarayan mo ko ulit. My point is I want you to be as strong as that. Be a girl who's not dependent to anyone; a girl who can stand on her own."

"…I cant promise to be always there for you. There are times that you need to make it by yourself. "

Naiintindihan ko naman yung sinasabi niya. Masyado na nga ata akong OA sa pagiging gf. Maski si Faye di na natutuwa.

Tumango ako at nginitian siya.

"Susubukan ko."

Ngumiti rin siya sakin at nilaro-laro yung kamay ko. When he was about to talk, tumingin siya sa malayo.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon