Ilang araw na kong di tinitext o dinadalaw ni Alex, at alam kong this time… di na yun pagpapamiss lang.
Ang tino ko naman kasing girlfriend. Pati importanteng laro ng boyfriend nakalimutan. Huhuness!
Valentines Day na bukas.
Dapat first time naming magse-celebrate nito bilang couple tapos magkaaway kami? Anak ng minions naman oh.
Sumipsip na lang ako mula sa fruit juice ko. As usual, nakatambay na naman ako sa 7-11. Nagbabaka sakaling dumating siya… o mapadaan siya. Sobrang namimiss ko na kasi si Alex.
Haynako, Sam. Kasalanan mo naman yang pinagdadaanan mo. =_______=
Nung nakita kong 11:05 pm na sa phone ko, lumabas na ko ng 7-11. Naghihintay na naman ako sa wala.
Ayoko munang bumalik sa dorm. Di pa rin kasi ako kinakausap ni Faye. Nagtatampo pa rin sakin. Kaya, heto, loner ako ngayon. Gitara ko lang ang kasama ko.
Dumiretso na lang ako sa park. May mga ilaw naman at may mga tao pa ring naglalakad-lakad kaya di naman nakakatakot kahit gabi na.
Naupo ako sa isang bench. In a few minutes, Feb. 14 na. Excited pa naman sana ako.
Ano nang gagawin ko ngayon? Tatawagan ko ba ulit si Alex? Makikipagbati? Kukulitin siya? O hahayaan lang?
I feel lost again.
Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin ni Josh bago ako bumaba sa kotse niya nung isang araw…
FLASHBACK***
"Josh, pag umalis ka na… sino nang GPS ko?" I sadly asked him.
Tumingin siya sakin.
"Dont worry, Sam. You won't need me anymore. Your heart will show you the way," nakangiti niyang sagot.
End of Flashback**
"Your heart will show you the way," pag-uulit ko sa salita niya.
Bahala na nga.
Sinubukan kong tawagan ulit si Alex. Magso-sorry ako. Susubukan ko ulit. Magmamakaawa ako.
Nakailang ring na wala pa ring sumasagot.
Ganto pala yung feeling na may tampuhan kayo? Ang hirap na nga, nakaka-guilty pa sa part ko kasi ako yung may kasalanan.
Nakailang calls na ko pero puro "Please try again later" lang napala ko. Dahil wala naman atang sasagot sa tawag ko, nag-strum na lang ako sa gitara. Wala naman akong maisip kantahin. 'Cause it feels like any love song will break me.
Muli akong tumingin sa oras. 11:27. Ayoko na. Uuwi na nga 'ko. Grabeng torture na tong pagsalubong ng alas-dose ng mag-isa.
Di ko namalayan… naiiyak na pala ako.
DORM***
Nakapatay na yung mga ilaw. Na-lock ko na rin ata yung pinto. Naligpit ko na yung gitara ko sa may stand. Nakapagpalit na rin ako ng pantulog.
Hikab.
Palakad na ko papunta sa kwarto ko nang maramdaman kong may humawak sa wrist ko.
O_________O
Kinabahan ako bigla.Alam kong hindi si Faye tong may hawak sakin.
JUSME!!! May nakapasok saming akyat-bahay???
Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong subalit, mabilis akong hinila nung intruder palapit sa kanya at pagkatapos ay tinakpan ang bibig ko.
Nasa may likuran ko siya. Magpumiglas man ako, wala ring mangyayari kasi anlakas niya.
Please! Wag niyo po akong sasaktan. Marami pa kong pangarap. Gusto ko pang maging teacher. Huhu. T______T
Lalo akong hinatak nung intruder papalapit sa kanya. Halos naka-back hug na siya sakin!! Naramdaman ko yung mainit na hininga nung intruder sa tenga ko. It terrified the hell out of me!!!
Napapikit na lang ako.
Author! Suspense horror story na ba to?? Jusme.
Bumulong siya sa tenga ko…
"Forget everything else, but never forget to lock your door." -Intruder
Ano daaaaaw? O_____O?
Aba. Ayos tong akyat-bahay na to. Sinesermonan na ko, English-ero pa. Sosyalan! Wait lang, DI KO NASARA YUNG PINTO?? Epic fail ka talaga, Sam!! Suicide ba hanap mo?
Ang tindi pa rin ng kaba ko. Sasaktan na ba niya ko?
Lunok ng laway.
"You've been so forgetful these days that you now deserve to be punished."
Ha? Ako?? To be punished? Hala ka, Sam!
Hinarap ako nung intruder sa kanya at…
HINALIKAN AKO!!!
Unconsciously, napapikit ako.
His lips… and the familiar taste that it allows. Without even seeing his face, my heart already knows who he is.
My Alex.
