Chapter Three

71 0 0
                                        

A few days after Lulu's debut>>>

Nakatambay ako ngayon sa may garden.

Si Faye, ayun. May bago na namang lalaking pinagkakaabalahan. Haynako. Mag-isa na naman tuloy ako.

Yung ibang tropa busy sa mga orgs. Tinatamad pa ko mag-org. Kung meron man yung required lang at di ako nagpapaka-active. I dunno. May anti-social tendency ata ako?

Mayamaya, may lumapit saking classmate ko sa PE nung first sem.

"Sam! Ang ganda mo nung debut ni Lucy. Grabe, akala ko kayo na talaga ni Alex. Super kinikilig kaya kami nun! Sayang naman di pala totoo."

Err. Nakalimutan ko na pangalan niya. Bat ang fail ng memory ko these days?

Nginitian ko na lang yung girl. Buti naman umalis din siya agad.

Haynako. Sa lumipas na mga araw puro ganyan naririnig ko sa mga tao. Kesyo bagay raw kami ni Alex. Kami na lang daw. Sana maging totoo na yung relasyon namin.

WTH?!?

Naiirita nga ko sa lalaking yun eh! Di ko alam kung bakit. Basta naiirita ako sa kanya. Ang boring pa niyang kasama. Puro dead air. Napanisan ako ng laway nung kasama ko siya!

Little did I know, sikat na soccer player pala si Alex ng kalapit naming university, yung dito lang rin sa QC, kaya siya kilala ng mga tao.

Eh bat ako di ko siya kilala before? I remember. Di nga pala ako mahilig sa sports. =______=

He's famous among girls. You know, the typical varsity player na hinahabol ng fan girls.

Maski si Faye kinukulit ako. Hiningi sakin number ni Alex. =______= Pati ba naman si Alex idadagdag niya sa listahan ng mga pinaglaruan niya? Tss.

Buti kahit tinext niya, hindi siya nireplyan ni Alex. Bwahahaha! I know, ang evil ko kay Faye. >:P

Ang di ko maintindihan dun sa Alex na yun, kahit na andaming babaeng nagkakandarapa sa kanya, dedma lang siya. Ansuplado. Tss. Kala mo kung sinong gwapo!

Si Marie at Lulu lang nga ang nakita kong kinausap non nung debut. Pati yung tropa nila nung highschool. Ako, pag kelangang-kelangan lang.

Di kaya he's not interested with girls dahil bading si Kuya? Andami na pa namang gwapo na bading these days. Sayang naman ang kagwapuhan niya.

Wait…

Did I just mention that he's handsome?

NO WAY, SAM!!!

After saying that he's cute, gwapo naman ngayon? Ano ba naman yan! Bat ko ba iniisip yung lalaking yon? >________<

Tapos na yung samin. Nagpanggap lang naman kami para sa debut ni Lulu. It was a success and everything went well. Tapos… tapos na yun. Wala na kaming kelangan pang pag-usapan or kelangang maging connection. We're not even friends.

Tamaaaa! Buburahin ko na number niya para total goodbye na. Then, I'll be worry free!! At di ko na talaga siya makikita forever! :)

Nilabas ko yung phone ko at hinanap yung pangalan niya sa phonebook.

Kaso…

Biglang may incoming call,

Anak ng minions! Bakit siya tumatawag? Uhh, sasagutin ko ba?

Teka, bat naeexcite ako na marinig ang boses niya? Bakit natutuwa ako na tumatawag siya ngayon? Ano ba tong nararamdaman ko? Di ko maintindihan!


Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon