Two months later, month of February>>>
Ganto pala mainlove?
Higit pa pala siya dun sa mga description sa movies na magkaka-heart shape heart shape sa paligid mo…
na maririnig mo yung huni ng mga ibon…
yung mas naging makulay ang lahat…
na parang nakaHD na may auto-focus pa minsan…
yung parang tumitigil ang mundo pag kasama mo siya…
yung makita mo lang siya at makausap, buong buo na araw mo.
It's waaaay more than those things.
It's some kind of tangible and untangible things… combined.
Okaaaay? Ano ng sinasabi ko? This is so not me. Haynako, Sam. Ang corny mo pag inlove.
…And so everyone else who feels that four letter word towards someone.
Honestly, ang hirap iexplain. You'll only understand once it happen to you. Ngayon… isipin ko pa lang siya kinikilig na ko. :">
After my unforgettable and a little embarrassing, Christmas confession, nalaman kong "Plan B" pala ni Alex ang di magparamdam sakin.
Plan B? It goes like this…
Plan A: ang ligawan at pasagutin ako. Kaso, dahil ilang months na at wala pa rin akong binibigay sa kanya, ni katiting na pag-asa, idagdag mo pa yung fact na binasted ko na siya noon, nag-formulate sila ni Lulu ng Plan B.
(Yes. Little did I know, kasabwat pala si Lulu. Tss.)
Ang Plan B nga ay ang "mawala" siya. Na nagpa-stress sakin ng sobra. =______=
Kapag di ko siya hinanap at binalewala lang ang paglayo niya, ititigil na raw niya ang panliligaw at tuluyan na siyang lalayo.
Pero, kapag namiss at hinanap ko naman siya, muli raw siyang babalik at kukunin na ang puso ko.
Yeah. Corny. But those are the exact words that he told me. Pero ewan ko ba. Kahit gano pa kakorni yung banat, basta mahal mo, kinikilig ka pa rin.
At kung senti-slash-melodramatic mode ako nung nawala siya, sobrang nahirapan din daw siya nung mga panahong yun.
May times pa nga raw na gustung-gusto na niya kong replayan at tawagan. Minsan din daw pumupunta siya nun sa 7-11 pero, di lang siya pumapasok kasi baka magkita kami.
Kahit na sobrang miss na miss na raw niya ko nun, he took all his patience for his plan to work. Sulit naman lahat ng paghihirap niya kasi kung hindi dahil dun… di ko mare-realize na mahal ko na pala siya at di magiging kami ngayon. ヾ(@^∇^@)ノ
"My goodness, Marasigan. Napapagod na ko. Di pa ba tayo uuwi? Halos buong araw na tayong nagiikot sa mall."
"Sandali na lang, Faye." I told her.
Maka-Marasigan naman to sakin kala mo di rin Marasigan. Tss.
Kinuha ko yung long sleeve polo sa may rack.
"Itong kulay na to, bagay ba to kay Alex? O ito kaya?" tanong ko kay Faye.
Valentines Day na kasi sa Thursday! Kyaaah~ Saka malapit na rin monthsary namin. Kaya namimili na ako ng ipangreregalo kay Alex.
Pag weekdays kasi may klase. Walang time mag-mall. Kaya naman kahit Sat pa lang, nag-shopping na ko.
Biglang binagsak ni Faye yung paper bags na naglalaman ng mga pinamili namin. Napatingin tuloy ako sa kanya. Pati yung ibang nagsha-shopping.