After two months: Month of November> >
"Hey, Marasigan. Umagang-umaga, kinikilig-kilig ka na naman dyan. My goodness, para kang highschool student." -Faye
Binelatan ko lang si Faye. Haha.
Nakahiga pa rin ako sa kama. Nakakatamad bumangon eh. Mamaya pa namang 10 am ang klase ko. Si Faye naman nagpe-prepare ng umagahan namin.
Heeee. Kinikilig kasi ako.
Wala lang. Masama kiligin? Kinikilig lang ako sa "Good morning" text sakin ni Alex.Masama? >:P
Wala naman sigurong masama kung maging crush ko siya. Wala naman sugurong masama na magustuhan ko siya. Nothing serious. Not a big deal.
Di naman ako nag-eexpect na magka-something between us. Basta eto yung nararamdaman ko.
Na medyo di ko pa masyadong naiintindihan, actually.
Di naman to kelangang madaliin o pangambahan agad. Gusto kong hayaan na lang muna na ganto. Basta, sa ngayon, eto ang nararamdaman ko at hahayaan ko lang. I-e-enjoy.
Pero, walang alam si Alex tungkol dito sa nararamdaman ko.
Si Faye lang nakakaalam. Yung tropa, di ko alam. Wala akong sinasabi sa kanila.
Kapag nakakasama ko naman si Alex di lang kaming dalawa. Kasama namin sina Lulu. O kaya minsan, yung teammates niya saka yung mga tinuturuan nilang bata pag naaya akong manood ng soccer practice nila.
Though, sobrang dalang lang nun dahil dumadating sa point na naiinip ako pag nanonood ng laro. Di ko pa rin talaga bet ang sports.
Sa lumipas na mga buwan, mas nakilala ko rin si Alex. ^______^
Mga nalaman ko:
-Fourth year na siya, EE ang course. (EE: Electrical Engineering)
Kaya pala nung unang beses ko siyang makita may spark. *u*
Hala! Bat ang corny ko ngayon? Nasobrahan sa kilig? :P
-Varsity scholar siya ng university nila. Nagsa-soccer na raw siya since highschool.
-Di sila ganun kayaman. May kaya lang. Nagtatrabaho sa Canada Daddy niya, while his Mom has a pastry shop in Sta. Mesa.
Minsan, kasama si Nina, nagpunta ako sa pastry shop nila. Walang magawa eh. Haha. Saka na-curious ako. His Mom's pastries are the best! Ang dami nga nilang customers eh.
Pero nung pumunta kami dun, di ako nagpakilala na friend ni Alex. Nakakahiya noh.
Okay lang na pumunta dun kasi twice a month lang naman umuuwi si Alex sa kanila. Tulad ko, nagdo-dorm din siya sa QC.
-Yes, taga-Sta. Mesa, Manila siya. Dun siya lumaki.
-May kapatid siyang babae. Nasa highschool na. Anna ang pangalan.
-Since galing sa hirap, he wanted to give back and to help some street children through giving free lessons in soccer every Saturdays.
Sabi niya sports can give them hope in life. Malalayo pa sila sa bisyo. See? He has a kind heart.
I was right that there is more in him than his good looks and fame in soccer.
-Mahilig siya sa puti.
-Music? OPM.
-Wala siyang talent sa pagkanta at pagsayaw. Sabi niya Math at soccer ang talent niya.
-Mahilig siya sa ice cream. (Halata naman nung una naming pagkikita. Tss.)
-Di pa siya nagkaka-GF kase crush niya raw talaga si Lulu nung highschool days nila.
