Nasa byahe na kami ngayon ni Josh.
Bakit ang yaman ng mga taga-university nila? Kaedad ko lang tong isang to pero may sasakyan na agad. =_____=
Malapit-lapit lang raw ang Makati sa Sta. Mesa. Na hindi ko alam dahil QC lang ang kabisado ko. Ang kaso, sobrang tindi ng traffic dahil sa mga last minute shoppers na dagsa sa malls.
Pabor naman sakin yun kasi magkakaron pa ko ng time para magisip ng gagawin ko.
Aba. Biglaan kaya to!
Kelangan ko ring magipon muli ng lakas ng loob. Na-drain yung confidence ko sa ginawa kong confession kanina sa bar. Na unfortunately ay nasayang lang.
Ano ng gagawin ko ngayon? Jusme. Di ko na talaga alam.
Sam, seryoso ka bang pupuntahan mo si Alex sa KANILA? As in, andun family niya?
Pwede namang magdahilan ako na napadaan lang ako. But that would be a lame excuse because why would I this late at night?
Pano rin kung tulog na siya? Or baka di pa talaga umuuwi ng bahay? Tss. Spell UNCERTAINTIES.
Nakakahiya naman kung bigla akong magba-back out eh ihahatid na nga ako netong Josh guy na to kina Alex. Sayang naman effort ni Kuya.
Haynako, Sam. Bahala na nga.
"Don't you remember me?"
Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Josh. Stuck pa rin kami sa gitna ng traffic. Jusme. Anong oras na kami makakarating neto?
I looked at him. Dito kay Josh guy. He's waiting for my answer.
"Honestly, feeling ko nga I've already met you before. Di ko lang talaga maalala kung san, paano at kelan," I answered.
"You've been to our university right?" nilingon na niya ko. Tutal naman nakahinto pa kami dahil naka-red pa yung traffic light.
Tumango ako.
Every weekend naman pumupunta ako sa school nila noong kino-contact pa ko ni Alex. Pero nung nawala na siya, di na ko pumupunta.
Nakakahiya naman noh. Baka isipin niya, isa na ko sa mga fan girl na naghahabol sa kanya. Saka baka ayaw na niya sakin kaya ayaw na niya kong makita, and so, di na ko nagpakita.
Buntong hininga.
It hurts to think of that possibility. Yung ayaw na niya sakin.
Hindi napansin ni Josh yung paglungkot ng mukha ko dahil nasa pagda-drive na ulit yung attention niya. Buti naman nakisama yung traffic light.
"The first time I saw you, you seem to be a lost child," said Josh as he chuckled. Ansarap naman pakinggan ng tawa niya. Napangiti ako.
Teka, lost child? Kunsabagay, parang lagi naman akong naliligaw na bata. =_____=
"I knew by then that you are not a student from our campus. That time, I was staring at you because you caught my attention. So, I was kind of surprised when you approached me and asked me where the soccer field is."
"Hala! Wait lang. So you mean ikaw yung gwapo guy na tinanungan ko noon kung nasaan yung soccer field??"
Natawa na naman siya.
"Gwapo guy?"
Jusme. Nasabi ko ba yun? Bakit ba di nasasala ng brain ko yung sasabihin ko? Tss. Here goes your big, noisy mouth again, Sam. =_____=
"Well, yes. I'm that 'gwapo-guy'. As you said."
Nginitian ko na lang siya. Haynako. Magbe-behave na nga ako.