Ang bilis mo naman ata Kuya.
Kamusta naman? Halos isang linggo pa lang since the first time we met. Tapos… girlfriend agad??
Yan yung thoughts ko after niyang sabihin sakin na, "Samantha, will you be my girlfriend?"
Jusme. NGSB ba talaga tong isang to? Para kasing di lang siya player sa soccer. Parang player din siya sa pag-ibig, di ba? Kasi, isipin mo naman, yung ganyang mga lines na agad-agad sinasabi ng guy sa isang girl, lakas maka-player ng dating.
Ang bilis lang masyado. Ni hindi ko pa nga siya nakikilala ng lubusan.
Marami ng nanligaw sakin. Marami na ring nagtanong sakin ng tinanong niya. But… I never answered "Yes".
Kasi nga ayoko ng ganito. Yung mabilis. Yung agad-agad. Gusto ko yung sigurado. Gusto ko yung slowly but surely. Kasi ang gusto ko yung permanente… yung panghabang-buhay… yung pang "happy ever after".
Andami ko ng nasaksihang relasyon na napakabilis mabuo tapos, ganon din kabilis masira. Ayoko ng ganon. Gusto ko, First and Last.
I won't believe this guy whom I just met a few days ago and tells me that he feels something for me. He feels something that he isn't even sure of! What if it's just an attraction? What if it's something that will eventually fade?
Why don't guys realize that sometimes, they aren't even trust-worthy of a "Yes"?
I know that most girls would love to be on my position now. "The Alex Romero" asking you to be his girlfriend? Baka yung iba nagtitili na at nagtatalon habang sumisigaw ng "Yes". But not… me.
Not because I'm attracted to him or I'm sort of having a crush on him or I find him cute or handsome, eh papayag na ko. Hindi model o pang-cover ng magazine ang hinahanap ko kundi taong mamahalin ng panghabang-buhay.
Ilang minuto rin ang lumipas. Tahimik lang siyang naghihintay ng sagot ko.
Ilang beses na rin akong nangbasted. Pero bakit parang ang hirap ng sitwasyon ngayon?
Siguro kasi… may naramdaman akong spark sa kanya? Na alam kong he could be someone special kaso hindi naging maayos.
Kung naging mas mabagal lang sana ang takbo ng lahat… Kung kinilala muna sana namin ang isa't-isa… Kung niligawan muna niya ako... Nabigay ko pa sana sa kanya yung hinihingi niyang "Oo".
"Sorry, Alex."
Yan na lang yung nasabi ko sa kanya. Tumayo na ko at lumabas na ng store. Ni hindi ko siya tinignan.
Ayoko…
Ayoko kasing makita na malungkot siya dahil sa sinagot ko.
Sayang naman.
two weeks after>>>
Two weeks went fast. The sem is almost over. Everyone's busy for Final exams, requirements to be submitted, and organization activities.
The past days have been stressful for me. It's late at night pero marami-rami pa kong kelangang review-hin for tomorrow's exam.
Hikab.
Gusto ko munang maglakad-lakad for some fresh air and to grab a drink or something to eat as well.
"Faye, labas muna ako", paalam ko kay Faye na nakaharap pa rin sa laptop niya. May tinatapos pa siyang report for her major.
"Sure. Wag magtatagal ah." -Faye
Yikee. Kahit lagi akong inaasar niyan ni Faye, concerned pa rin siya sakin. I grabbed my phone and wallet at pagkatapos ay lumabas na ng apartment.
