Chapter Sixteen

88 0 0
                                        

Di ko napigilan ang sarili kong yakapin si Josh. Huhuness. I really missed him! :<

"You don't seem to change a bit. You still got that noisy mouth I've known since the day I met you." Tapos pinat niya yung ulo ko. Tulad ng ginagawa niya noon.

"Ikaw rin. Englisherong rich kid ka pa rin!" inirapan ko nga siya.

Tss. Noisy mouth. Oo na. =_____=

Mas nagmukha siyang mayaman ngayon. Iba na talaga pag graduate na. Jusme. Pag nakilala mo talaga si Josh, di mo iisiping naghihirap ang Pilipinas. Ang yaman-yaman kase! Nasan ang hustisya?

Tinawanan niya lang ako. Tulad nung kapag inaasar niya ko dati at napipikon ako sa kanya. Parang di kami nagkahiwalay ng dalawang taon.

Nginitian ko na lang siya. Haynako. Kundi ko lang siya namiss eh.

"Andaya mo. Matagal ka ng bumalik ng Pilipinas pero di mo man lang ako kinontact. Akala ko kinalimutan mo na ko," nagtatampo kong sinabi sa kanya.

"I just tried if what I told you is effective."

"Ha? San dun? Andami mo kayang sinabi sakin. Kahit kelan talaga riddles ka."

"What riddles?"

"You speak in riddles, Mister," sabi ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Sorry if those years were taken by my studies. Dont worry, Sam. Now, I'll stay in the Philippines for good. You won't miss me anymore," he said as he winked at me.

Tss. Still the same him.

"Anong namiss? Di kita namiss noh!"

As usual, tinawanan niya lang ako. Alam naman niyang tama na naman siya at talo na naman ako. Haynako.

Tumingin ako sa side ng mga table.

"Di pa ba tayo kakain? Di pa ko nagdi-dinner." 

Bago pa man siya sumagot, umupo na ko. Iniiba ko lang yung usapan. Nakakahiya kasi sa kanya. Baka pag sinabi kong namiss ko talaga siya, isipin niya may gusto ako sa kanya or something. Like, duh? Wala kaya noh. >______<

Umupo na rin siya at tinawag yung waiter for the menu. Nagpakuha rin siya ng red wine at sinalinan yung wine glass ko. Oh noes, Sam! Fine dining ito!!

Lunok ng laway.

Kaya ba to ng powers ko?  Josh, Mcdo na lang ulit tayo! Haynako, Sam. Magbehave ka na nga. =______=

Sabagay, minsan lang naman to. Oorder na ko ng lahat ng masarap at mahal. Si Josh naman ata magbabayad.

Aba. Wala akong pambayad dito! Magle-LET (Licensure Exam for Teachers) pa lang ako. Di pa ko mayaman.

Dinala na nung waiter yung food. Nagumpisa nang mag-slice si Josh nung steak habang ako, pini-figure out pa kung pano gagawin.

Anak ng minions naman oh!! Dapat talaga nagMcdo na lang kami. Mamamatay na ko sa gutom di ko pa rin ata makakain to.

Nakakahiya pang sirain yung presentation kasi ang ganda! Pang fine dining resto talaga. Hmmm. Kunan ko kaya ng picture? Wait lang. Sabi ko nga magbe-behave na ko.

Sinubukan ko na lang na gayahin yung ginagawa ni Josh. Nagulat ako nung kinuha ni Josh yung plate ko at pinalit yung sa kanya.

Ako--> O______O?

"Take mine so you won't have a hard time slicing it," he explained.

O////O

Kyaaaah. Ang gentleman talaga neto. Parang di na ko nasanay.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon