I easily forget things.
Tulad kanina, nalimutan kong tawagan si Mama. Magpapadala pa naman daw siya ng pera.
Nung isang araw, nalimutan ko na may bibilhin nga pala kami ni Nina sa SM North. Ilang oras niya tuloy akong hinintay.
Muntik ko ring malimutan na magbayad sa jeep kanina.
I tend to be forgetful. Pero, bakit ganun?
BAKIT SI ALEX HINDI KO MAKALIMUTAN?
Is this some kind of a curse?
* * *
Tama ba yung naaamoy ko? Amoy baked-mac!!! Nagbe-bake si Faaaaaaye?
Takbo ako papuntang kitchen.
Nakita kong andaming pagkain. Puro favorite ko! May home-made milk tea ring ginawa si Faye.
Anong meron??
♪Happy birthday, Sammy. Happy birthday, Sammy♪
Binatukan ko siya.
"Araaaay!" sigaw niya at pagkatapos ay inirapan ako.
"My goodness, Marasigan! Ikaw na nga tong pinagluto ko, ikaw pa may ganang mambatok dyan? Sinapian ka ba ni Victoria?!"
"Di ko naman birthday ah! January kaya bday ko."
"Duh? I know, Marasigan!" nakahalukipkip pa niyang sagot sakin.
"Eh bat ka naghanda ng ganto? Anong meron?" tanong ko sa kanya.
"You don't like?" balik tanong niya sakin tapos sumipsip dun sa milk tea KO!
Inagaw ko sa kanya yung milk tea.
"Syempre gusto!"
Ngumiti ako ng pilit.
"Thank you, Faye," malambing kong sambit.
Kinakabahan ako. Never pang ginawa to ni Faye for me. May kakaiba talaga ngayon.
Hinanda na niya yung plates at nagumpisang mag-serve ng pagkain.
"Uhh, Faye... mamamatay ka na ba?"
Binagsak niya yung mga kutsara't tinidor. Nagulat tuloy ako. Napa-face palm si Faye.
"My goodness, Marasigan! Di pa ko mamamatay noh! I can kick you out of this kitchen if you want some proof. Cant you see? I'm bribing you!"
"Ahh. Hehe. Sorry." ^____^\/
Sumubo na siya ng baked-mac.
Lunok ng laway.
Penge ako. Huhuness.
"Sam, nag-effort ako para lutuan ka ngayon."
True. And so?
"Alam ko kasing di ka papayag if I simply ask you to date some guy. Please naman, Sam. Kahit ngayon lang."
Ayoko ngaaaa.
Ilang beses na kong kinonvince ni Faye na makipag-date sa ibang lalaki para raw malimutan ko na si Alex. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na. As if naman kasing may magagawa yon for me to forget him.
Sumubo ulit siya ng baked-mac.
"Ayaw mo? Then, fine. Leave the kitchen."
Baked-mac. Milk tea. Chiffon chocolate cake. Na lahat gawa ni Faye at alam kong masaraaaaap. Ugh. She really knows my weakness!
"Fine! Makikipag-date na ko!" I told her. Mabilis akong kumuha ng baked-mac at sumubo.
Oh this is heaven!! Andaming cheese! ♥
"Dont worry, Sam. Syempre naman the guy I chose for you is the best one. He's waaaaay better than that heartbreaker Alex."
Ouch.
Ansakit talaga pag napapakinggan pangalan niya. Haynako.
Sipsip na lang ng milk tea.
"Mas matalino, mas mayaman, mas gwapo at mas mabait namang higit yon kesa kay Alex."
Paulit-ulit talaga sa pagbanggit ng pangalan? Tss. Kundi lang niya ko nilutuan tinarayan ko na rin to.
"If he's that perfect, bakit di na lang siya sayo? Bakit ibibigay mo pa sakin?"
Napahinto sa pagkain si Faye. Parang sumama yung ichura niya or something. She's really weird these days.
Tumayo na siya. Ayaw na niya? Kakainin ko to lahat.
"Sam, maybe you deserve that guy more than I do," sambit niya tapos dire-diretso ng umalis.
Wait lang. Did I really sense some hurt and sadness in her voice?
May kakaiba talaga sa kanya ngayon.
* * *
Ngayon lang ulit ako napadpad sa mall. Alam kong sobrang hilig kong mag-mall noon. Every free weekends ata andito ako... kasama si Alex.
Nadudurog yung puso ko pag nagpupunta dito. Yung parang nakikita ko pa rin yung ako at siya noon na nagda-date dito, kumakain.. nanonood ng sine.
Ngayong di ko na siya kasama, I feel alone.
Buntong hininga.
Naalala ko tuloy yung quote sa isang libro ni Paulo Coelho. Yes, medyo nagbabasa na ko ng books niya. Impluwensya ni Nina.
"I wished I were there with someone who could bring peace to my heart. Someone with whom I could spend a little time without being afraid that I would lose him the next day."
Sana... Sana andito ako ngayon.. naglalakad.. nag-uubos lang ng oras, kasama ang isang taong hindi ako matatakot na isang araw mawawala rin sakin.
Ngayon kasi, parang di na maaalis yung takot na yun sa puso ko. Bakit kasi lahat na lang ata ng lalaking malapit sakin iniiwan ako?
Si Papa...
Si Josh...
Tapos,
Si Alex.
Haynako, Sam! Stop na senti mode.
Hingang malalim.
Andito ka ngayon para makipag.. Err. Awkward word.. uhh.. Da--date.
Di naman kasi ako nakikipagdate kung kani-kanino. Tss. Kundi lang talaga kakaiba si Faye ngayon eh.
Pumasok ako sa restaurant na tinext sakin ni Faye. Dito raw kami magkikita nung guy. Basta, pagpasok ko raw may makikita akong guy na tumutugtog ng piano... tapos siya na raw yun.
Lakas maka-manga character di ba?
Anyway, nakita ko na ngang may grand piano dun sa gitna ng resto. May mangilan-ngilang kumakain. Ang mahal naman kasi dito. Ni hindi nga namin nasubukang kumain ni Alex dito noon.
Haynako, Sam. Alex na naman. =________=
Kinakabahan ako habang papalapit dun sa lalaki. Di ko alam kung ano yung tinutugtog niyang piyesa. Teacher po ako, hindi musician.
Pag panget kunyari tatanungin ko lang kung san yung CR. Haha. Nahahawa na ko sa pagka-evil ni Faye. >:))
Pero, baka katayin naman ako ni Faye pag di ako nakipag-date dito. Tss. Bahala na nga.
"Uhm.. excuse me?"
Huminto sa pagtugtog yung guy tapos tumayo siya at humarap sa akin.
It took me a couple of seconds before I recognize him,
"Joooosh!!!!"
I know.
I'm really wapoise. As usual, pinagtinginan ako nung mga tao sa resto.
But, the hell I care.
Namiss ko tong GPS ko! ♥ :)