Chapter Two

72 0 0
                                    

Hatak-hatak ako ni Marie papasok ng 7-11.

Wala na raw siyang maisip na meeting place kaya dito na lang. Saka mahirap maghanapan sa fastfood chains sa dami ng tao, which is true.

"Bat parang wala pa siya?" tanong ni Marie habang lumilinga-linga.

"Ano bang itsura nun?" -Sam

Nagkita na raw kasi sila minsan ng bestfriend ni Lulu nung may ginawa silang project sa village nila Lulu noon.

"Oh! There he is!" -Marie

SAAN?

"Alex!!!" -Marie

Napatingin naman ako dun sa lalaking tinatawag niya.

Matangkad...  Clean-cut hair...

He seemed to be active in sports dahil sa body built niya... Yung complexion niya para nga siyang nabibilad lagi sa araw.

Morenong moreno. Pero yung tama lang... yung bagay pa rin sa kanya. Siguro kung kakulay ko siya nagmukha na kong baluga.

I can say that he is good-looking. Pero yung sapat na tama lang. May iba kasing nakakaumay na yung kagwapuhan, di ba?

I was surprised when he flashed a smile on us.... or on Marie rather.

So, siya yung tinutukoy ni Marie na bestfriend ni Lulu? Yung magpapanggap na boyfriend ko??

Teka lang.  Bakit parang nakita ko na siya noon? San ko ba siya nakita?

Isip, Sam. Isip!

Lumapit yung guy samin.

"Hello Marie. Sorry medyo nalate ako." -Alex raw

"It's alright. Halos kakarating lang din namin." -Marie

Tumingin siya (yung lalaking Alex raw ang pangalan) sakin.

Tinuro niya ko.

"Bat kasama mo si Ms. Cutie?" -Alex

ANO DAAAW?? O_______O
Anong tinawag niya sakin? Ms. Cutie???

"You knew each other?" tanong samin ni Marie. She looked at Alex, and then at me with questioning eyes!

Ako naman, tumingin kay Alex. When our eyes met...

...it was then that I recognized him.

ANAK NG MINIONS NAMAN OH!!!

How could I forget!?
Haynako, Sam. >______<
Siya yung guy kagabi!!!

Yung…

Yung…

YUNG NASABIHAN KO NG CUTE!!!! (NANG DI SINASADYA!)

Yung nakasaksi ng super nakakahiyang moment ko. Huhuness.

Kasalanan ko bang napalakas ang pagkakasabi ko ng "Ang cute nya"? Tss. Of all people, bat siya pa ang naging bestfriend ni Lulu??

I wish the ground would just swallow me. T_____T

Marie's getting impatient. Ano namang isasagot ko sa kanya? Na may kahiya-hiya moment ako with this guy?

NO WAAAAY!

"No, we're not. Nagkita lang kami dito kagabi. I mean, we happened to bump each other here last night. Pero di ko alam na kaibigan din siya ni Lulu." -Alex

O_______O

Kyaaaah! Very good! Buti naman siya na ang nagpaliwanag. Nakahinga ako ng maluwag.

But Marie doesn't seem to be convinced though.

"Then why did you call her Ms. Cutie?" tanong ni Marie kay Alex.

Nakataas pa talaga yung isang kilay. Interrogation ito?

No. Pleeease. Wag mong sabihin ang kahiya-hiya kong ginawa. Nagmamakaawa ako sayo, Kuya. T______T

Alam ko namang tinawag niya kong "Ms. Cutie" dahil nga sa nasabihan ko siya ng "Ang cute niya" kagabi.

"Uhh,..."

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Lunok ng laway. Handa na ko sa tawang matatanggap ko mula kay Marie. I'm sure pagtatawanan niya ko. Epic fail ka kasi Sam. =_____=

Pero… di ko inaasahan ang sinagot ni Alex.

"...because I find her cute." -Alex

My eyes went --> O_________O
And my jaw dropped open.

I didn't expect him to save me from embarrassment nor expect him to save me THIS way.

Is he telling the truth or merely saving me?

"Oohh. Interesting..." sabi ni Marie na may naughty smile sa mukha nya.

At yung tingin nya sakin na parang sinasabihan ako na "Hoy Sam. Magkwento ka ah."

Why is this happening? This is so not my day. T______T

"If that's the case, wala na kong problema sa inyo. Di na ko mahihirapan. Bahala na kayong mag-getting-to-know-each-other. Aasikasuhin ko pa yung venue. Buhbye!" paalam samin ni Marie at pagkatapos ay agad-agad nang tumakbo palabas ng 7-11.

So… Ano ng gagawin ko ngayon?

This Alex guy just stared at me with a sly smile on his face.

I know...

I know I owe him something.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon