Nag-i-strum ako sa gitara ko nung maisipan kong tanungin si Nina na nagbabasa naman ng libro.
Nasa La Mesa Eco Park kami ngayon. Ang sarap kasi tumambay dito. Mahangin. Maraming puno. Parang wala ka sa city.
Hindi pa ganun karami yung tao unlike sa malls. Marami kasing nagpapalamig sa malls ngayon dahil sa init ng summer.
"Nina, pwedeng magtanong?"
Inalis niya yung tingin niya sa binabasa niyang libro at nilingon ako.
"Sure, Sam. Ano yun?"
"Anong sikreto nyo ng boyfriend mong si Drew? Pano kayo tumagal ng… ilang taon na ba? Since high school pa kayo, right?" I asked her.
"Seven years." Nina beamed at me.
See? Seven years! Jusme. Ganun dapat yung gusto kong maging takbo ng relationship ko pag nagkaron ako ng boyfriend eh.
Yung magtatagal talaga. Yung pang-life time. Yung my first will be the last. Yung may happy ending.
Pero bakit di naging ganun yung samin ni Alex? San ba ko nagkulang? San ba ko nagkamali?
Buntong hininga.
"You know what, Sam? No relationship is all sunshine, but two people can share one umbrella and survive the storm--together."
Together. Bumalik sa alaala ko yung sinabi sakin ni Alex three days ago.
Bakit parang pareho sila ng sinabi ni Nina? Nagkataon lang ba? O eto na yung "Your heart will show you the way" na sinasabi ni Josh?
"Together."
Later that day***
"Josh, san ba tayo pupunta? Akala ko kakain lang tayo?" Nasa sasakyan niya kami ngayon.
"We're going to a concert."
Talagaaaa? Naexcite ako bigla! *u*
"Kaninong concert?" -Sam
"OPM bands." -Josh
"Eh? Seryoso? Thank you, Josh. The best ka talaga!" Iba na pag rich kid. Haha.
Medyo malayo yung biyahe. Sa may Pasay pa kasi. Sa MOA Concert Grounds. Traffic pa sa EDSA, as usual. Kabored tuloy. Maintriga na lang kaya si Josh? Haha.
"Josh, uhmm, bat ako yung sinama mo?"
"Why? You don't wanna come?" tanong niya sakin.
"Hindi! Hindi sa ganun. Of course I'd like to come. What I mean is, don't you have a girlfriend to be with?" pang-iintriga ko sa kanya. "Aba. Antagal nating di nagkita. Sa tagal nun pwedeng nagka-girlfriend ka na."
I've seen a little sadness in his face na bigla rin namang nawala. Bakit ganun? May pagkamisteryoso talaga ang mga lalake.
"Honestly, I've invited her first. But, she declined."
So…… TOTOO?
Anak ng minions! May girlfriend na si Josh?? Pwedeng tumambling sandali sa EDSA? Tutal traffic pa naman. Kyaaah~ Who's the lucky girl?? *O*
"Yikeeee. Nahanap na niya si 'First&Last' niya. I'm happy for you, Josh," I sincerely told him.
Bahagya lang siyang ngumiti.
"Bat di sya pumayag na samahan ka? Busy ba siya ngayon?" pagpapatuloy ko sa topic.
Pero… imbes na ngumiti siya o ma-lighten ang mood, biglang sumeryoso yung mukha niya.