Binigay sakin ni Lulu yung lugar kung nasaan si Alex ngayon. Kinuha ko yung phone at pera ko then, lumabas na para pumara ng taxi.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. Ang alam ko lang, malaki ang naitulong ng mga sinabi nila sakin.
Hindi ko na 'to palalampasin pa. Baka mawala pa si Alex. Ayokong mangyari yun… at hindi ko hahayaang mangyari yun.
Papa Alex! Hintayin mo koooo!
(Hala, nahawa na ko kay Victoria. Jusme. Nababading na ko. =______=)
Habang nasa loob ng taxi, di pa rin mawala yung kaba ko.
Oo, marami pa kong tanong. Like kung siya na ba talaga si Mr. Right… Kung may patutunguhan ba ang pagko-confess ko… Kung di pa ba ko huli… at marami pang iba.
Marami pang bagay na nagbibigay sakin ng takot at pagdududa kung tama ba ang gagawin ko. Pero… ayoko na yung isipin.
"Love does not need to be understood. It needs only to be shown."
Ayoko ng intindihin.
Sino bang nakakaintindi talaga sa love, parang wala naman, 'di ba? Ang mahalaga ngayon ay ang masabi at mapakita ko kay Alex yung nararamdaman ko para sa kanya.
* * *
Nakarating ako sa isang bar sa Makati. May Christmas party raw dito si Alex with his blockmates. Sila na ang elite university. Ang sosyalan mag-party.
As I entered the bar… ANDILIM!
Haynako, Sam. Malamang. Andami pang tao. Nagsasayawan sa dance floor… mga nag-iinom… chit chats. You know, the usual things people do on high-end bars like this.
Buti na lang matino yung suot kong damit ngayon. Iba na pag depressed, nagagawang mag-mini-dress at high heels.
On normal days I would rarely wear an outfit like this. Educ akong estudyante. More of presentable and simple look lang.
Sinubukan kong tumingin-tingin mula sa mga grupo-grupo. Jusme. Pano ko naman makikita si Alex dito?? Huhuness.
Pero hindi ako susuko! Andito na ko. Itutuloy ko na. For sure, kikitilin ako ng limang yun pag bumalik ako na walang nangyari. Aantayin raw nila ako. Tss.
Isip, Sam. Isip!
Kelangang ipaglaban si Mr. Right! Para sa Happy Ending ko! I can do this!!!May nakita akong mini-stage. Wala pang nagpe-perform pero may parang nagseset-up na banda. Andun din sa side ng stage yung DJ na nag-ooperate ng music.
Seryoso ka, Sam? Gagawin mo talaga yung iniisip mo? Haynako. Tama nga si Lulu. Inlove ka na nga.
And when you're in love you do crazy things that you never thought you could do.
Huminga ako ng malalim. Matapos makaipon ng kapal ng mukha, nakiusap ako dun sa mga tao sa stage, pati na rin sa DJ. Super nagmakaawa na ko at gumamit ng makamandag kong charm. Haha!
Luckily, umepek naman yung charm ko sa kanila. Buti na lang mabait mga tao ngayon. Sana palagi na lang Christmas season.
Umakyat ako sa stage at pumwesto sa may mic. Pinatay nung DJ yung music. Syempre, dahil dun, nag-react yung mga tao sa dance floor. Pero, in-ignore ko na lang sila.
Hingang malalim.
Go, Sam! Kaya mo yan!"Good evening. I'm sorry for the little interruption. Don't worry, this wont take too long. Just give me a few seconds."
Nakatingin ang lahat sakin. Nakakahiya. I wont really do this on normal days.
Alex…
Nakikita mo ba ko ngayon? Ginagawa ko to para sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/14316105-288-k684309.jpg)