Author's Note: Karamihan sa mga quotes sa chapter na ito ay galing sa Twitter at di ko inaangkin. Credits to the owners.
* * *
"Sabi nila 'Kung mahal mo palayain mo'. Sinong nagpauso nun Josh?" I asked him.
"Uhh, I dont know."
I stood up and faced him.
"Ayokong palayain si Alex. Lalo na kung sa Nikki na yun lang siya mapupunta."
Josh gave me a puzzled look.
"Josh, let's fight for our love. You fight for Faye, I'll fight for Alex."
* * *
Gustong-gusto ko talagang sabunutan si Nikki kanina. Kainis!
Di ba may boyfriend na siya? Hindi ba sila na nga ni Alex KO? Eh bakit nagagawa pa niyang makipagdate at makipaghalikan sa ibang lalaki? How could she do that to Alex? Hindi ba niya mahal si Alex?
KUMUKULO TALAGA YUNG DUGO KO!!!
Ansarap niya talagang kalbuhin! Kaso, baka makagawa pa ko ng eksena tapos ma-video-han kami, kumalat sa internet at mabalita pa. Mamaya nyan di pa ko makapag-take ng LET. Ayokong idamay yung pangarap at future ko sa lovelife ko.
Saka, di yon gawain ng bida.
Hinatak ko na lang si Josh sa arcade area at nagbabaril ako ng mga pa-"Nikki" (paniki).
Nagpapa-punch at humampas-hampas din ako sa kung ano-anong mga arcade games dun para mabuhos yung inis, galit at badtrip ko. Nakakagigil talaga si Nikki! Swear.
Si Josh, ayun. Sinasamahan lang ako… pinapanood lang ako sa pagve-vent ko ng emotions ko.
Patiently waiting... patiently understanding me.
Later, Apartment**
Inaantay ko ngayon si Faye sa kitchen. Pagtingin ko sa relo, 5:30 na. Any minute from now, dadating na yun.
Mayamaya, nakita ko na siyang pumasok ng kusina at dumiretso sa ref para uminom ng tubig.
Uhh. Pano ko ba to uumpisahan?
Buntong hininga.
"Faye Marasigan, may nalaman ako tungkol sayo," I called her attention.
"Oh. Ang aga mo ata ngayon? Wala ka ng lakad?" she asked me.
Nung makita niyang seryoso ang mukha ko, nakita kong natense siya at umupo sa kalapit kong stool.
"Alam ko na lahat," I told her.
Uminom ulit siya ng tubig. Nanginginig pa yung kamay niya habang nilalapag yung baso sa mesa.
"A--anong lahat?" she silently answered.
"That you're in love with Josh."
Nabigla siya sa sinabi ko. Ilang minuto ring katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita.
She gave out a sigh.
"Sam, falling in love is not always a 'happy ever after'. Most of the time, it's just a 'once upon a time.' And that's what happened between Josh and I. Just a 'once upon a time.'"
"Haynako, Faye. Bakit ba kasi ang negatibo ng pananaw mo sa love?"
"I don't deserve him, Sam. Ang isang katulad ko na papalit palit lang ng lalaki sa isang katulad niyang wala ka man lang maipipintas. He's… he's too good to be true," she sadly told me.
"Eh ano ngayon kung akala mo almost perfect na sya? I'm telling you that he is not. He's still a human being. Hindi siya app boyfriend. He has flaws. Why not take some time to know him better? Masyado mo kasing minamadali ang lahat."
