Chapter Thirty-nine

26 0 0
                                        

A/N: Napakahabang chapter. Napakaraming pangyayari. Inabot ako ng ilang dekada sa pag-eedit. Nanonood pa naman ako ng animè. =3=

Kung may typos man, Sumimasen. Mianhe. Patawad. Aayusin ko na lang pag sinipag. HAHAHA.

PS. Wag aatakihin sa puso sa mga susunod na mangyayari.

K. Nuff daldal.

Basa na: ------>

< * * * >

Ayoko ng ganito.

Ang bigat sa pakiramdam.

Ayokong nagagalit kay Alex. Ayokong may hinanakit sa kanya. Ayokong nagtatampo sa kanya.

Ang di ko pa maintindihan, kahit nagagalit ako sa kanya… parang di pa rin talaga ako nagagalit. Alam mo yun?

Anak ng minions. Ang hirap iexplain. =_________=

Basta, ang alam ko lang, kahit dapat nagagalit at nagtatampo ako sa kanya, namimiss ko pa rin siya. :(

Kahit na na-upset ako sa kanya kahapon, parang ayoko ng magalit sa kanya.

Pero, hindi ba, reasonable naman yung nararamdaman ko ngayon?!

Isipin mo. Bakit ba kasi ganun siya kahapon? Bakit di man lang niya ko kinomfort o kinausap?

Tapos, ni hindi man lang niya ko tinext kagabi! Lagi naman siyang naggu-"Good night" sakin dati.

"WAAAAAAAAAH! JUSMEEE! MABABALIW NA KOOOO!" I shouted at the top of my lungs.

Buti na lang mag-isa lang ako sa apartment.

May advantage pa rin pala ang pagiging mag-isa. Kahit isang advantage lang.

I still miss Faye though. :(

Pag gantong nalulungkot ako, masarap kumain ng breakfast na luto niya.

Buntong hininga.

Walang Faye. Walang Alex. HUHUNESS. T___________T

Ayoko na! Di na ko babangon.

Magtatalukbong na lang ako ng kumot buong araw. Dito na lang ako sa kama ko. =__________=

*doorbell*

Tinanggal ko yung pagkakataklob ng kumot.

*doorbell ulit*

Sino naman yun? Ang aga pa ah.

I checked the time on my phone. Nah. 9am na pala.

Pero, jusme! Ayoko ngang lumabas eh. =________=

I ignored the doorbells. Alam ko namang hindi si Alex yun. Dahil kung si Alex man yun, o si Faye, malamang didiretso na yun sa loob ng apartment at di na magpapakapagod pa sa pagpipindot ng doorbell.

Kung si Josh man yon… or my other friends, they would probably call me first before coming over.

Ignore na lang ulit.

Pero…

*doorbell*

*doorbell*

*doorbell*

"ANAK NG MINIONS NAMAN OH! Sino ba tong makulit na to?"

Bumangon na ko sa kama at pumunta sa may pintuan.

At pagkabukas ko…

"Finally. What took you so long?"

Si…

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon