December: Five days before Christmas>>
6:00 am.
Pagmulat ko ng mata, agad kong chineck kung may message mula sa kanya.
Matapos kong i-scan ang ilang mga group message at isang personal text mula kay Marie, nalungkot ako nang hindi ko nakita ang pangalan niya.
Bumangon na ko.
Nais kong maglakad-lakad para makapag-isip-isip at makalanghap ng hangin.
Nakita kong mahimbing pa ring natutulog si Faye. Nag-Christmas party kasi sila ng blockmates niya kagabi. Mabuti pang bumili na rin ako ng breakfast ko.
After my morning rituals, kinuha ko na yung phone at wallet ko then, lumabas na ng dorm.
Pumasok ako sa 7-11 at hiniling na sana muli ko siyang makita rito tulad noon. Katulad noong una naming pagkikita. Hindi muna ako bumili. Wala akong ganang kumain. Umupo lang ako sa may seat at naghintay.
Sana dumating siya. Sobrang miss na miss ko na siya.
Segundo…
Minuto…
Oras.
Lumipas ang mahigit isang oras pero walang lalaking dumating o tumawag sakin ng Ms. Cutie.
At sa halos ika-isandaang beses magmula nung pagkagising ko, chineck ko ulit yung phone ko kung may message ba ko mula sa kanya. Pero… wala.
Buntong hininga.
Tumayo na ko. Alam ko namang hindi siya darating. Haynako, Sam. Bakit ba pinapaasa mo pa ang sarili mo sa isang bagay na imposibleng mangyari?
Bumili muna ako ng gatas na nasa carton. Nakakahiya naman na hindi bumili sa store kasi ang tagal ng tinambay ko sa kanila. Matapos magbayad ay lumabas na rin ako.
Naglakad lang ako ng naglakad ng naglakad. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Ang daming tanong sa isipan ko.
Nasaan na ba siya?
Bakit bigla siyang nawala?
Bakit hindi man lang siya nagpaalam?
Akala ko ba seryoso siya sa akin?
Akala ko ba sincere siya sa nararamdaman niya para sakin?
Hindi ko naman siya binasted ah. I never told him to stay away… I never told him to stop.
To stop taking care of me.
To stop his sweetness.
To stop showing his love.
Why is this happening?
Ano yun? Pina-fall lang ba niya ko? All this time pinaglaruan lang ba niya ko? Sabi ko na nga ba player siya. How would I not know?
Pero… pwede rin namang he just gave up on me.
Siguro nga wala akong ginagawa para sa kanya…
Siguro nga di ko nasusuklian yung pagmamahal niya…
Siguro nga may hesitations and fear on my side. That I'm still afraid to show what I feel for him…
Siguro nga minsan naiirita na nakukulitan na nako-corny-han ako sa kanya… pero bakit naman siya nawala?
If he really did give up on me, then why so soon? It has only been three months since we've met and almost a month from that day he told me that he'll court me.