Chapter Twenty

54 0 0
                                        

Ilang minuto na ang lumipas subalit wala pa rin akong maibigay na sagot sa tanong niya.

Oo… mahal ko pa rin siya.

Pero, sa dami na ng nangyari, hindi na ganun kadaling sabihin yung mga salitang yun sa kanya.

Hindi ko alam kung kaya ko ba na muling magumpisa sa simula. Hindi ko alam kung kaya ko bang i-risk muli ang puso ko, ang pagkatao ko, ang pagmamahal ko--ang lahat--para lang sa pinapangarap kong happy ending. Hindi ko alam.

Madali mang sagutin ang tanong niya, napakahirap namang panindigan. Kelangan ko ng panahon para mag-isip.

Maaari bang hanapin ko muna ang sagot? Dahil sa ngayon, gulung-gulo pa talaga ang isip ko. Idagdag mo pa yung guilt… yung sakit… at yung takot na nararamdaman ko.

Ang gulo talaga.

Binawi ko sa kanya yung kamay ko. Unti-unti naman siyang bumitaw. I gave out a sigh at tumayo na. Naintindihan naman ata niyang nais ko ng umalis. Inabot na niya sakin yung hand bag ko na naiwan ko kanina.

"Sorry, Alex."

Mas lalong nabanaag yung kalungkutan sa kanyang mga mata.

Sorry sa lahat ng pagkakamali ko sayo noon. Sorry kung di kita mabibigyan ng kasagutan ngayon.

Sorry kung sinaktan kita noon. Sorry kung nasasaktan na naman kitang muli ngayon.

Hindi kasi ganun kadali. Kung mas maayos lang sana ang lahat.

Matapos kong sabihin yun sa kanya ay tuluyan na kong tumalikod. Tulad noon, tulad nung unang beses na sinabi ko yun sa kanya, ayokong makita na malungkot siya dahil sa mga salitang yon.


Day after the concert***

Josh is right.

I need to fight for my love. I need to fight for Alex. Maging sarili ko man at sarili kong takot ang kakalabanin ko. Tutal, wala naman akong magagawa. Mahal ko talaga si Alex.

Di ko naman to matatanggal. Di ko naman to mapipigilan.

Siguro nga tulad noon, I just need to let go of the things that are out of my control and let them fall into place in God's perfect time. :)

Haynako, Sam. Buti naman gumagana na utak mo ngayon. Minsan talaga, kelangan mo lang ng time to think plus pieces of wisdom from your friends para maayos mo yung thoughts mo.

Sa ngayon, kailangan ko munang mag-isip ng gagawin. Di pwedeng haranahin ko na naman siya. Kelangan ko ng bagong plano. Iba na ang sitwasyon namin ngayon.

Matapos magisip-isip, bumangon na ko sa kama. Halos 11:45am na pero kagigising ko pa lang. Madaling araw na rin kasi natapos yung concert. Nag-enjoy naman ako.

Pumunta ako ng kusina. Nakakagutom. Wala pa naman si Faye. Huhuness.

Nagtatrabaho na kasi si Faye. Effortless nga sa kanya na maghanap ng trabaho dahil siya pa yung ino-offer-an ng mga companies dahil sa Beauty&Brains niyang taglay. Yung iba hirap na hirap humanap ng trabaho, siya pinag-aagawan. Siya na!

Buti nga sa may Quezon Ave. lang banda yung kumpanyang pinagtatrabahuhan niya, kaya may kasama pa rin ako dito sa apartment.

Pag nakaipon na siya, bibili na raw siya ng condo. Ako naman, hopefully, by that time ay nagtuturo na para di naman ako kawawa dito.

Jusme. Kahit lagi akong inaaway ni Faye, feeling ko di ako mabubuhay pag wala siya. Siya kaya yung nagaalaga sakin. :< Tulad ngayon, nakakagutom tapos walang pagkain. Huhuness. 

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon