Chapter Forty-one

21 0 0
                                    

"Don't tell me you've forgotten that today's the Azkal's flight to Spain?"

Wala na kong ibang nagawa kundi ang tumango. Nanlulumo ang buong pagkatao ko.

Haynako naman, Sam! Sa dinami-dami naman ng araw na malilimutan mo, yung araw pa talaga ng pag-alis ni Alex?

Di ko naman maiwasang balewalain ang kalendaryo dahil sa takbo ng pamumuhay dito sa probinsya. Dito, you live each day one day at a time. Walang pagmamadali. Di katulad sa Manila na parati kang naghahabol sa bawat araw at oras.

Naiyak na lang ako. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit niya ko pinuntahan kahapon at kung bakit siya malungkot at umiiyak.

HOW COULD I BE SO HEARTLESS? Huhunessss. T__________T

"Na--nakalimutan ko talaga eh. Pero… bakit di man lang niya pinaalala sakin?? Wala ba siyang balak magpaalam?"

May nag-abot ng panyo sa mukha ko. Pagtingala ko… si Josh.

"Stop crying, Sam. It's past seven in the morning now. We still got some time to rush to the airport," Josh consoled me.

"Josh is right. I heard from the news na 10 am pa ang flight nila," Faye added.

Napahinto ako sa paghagulgol.

"REALLY??" I wanted to be sure.

"Yes, Sam. So we better get going. Don't worry. I've brought my car. We'll take you there in no time," Josh assured me.

KYAAAH! THE BEST TALAGA SI JOSH! *^*

"Tara na!" Sigaw ko na nabuhayan ng pag-asa. Let's do this!

Malayu-layo din ang Batangas. Kahit na may sasakyan, aabutin pa rin ng ilang oras ang byahe.

"Oh, just wait Marasigan," biglang pigil sakin ni Faye.

Napakunot ako ng noo.

Bakit? May nalimutan pa ba?

"Will you please wear something presentable? My goodness. I don't want you to be caught by the press wearing those clothes."

Haynako. Eto na naman tayo sa mga kaartehan ni Faye. =______=

But, I know that I can't argue with Faye. Saka, tama rin naman siya. Nakakahiya nga naman kung makukunan ako ng press na nakapambahay lang.

I'm sure there will be press people present at the airport dahil departure yun ng Azkals para sa FIFA World Cup, na sa pagkakaalam ko ay one of the biggest events in sports.

Mabilis akong humablot ng maayos na dress sa cabinet ko. Pinalit ko yun sa damit na suot ko.

Ang unang sapatos na nakita ko ay yung red pumps na galing kay Alex.

Ayoko sanang mag-heels pero, dahil wala na kong oras para humanap pa ng iba, sinuot ko na ito at mabilis na sumakay sa kotse.

"Good thing expressways were made," Josh mumbled as he started the car.

"Salamat talaga sa inyong dalawa." I told them habang nagsusuklay sa backseat.

"Ikaw naman kase, Marasigan, if you tend to be forgetful, why don't you frequently check the internet for updates? There's the online news… social networking sites… All you need to know is found online. Wait, wala bang internet connection dito?"

Eto na naman tayo sa mga panenermon ni Faye sakin. Tss. =_______=

Pero, kahit papano, nakakamiss din pala yung pagiging ganyan niya.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon