Chapter Twenty-six

64 0 0
                                    

Iniwanan ako ni Faye. Huhuness! Ansakit naman kasi ng sinabi ko sa kanya.

Kahit di yun totoo, di naman niya alam na parte lang yun  ng planong pagpapaselos sa kanya. Di ko na tuloy alam ang gagawin ko ngayon.

Jusme! Ansakit sa ulo.

Pumasok muna ako sa isang milk tea shop at um-order. Pagkaupo ko, tinawagan ko kaagad si Josh. Di ko na ata kaya pang saktan si Faye.

Pwede pa namang umisip ng ibang plano, di ba?

"Hello? KAILANGAN KO NG TULONG! As in now na. Something came up. PUNTAHAN MO KO AGAD! Sa favorite kong milk tea shop!"

Binaba ko agad yung phone at binato sa bag ko. Baka kasi kung anu-ano pang sabihin ni Josh na dahilan... na may trabaho pa siya, wala siya sa Manila, or what. Kaya bago pa man siya makasagot, binabaan ko na siya agad.

Di na ko makakapaghintay pa. Di to maaaring ipagpabukas. Mamaya niyan iwanan na ko ni Faye at humanap na yun ng ibang apartment. Di ko talaga kakayanin!

Ayokong tumagal yung galit at selos sakin ni Faye kahit na inosente naman talaga ako. Kelangan ng ayusin ni Josh yung problema nila ni Faye NGAYON.

It's now or never.

Nai-stress tuloy ako lalo sa kanila. Kundi ko lang sila parehong mahal, kundi ko lang sila parehong bestfriends,  pinabayaan ko na sana sila. Tss.

Haynako, Sam. Imbes na "8 Ways to Win Alex Romero Back" lang ang inaasikaso mo, nadamay ka pa tuloy ngayon sa problema ng dalawang yun.

Lumipas ang ilang minuto...  Halos kalahating oras na. Naubos ko na yung iniinom ko...

Aba! Wala pa ring Joshua Fuentabella na dumadating! O____O

Anak ng minions naman oh! Don't tell me di siya makakapunta ngayon? Hahalughugin ko talaga siya sa Makati! Maski sa exclusive subdivision pa siya nakatira!

Kailangan niyang panagutan si Faye! As in yung feelings ni Faye. Tss. Nababaliw na tuloy ko sa kakahintay dito.

I checked my phone kung may message mula kay Josh. But, there is… none. Sinubukan kong tawagan siyang muli pero wala na pala akong sapat na balance. Pag siniswerte ka nga naman!

Tinext ko na lang siya.

"Josh? Makakapunta ka pa ba? Please call me. :(" -text ko kay Josh

Malolobat na rin ako. Mabuti pa siguro makapag-charge muna. Baka tumawag si Josh. Itatanong ko nga muna kung saan may charging station dito sa mall.

Saktong pagtayo ko, may bata palang may hawak na ice cream sa gawi ko. Hindi ko siya napansin kaagad kaya nahagip ko siya. Tumapon lang naman sa pants ko yung chocolate ice cream niya.

Bako pa ko maka-react, nagwala at umiyak na yung bata.

"My ice creeeeam! T______T" -batang lalaki

Lumapit naman agad yung Mom nung bata.

"Sorry po. Di ko po sinasadya," paghingi ko ng paumanhin dun sa Mom nung bata.

Pagkatapos, lumuhod ako para magpantay yung mukha namin nung bata habang kinakausap ko siya.

"Wooow. Ang tinis ng iyak mo. Pwede kang maging singer someday!" I jokingly told him as I pat his hair.

Natigilan naman yung bata sa ginawa ko. Nakita ko sa mga mata niya na tinatancha niya yung ginagawa ko.

"Sorry kung di kita napansin ah. Wala kasi sa wisyo si Ate. Hayaan mo, papalitan ko yung ice cream mo. Intayin mo ko ah?" -Sam

He gave me a small nod.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon