Chapter Nineteen

51 0 0
                                        

Author's Note: Ano nga bang nangyari three days ago? Ano bang napag-usapan nila? Ano yung tanong ni Alex na hinahanapan ng sagot ni Sam?

Let's see. ;)


Three days ago, 7-11***

Hingang malalim, Sam. And there you go, tinulak ko na yung door at pumasok na sa loob. Pagtingin ko sa seats… andun na nga siya.

Si Alex.

At tulad nung una naming pagkikita, mga gantong oras din yon, sa mismong lugar na ito… ay KUMAKAIN SIYA NG ICE CREAM.

Jusme! Kabadong-kabado ako dito na halos mamatay-matay na dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko tapos siya… siya! Kumakain lang ng ice cream?!

I hate you, Author. Bakit si Alex Romero di naghihirap sa kwento na to? Ako lang ata yung stressed na stressed!

(Author: Syempre bida ka. Haynako, Sam.)

Pano siya nakakapag-relax ng ganyan? Di ba siya naaapektuhan sa mga nangyayari samin? Di ba siya nasasaktan? Di ba niya ko namimiss? Di ba siya nalulungkot? Naka-move on na ba siya?

Tsss. Nakakainis!

Nag-umpisa akong maglakad palapit sa kanya. Kaso, natigilan ako. Bakit ang cute-cute niya pa ring kumain ng ice cream? Mas nabawasan nga lang yung cuteness niya since the first day I saw him. Napalitan na kase ng kagwapuhan.

Oh noes, Sam! What are you thinking of?? Pinagnanasaan mo na naman si Romero? Di ba nainiinis ka nga sa kanya kanina lang?

"Staring is rude. Baka matunaw." 

Nagulat naman ako sa bigla niyang pagsasalita. Napayuko tuloy ako.

"A--anong ba--baka matunaw ka dyan?" nag-i-stutter na tanong ko sa kanya.

Grabe na naman yung kabang nararamdaman ko.

"Wala. Yung ice cream mo baka matunaw," sabi niya sakin tapos inabutan ako ng cookiesn'cream flavored ice cream.

Tinanggap ko na lang at pilit na nginitian siya. Spell awkward. >____<

"Salamat." -Sam

Tahimik lang kaming kumain ng ice cream. Parang ganto rin kami dati. Kumakain ng ice cream ng magkasama. Akala ko di na to mangyayari ulit.

Baki parang ang saya?

"Kamusta ka na?"

Nagulat ako sa pagsasalita niya. Di ko magawang tumingin sa kanya. Tinitigan ko na lang yung ice cream na unti-unti nang natutunaw.

"Uhm, okay lang. Thankfully, graduate na. Busy naman sa review lately. Ilang months na lang din kasi magte-take na kami ng LET," I answered him.

"I'm glad to hear that. I'm sure that you'll pass the exams. Alam kong pangarap mo talagang maging teacher," he said in a cheerful voice.

Bakit ang bait niya pa rin sakin? Naisip ko tuloy, di pa rin ba niya alam na alam ko na lahat? Di ba niya alam na sinabi na ni Lulu sakin yung tunay niyang rason noon?

Hindi ba siya nagagalit sakin? Wala ba siyang tampo o hinanakit na nararamdaman towards me?

Sana nga hindi. Sana nga wala. O sana, kung meron man noon, sana ngayon napatawad na niya ko.

Sinubukan kong tignan siya. Medyo na-awkward naman ako nung nakita kong nakatitig siya sakin. >/////<

Jusme. Eto na naman yung heart palpitations ko na sa kanya ko lang nararamdaman. Kalma lang, Sam. Baka mahalata niyang nagba-blush ka! Tumingin na lang akong muli sa ice cream ko…

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon