A few hours later**
I took small steps towards our apartment building. Finally, I'm heading home.
May bitbit akong family-size pizza. Ikakain ko na lang ang lahat ng sakit at lungkot.
Buntong hininga.
Nag-swipe ako sa credit card ni Josh. Pera niya ang pinambili ko nitong pizza. Siguro naman okay lang sa kanya. Ang sakit kaya ng pinagdaanan ko ngayong araw para lang sa love story nilang dalawa ni Faye. Plus, a pizza won't make Josh poor.
Nung malapit na ako sa pintuan ng apartment namin, napansin ko sina Faye at Josh na nakaupo sa sofa ng lobby sa may hallway. They were having a small talk at magka-holding hands pa. They're overly sweet na tipong nakasandal pa yung ulo ni Faye sa balikat ni Josh.
O_________O
Anak ng minions. Ano na naman to? Ano na namang meron? Ano na namang nangyayari? Bakit ba di ko maintindihan yung mga pangyayari ngayong araw?
Di ko na maihiwalay ang totoo sa hindi. Kung maaari nga lang na sana isang malaking panaginip lang ang lahat. Pero… alam kong hindi.
I'm too tired to ask them what's happening. Kung pano sila nagkaayos o kung baka naman guni-guni lang ang nakikita ko sa mga oras na to. Wala ako sa mood ngayon.
I'm really not okay.
Nanghihina ako at ansama ng pakiramdam ko. Emotionally and physically. I am drained. I've had enough from this day.
I ignored the two of them and head to our door.
"Hey! Sam is that you? I haven't notice you because of what you're wearing. What's with the dress up?" Josh jokingly asked me.
Really, Josh?!
Sa dami ng pinagdaanan ko ngayong araw, iyon lang ang itatanong mo!? Ni hindi mo man lang ba ako tatanungin tungkol sa text ko?
Badtrip.
Subalit, dahil sa dami ng ginastos ko ngayong araw at sa mahal ng bacon-and-cheese-family-size pizza, baka pagbigyan kita ngayon. Marunong pa rin naman akong tumanaw ng utang na loob. Thank heavens that you're a rich kid, Josh.
Pinihit ko na yung doorknob.
Ugh. Bat sarado?! Kinapa ko yung spare key sa bag ko.
"Pizza ba yan? Nagdala ka pa talaga para i-celebrate ang reconciliation namin ni Josh. My goodness, that was sweet of you, Sam. Wait, so alam mo nang okay na kami? Josh already told you?" -Faye
Ano daaaw? Pinaglololoko ba ko ng dalawang to? Sumasakit lalo yung ulo ko. =________=
Pakiramdam ko ngayon nasa isang gag show ako at anytime may lalabas na camera. Tapos, sasabihin ng mga tao sa paligid ko na joke lang ang lahat. Pagkatapos… babalik na muli ang lahat sa normal.
Nothing makes sense!
Siguro kung nasa tamang pag-iisip lang ako at nasa ayos ang estado ko ngayon, pinagsisigawan ko na tong dalawang to. Kung tutuusin nga, sila ang dahilan kung bakit ako napahamak... kung bakit ako sinigawan at inaway ni Alex.
Ansakit talagang alalahanin nung nangyari kanina. Maiiyak na naman ata ako.
For some reason, sumikip yung dibdib ko. I take huge breaths dahil pakiramdam ko di ako makahinga.
"Sam?"
Magkasabay pa nilang nabanggit ang pangalan ko.