Chapter Forty-three

18 0 0
                                    

(Last chapter before the ending)

Hindi ko alam kung pano ko nagawang makauwi.

Pagmulat ko ng aking mga mata, tumatama na sa pisngi ko yung sikat ng araw.

Napabalikwas ako nang mag-flashback sa isipan ko yung mga pangyayari kahapon.

I felt a sudden pain in my heart.

Buntong hininga.

I grabbed my phone for some proof. Mamaya niyan binangungot lang pala ako or something.

Nang makita ko yung video ni Alex na naka-save sa memory card ko, it was then that I realized that…

everything was for real.

My heart ached once again.

Bumangon na ko sa kama at nag-umpisang mag-impake. Pagkatapos, bumili ako ng umagahan.

Kinausap ko na rin yung may-ari nung bistro at nagpaalam sa kanya na aalis na ko ng Batangas.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung anong hakbang ang gagawin ko ngayon. Kung san ba ko pupunta o ano nang susunod kong gagawin.

Ang alam ko lang… I need to come back.

Ang mahalaga ay makabalik ako sa kung saan ako tunay na nararapat.

Sa pamilya ko… sa mga kaibigan ko… kina Tita Alice…

…at kay Alex.

Sa mga taong tunay na nagmamahal sakin.

'Cause staying in this faraway place will solve nothing.

< * * * >

Andami ko palang gamit. T____T

May gitara pa ko. Jusme. Magagawa ko bang bumalik ng QC neto?

Magpasundo kaya ako kay Josh?

Kaso, may trabaho yun ngayon. Di naman siya agad-agad makakapunta dito. Buti sana kung sinabihan ko man lang siya.

Saka, isipin mo, pagbalik ko ng QC, san naman ako titira?

This is hopeless! Napabitaw na lang ako sa maleta ko.

Haynako, Sam. Padalos-dalos ka kasi ng desisyon. =______=

Pero gusto ko na talagang umalis! As in now na! Huhuness.

Chineck ko sa handbag ko kung may pera pa ba ko. May napansin akong parang envelope.

Ahhh. I remember. Eto yung binigay sakin ni Anna na pinabibigay raw ni Alex.

Love letter nga kaya to?

Nagdalawang isip akong buksan.

Eh kasi naman eh! Andami ko na kayang iniyak kahapon! Hanggang ngayon nga, namumugto pa yung mata ko at ansakit pa rin ng ulo ko.

Tapos mamaya, maiiyak na naman ako pag may nabasa akong mensahe mula sa kanya. No way. Ayoko na.

I set aside the letter.

"Alex…"

I whispered his name and remembered his smile at the airport.

"WAAAAH! NAMIMISS NA KITA." T________T

Kailangan ko na nga ata ng kasama sa bahay. Di pwedeng ganito na mag-isa lang ako. Baka mabaliw na ko ng tuluyan.

Kinuha ko ulit yung envelope at mabilis na binuksan.

Happy Ending 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon