PRESENT TIME, Continuation of Prologue>>
"I can't promise to be always there for you. There are times that you need to make it by yourself."
He said that two years ago.
Look at me now, Alex. Sa dalawang taong lumipas, I made it by myself. You made me become the toughest girl that I can be.
Pero bakit pagdating sayo, nanghihina pa rin ako?
Bakit muli ka pang bumalik at nagpaliwanag sakin ngayon? Sana kinalimutan mo na lang yung tungkol satin nang tuluyan.
Buntong hininga.
Para sakin, patay na siya... matagal ko na siyang pinatay sa puso ko.
Pero, just a few words from him, gumuho yung pader na halos dalawang taon kong binuo. In just a few words, muli siyang nabuhay sa sistema ko...
...pati yung pag-ibig ko para sa kanya na itinago ko sa kailailaliman ng aking puso.
This can't be happening, Sam.
Napaupo ako sa isang bench. Nanghihina pa rin yung mga tuhod ko. Paulit-ulit na nagre-rewind yung mga sinabi niya kanina sa utak ko...
"Samantha... di ko rin naman ginusto yung mga nangyari. I know you know the reasons behind kung bakit ako nawalan ng time sayo at kung bakit kita napabayaan. Kailanman, di ko ginustong saktan ka."
"Kahit na mahal kita, nag-let go na lang ako nun para di ka na masaktan. Lagi ka na lang kasing umiiyak dahil sakin."
Hindi ba masyado ng huli para sa mga salitang yun? Hindi ba di na nun mababago ang lahat ng nangyari? Anong dahilan niya? Ayaw niya ba kong patahimikin?
Sa nakalipas na dalawang taon, ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito. Sa kabila ng panahong lumipas, siya pa rin ang dahilan ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko...
Si Alex.
Sa tambayan>>
"Sam! Anong nangyari sayo?" tanong sakin ni Marie.
"Bat nagpaulan ka?" tanong naman ni Nina habang pinupunasan ako.
Si Vic pinatong sakin yung jacket niya tapos si Faye inabutan ako ng kape para raw mainitan ako.
"Salamat," iyon na lang nasabi ko sa kanila. Halata naman sa itsura ko na di ako ayos.
"Hey, Marasigan. I've never seen you as wasted as that since the day he left you. Ano na namang ginawa sayo nung Romero na yun?" tanong sakin ni Faye.
Kumukulo na talaga dugo niyang si Faye kay Alex. Kung pwede nga lang atang ipabugbog niya si Alex sa lahat ng naging ex niya, ginawa na niya.
Luminga ako sa paligid at tinignan yung mga gamit nila.
"Andito pa ba si Lulu?" tanong ko sa kanila.
"Wala na, girl. Sinundo kanina nung isang ka-member sa choir. May practice ata sila para dun sa program sa Lunes. Di ko lang knows kung babalik pa." -Vic
Haayy. Buti naman nakikisama pa rin pala ang tadhana kahit papano. Ayoko kasing magkwento sa kanila na andyan si Lulu. Mula nga nung magbreak kami ng bestfriend niya, nagkakailangan na kami.
Di naman sa nag-away kami or what. Yung parang naapektuhan na din yung pagkakaibigan namin in a way. Siguro, nahihirapan lang din si Lulu dahil pareho kaming malapit sa kanya.
"Di naman sa nilalaglag na namin si Lulu. Ang samin lang, we respect kung ayaw mong sabihin namin kay Lulu yung feelings mo. Just feel free to release your emotions, Sam. Baka bumigay ka pag sinarili mo lang yan. We're here to listen," Marie sincerely told me.